Mga Paru-paro at Kambyo

Mainit ang sikat ng araw.

Maalinsangan ang ihip ng hangin.

Kahit dalwang beses akong naligo kagabi ay parang walang kwenta sa alinsangan ng panahon ngayon.

Naisipan kong magpalamig muna sa isang malapit na mall. Wala man akong dalang pera dahil wala naman talaga akong pera, mabubusog naman ang mga mata ko sa katitingin ng mga bilihin.

Matapos ang higit kumulang mga tatlumpong minuto, naisipan ko ng umuwi, tutal gabi na din naman at limang minuto na lang at magsasarado na ang mall.

Pagdating ko sa may sakayan ng jeep, may nakita akong isang makisig na lalaki. Pantay na pantay ang pagkasunog ng kanyang balat. Maganda ang pagkakahakab ng kanyang dirty white na t-shirt sa kanyang katawan na lalong nagpabakat sa kanyang one-pack ab. Kitang-kita ang linya ng mga natuyong pawis sa may bandang likuran, sa may dibdib at sa may manggas ng kanyang damit.

Para tuloy may kung anong kumiliti sa aking imahinasyon.

Habang na sa ganung estado ang aking isip, may bigla akong narinig na boses sa aking tabihan.

“Sasakay ka Miss?”

Swabe ang bawat letra na lumabas sa kanyang bibig. Hindi ko mapigilang mapapikit upang namnamin ang mamaos-maos nyang boses.

At naamoy ko ang halimuyak na kanyang hininga na lalo pang binigyang buhay ng tatlong energy drink na kanyang ininom at kalahating kahang sigarilyo na kanyang hinithit sa maghapon.

Hindi na ako nagpakipot pa at hindi na rin ako tumanggi sa kanyang alok. Sumakay na ako sa jeep at naupo sa unahan sa may tabi ng drayber.

Nagulat ako ng biglang sumakay ang mahiwagang lalaki sa upuan ng drayber — dahil sya pala ang drayber. Napawi ang aking pag-alalang sa panaginip ko na lang sya makikita.

Gusto ko sanang tanungin ang kanyang pangalan ngunit naunahan ako ng hiya. At nang mapagawi ang aking mata sa may rear view mirror, nakita ko ang pangalang: Jaime.

Lihim kong pinagmamasdan si Jaime mula sa rear view mirror ng jeep na ‘yon. At hindi ko mapigilang mapatitig sa makalyo nyang kamay. Naisip ko tuloy na napakasipag naman ni Jaime. Nagkakalyo na sya sa maghapong paghawak sa manibela. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang kanyang kamay na naggagala sa aking katawan. Naiisip ko tuloy kung pede kong hawakan ang kanyang kambyo.

Pero siguro lahat ng iyon ay hanggang panaginip na lang, dahil malapit na ko sa aking bababaan.

Pumara na ako sa may kanto papasok sa amin.

Pagdating sa may kanto, pumara na ako.

“Dyan na ako sa may kanto… Jaime…”

Malambing kong sabi.

Ngumiti sya at itinabi ang jeep.

“Ano nga palang pangalan mo?” tanong nya sa akin.

“Krista. Sige ha… bye…” ang sabi ko.

Malayo-layo na ako pero ramdam kong hindi pa rin umaalis ang jeep ni Jaime sa may kanto. Pakiramdam ko ay nakatitig pa rin sya sa akin.

“Krista!” isang tinig mula sa likuran ko.

“Krista!” ulit muli ng tinig.

Kilala ko ang boses na ‘yun!

Si Jaime!

Tinatawag ako ni Jaime!

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.

Parang may mga paru-parong naglalaro sa loob ng aking sikmura.

Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran.

Nakita ko si Jaime na naglalakad takbo sa paglapit sa akin na pinapabagal ng kaunting hingal.

Lalong bumabakat ang kanyang one-pack ab dahil sa ihip ng hangin. Naaninag ko ang mga mga linya na likha ng natuyong pawis sa kanyang dibdib at manggas ng t-shirt. Dinig na dinig ko ang mamaos-maos nya boses.

“Krista!” ang tawag pa rin nya.

Ilang hakbang na lang ang layo nya sa akin.

Pero tumakbo ako palayo.

Alam ko kasing panandalian lang kung anuman ang mamagitan sa aming dalwa.

Alam kong kailangan ko ng tapusin agad kahit hindi pa man nagsisimula dahil alam kong sa bandang huli ay masasaktan lang din naman ako at pagsisisihan ang lahat.

Halos pikit mata akong tumakbo palayo sa kanya.

Kailangan kong umiwas dahil hindi ko alam kung anung maaring mangyari kung magkaharap ulit kami.

“Krista!”

Parang may pagmamakaawa sa tinig nya.

“Krista!”

Lalo kong binilisan ang takbo ko.

“Krista! Bayad mo!”

Syet!

Bulilyaso!

Advertisements

11 thoughts on “Mga Paru-paro at Kambyo

    1. kuya mao May-akda ng Post

      hahahahahaha! kung ang six pack eh pandesal ang tawag, ang one pack eh parang pandesal din… pandesal na bagong masa… ung buong-buo pa… hehehehe….

      Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      Q & A pa rin pala tayo dito…hehehe… Hindi ko na ata trip yung dati kong URL eh… Ewan ko din sa akin kung bat ako nagpalit… 🙂

      Sagutin
  1. joeyvelunta

    Kagabi pa ako gigil magcomment dito. Kasi kala ko may mangyayari sa huli. Tapos, tapos tapos tapos ayun binitin mo lang ako. Para akong sinakluban ng buhangin hahaha

    Si Krista na ang mapanghangad. Pati kalyo sa kamay ni manong tsuper eh. Nawawala agad sa sarili nakalimutan tuloy magbayad. Assuming kasi. Masyado advance ang relo nya hahaha

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s