Like an old joke…

 

 

Ilang linggo na din akong lasing. Hindi ko na nga alam kung anong pakiramdam ng hulas eh.

Alak na lang lagi ang kaharap ko.

Alak ang kainuman.

Alak pa din ang kakwentuhan.

Napapaisip nga ako minsan, bakit madaming ang may gusto sa alak? Ayaw sa ampalaya dahil mapait daw pero kung makainom naman ng alak eh parang katamis?

“Ampalaya nga hindi ako nakain eh tapos papainumin mo ako ng alak?”

Sabi nang isa kong kaibigan noong alukin kong tumagay nang mapadaan sya sa bahay at inabutan akong nag-iinom.

Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi nya na hindi sya nakain ng ampalaya dahil dati na naman kaming nag-iinom. Siguro ayaw na lang nyang makinig sa paulit-ulit kong kwento tungkol sa palyado kong lablayp.

Matagal na kaming magkasintahan ni Erica, mga tatlong buwan na at napagpasyahan naming mapagkasal dahil pakiramdam namin eh kami na talaga ang para sa isa’t-isa. Dahil nasa tamang edad na naman kami, pumayag na din ang mga magulang namin nung magpaalam kaming magtatanan kami. Basta ‘wag lang daw kaming magpapagabi at lalayo. Sa madaling salita, natuloy ang kasal namin — noong isang buwan lang.

Pero kung itatanong mo kung bakit ko nasabing palyado ang lablayp ko gayung kakakasal ko lang? Yaan mong ituloy ko ang kwento.

Noong unang linggo naming mag-asawa, syempre, andyan pa ang kainitan ng katawan. Honeymoon stage pa. Sa loob ng isang linggo, Eat Bulaga lang ang pahinga dahil pinapanood namin ‘yung isa nilang segment dun.

Pero pagdating nang Sabado, biglang bumaligtad ang mundo ko.

Alas-dos ng hapon. Kainitang-kainitan. Nasa kalagitnaan din kami ng isang nagbabagang sagupaan.

Mga nakakakiliting halinghing ang maririnig sa kabuuan ng bahay.

Hindi alintana ang mainit na kwarto.

Pareho na kaming naliligo sa pawis.

Pareho na kaming lagkitan.

Habang dahan-dahang sumasabay ang kanyang katawan sa pagduyan ng aking katawan, bigla syang nagpakawala ng isang impit na tinig.

“Aaannnssseeelllmmmooohhh…”

Hindi ko agad nabigyang pansin ang kanyang sinabit dahil lunod pa ako sa kaluwalhating dala ng aming pinagsasaluhang init.

“Aaannnssseeelllmmmooohhh…”

Ang ulit nya.

“Aaannnssseeelllmmmooohhh…”

Humirit pa.

“Aaannnssseeelllmmmooohhh…”

Sa pagkakataong ito, hindi na ako nakatiis. Kinompronta ko na sya kahit hindi pa kami kapwa nakakarating sa dapat kahantungan.

“Sinong Anselmo?!”

Tumaas ng bahagya ang boses ko.

“Kakakasal lang natin may kinakalantari ka na agad na ibang lalaki?!”

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapataas lalo ang boses.

“Hindi ako si Anselmo! Si Raffy ako!”

Paglilinaw ko sa kanya.

“Ano ka ba naman hon? Alam ko namang Raffy ang pangalan mo eh.”

May lambing pa rin ang boses nya kahit medyo naiirita.

“Eh sino ‘yung si Anselmo?!”

Tanong ko sa kanya.

“Ano ka ba naman hon? Ang ibig kong sabihin ang cellphone mo. Ang cell mo nahigaan ko ata, ang sakit sa likod eh.”

Paliwanag nya, pero huli ko na sya.

“Niloloko mo ako talaga eh. Panong hindi sasakit ‘yang likod mo eh katre lang ang hinihigaan natin —

— tsaka wala akong cellphone!”

10 thoughts on “Like an old joke…

  1. Zen

    Is this for real? Ang lupet naman ng babae para makaisip agad ng ganung dahilan… Ahehe. 🙂 Nawili akong basahin ito. magaling. Kung totoo man, siguro ganon talaga..

    Sagutin

Mag-iwan ng tugon sa kuya mao Pindutin ito para bawiin ang tugon.