Eskandal – Oh!

Hindi ko na dapat sya papatulan pero kinukulit nya pa rin ako. Sa gitna ng isang kwarto na madaming tao, pinipilit nya akong paaminin.

“May number two ka ano?”

Pabulong nyang sabi sa akin. Ayaw nya din marinig ng ibang tao sa kwartong iyon.

“Ano? May number two ka?”

Paanas nya pa ring sabi.

“Wala.”

Tipid kong sagot.

“Nakita ko may number two ka eh.”

Giit nya.

“Sabi ng wala eh.”

Hindi pa rin ako na tingin sa kanya.

“Aminin mo na, may number two ka.”

Pinipilit pa rin nya akong umamin.

“Sabi ng wala nga akong number two eh.”

Pagtatapat ko sa kanya.

“Bakit ba ayaw mo pang amining may number two ka?”

Pangungulit nya.

Sa pagkakataong ito, hindi na ako nakatiis. Kailangan ko ng ilabas ang aking nasa loob.

Tumahimik ako saglit at bumwelo.

“Ma’am si Almira po na ngongopya! Tinanatanong po kung may sagot ako sa number two!”

Advertisements

14 thoughts on “Eskandal – Oh!

  1. Pong

    Palagay ko dinadaan mo lang ser sa kwentong ganito pero may Number Two Ka talaga lels

    Eh di ikaw na ang Mao is Number Two!
    Ako may number two ako, 0928 yan ang start ng cp number ko lels.

    Be blessed ser, muli pong nakadalaw!

    Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      kamust apakner?! kung kelan ka nakauwi ng pinas eh tska naman naging madalang ang pagbisita..hehehehe….
      gaya ng sabi ko kay ate salbe, wala akong number two… baka ako ang ginawang number two! hahahaha!
      🙂

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s