Ang Kwentutero

Personal Information ng Kwentutero



Name:

mao a.k.a. kuyamao a.k.a. mao

Age:

Mahigit dalawang dekada ng nabubuhay pero kamakailan lang nagkamalay.

Birthday:

Buwan ng mga Puso (durog, biyak, sugatan, luhaan, sawi o masaya man) Ilang taon matapos patayin si Ninoy atΒ  bago magsimula ang original na People’s Power.

Address:

Sa isang lungsod sa isang probinsya sa may timog katagalugan na ang tawag ay “Duyan ng mga Bayani”.

 

Educational Background


Elementary:

Sa isang pampublikong paaralan sa kanyang bayang sinilangan.

Highschool:

Sa isang Catholic School na muntik ng hindi maka-graduate.

College:

Sa isang Catholic School ulit pero hindi parehong eskwelahan nung hayskul.

Course:

Batsilyer ng Agham sa Ligal na Pamamahala.

 

Tell something about yourself


Wala.

Wala na akong ibang masasabi na magiging interesado ka dahil hindi ako interisanteng tao.

Tell something about your blog


Wala naman ata akong ibang masasabi tungkol dito eh. Kung anuman ang gusto kong sabihin eh andun na sa description sa baba nung title nitong bahay-tambayan na ‘to dun sa taas.

Except sa, ‘tong bahay-tambayan na ‘to ay ginawa ko bilang “Personal” na blog. Hindi ‘to humor, educational, health o informative na blog. Kung natawa ka o me napulot kang kaalaman o kalokohan o naaliw ka, pasensya ka na hindi ko sinasadya.

Kung ano lang ang tumatakbo sa utak ko, ‘yun lang ang makikita mo dito. Kung ano ang gusto kong sabihin, ‘yun ang mababasa mo dito. ‘Wag ka ng magreklamo kung corny, baduy o walang kwenta ang makikita mo dito. Ginawa ko ‘to para lang mailabas ko ang nasa utak ko — kung meron man. Kung gusto kong magpatawa, sana naging komedyante na lang ako. Kung gusto kong may matutunan ka sa akin, sana naging si Kuya Kim na lang ako. Kung gusto kong magbigay aliw, sana naging pick-up boy na lang ako at macho dancer.

Kung may pagkakapareho ang mga mababasa mo dito at mga naranasan mo sa buhay, malamang pareho tayong dalawa. Kung sa tingin mo eh me matutunan ka din naman talaga, salamat naman at naintindihan mo ang mga nakasulat dito. Kung sa tingin mo naman eh may mas maganda kang opinyon, welkam ka dito. ‘Wag lang kalimutang magbayad ng entrance fee. P100 lang consumable na ‘yun, isang beer tska isang platitong mani. Dagdag ka lang ng P500 kung gusto mo ng lamesa at upuan.

Salamat at Maligayang Paglalakbay!

16 thoughts on “Ang Kwentutero

        1. mikkimao May-akda ng Post

          talaga?
          SSC-R ka nga noh?
          tuloy mo ng law ‘yan…
          hehehe…

          pinakagusto kong subject dati eh crimlaw tska statcon…
          medyo mahirap nga lang ‘yung statcon…
          hehehe…

          πŸ˜€

          Sagutin
  1. J. Kulisap

    Nagpapaliwanag ka ba? Sige. πŸ™‚

    Ako ang unang magdudumi dito, pero dahil ako ang walang kalatoy-latoy na panauhin, libre na ang entrance fee, ‘wag ka nang umangal, tatanggalan na lamang kita ng ulay sa pwet.

    Sandali nga..iniisip ko tuloy kung bakit ang kati ng ulay sa pwet, talaga namang, ikakaskas sa kahit saan, maibsan lamang ang kati at kiliti at kati at kiliti at kati at kiliti..ay ayaw nang tumigil ng daliri ko sa kakakati at kiliti. Ay..ay..ay..

    Katimugang Tagalog, pwede. πŸ™‚

    Kuya Imao, salamat sa pagdaan sa bahay ko.

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      maraming salamat sa’yong pagdapo dito Idol! hehehe… sabi nung isa kong kaibigan, kaya daw makati ang ulay ay gawa nung mga itlog nun… nangingitlog daw ang ulay sa may tabi ng butas na nilalabasan ng kikiam na malambot o durog… (hindi ko alam kung seryoso mong iniisip ang pangangati ng ulay sa pwet pero seryoso kong sinagot!) hahahaha… para nga lang talaga akong nagpaliwanag dito para malinawan agad ang mapapadaan bago malabuan… πŸ˜€ salamat ulit sa’yo Idol! πŸ˜€

      Sagutin
      1. J. Kulisap

        Bakit idol? Hindi naman ako si April Boy? Di ko kayang tanggapin, talagang kumakati pa yong butas ng pwet ko eh, kapag naiisip ko ang ulay, oo pramis, may ulay ako sa pwet dati, nong maliit pa akong munting bata, nong cute pa ako at di pa tinutubuan ng mga maaangas na pimpols. pero ngayon, ahas-palay na ‘yata, matyur na, pwede ka nang tuklawin.

        ahahahhaa. πŸ™‚

        Sagutin
        1. mikkimao May-akda ng Post

          Bakit “Idol”? Gustong-gusto ko kasi ‘yung mga sinusulat mo eh… Makabayang-makabayan… πŸ™‚ Kahit ako dati may ulay din… pinipigaan pa nga ng kalamansi ni Erpat ang pwet ko para mawala…hehehe… πŸ™‚ Ingat ka lang sa pagkamot at baka matuklaw ka… hahahahahaha… πŸ™‚

          Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s