Ang Tatlong Mukha ni Maria (Susan)

Susan


Nakatingala s’ya sa langit na tila binibilang ang mga bituin.

Iniisip mabuti kung ano nga ba ang nasa likod ng kadiliman ng gabi.

Kung paanong sa muling pagsikat ng araw ay magtutuloy ang buhay ng mga katulad n’yang nasadlak sa isang mahika ng Maynila na tila isang pangako ng isang pulitiko na magbabago ang kanyang buhay ngunit sa karimlan ng gabi ay unti-unti din s’yang lalamunin ng sistemang kanyang ginagalawan.

Nagnilaynilay kung tama nga ba ang landas na kanyang tinahak.

Kung kailan sa paglubog na ang araw ay s’yang pagsibol ng pusikit na dilim.

Kung kailan sa pakiramdam n’ya ay huli na ang lahat para sa kanya.

Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, gaya ng mga nakaraang araw, sa tuwing lulubog ang araw at sa pagyakap ng kadiliman sa kabuuan ng lupa ay muling sisinag ang araw na s’yang muling maghahatid ng pagasa sa matiyagang naghintay sa buong magdamag.

Lumaki s’ya sa sentro ng komersyalismo sa Maynila kung saan naging musika sa tenga ang busina ng sasakyan at hele ang ingay ng tren.

Naging palaruan nila ang ang riles ng tren at natutunang makipagpatentero sa mga sasakyan.

Mula ng magkamalay s’ya ay ito na ang kanyang nagisnan.

Sa loob ng labing walong taon ay ito ang lugar na kanyang nakasanayan.

Maingay, mausok, mabaho, marumi.

Isang lugar na tinggap ng kanyang sistema.

Ngunit sa likod ng kanyang isip, pinangarap n’yang makaalis sa lugar na ito.

Tuklasin ang nasa kabila ng mausok, maingay, mabaho at maruming lugar.

Sa loob ng labing walong taon, wala s’yang ibang nakita kung hindi ang marungis na kalungsuran.

Mga lasenggong humahapay sa daan.

Mga ina na nagsusugal bilang palipas oras.

Mga batang walang saplot na nagkalat sa daan.

Nanlilimos, naglalaro sa kalsada.

Hindi ito ang pinangarap n’yang buhay para sa kanyang at sa kanyang pamilya.

Nais n’ya itong takasan,

Takbuhan ng walang lingon likod.

Kaya’t tumakbo s’ya palayo.

Palayo sa kanilang lugar ngunit muling masadlak sa isang madilim na bahagi ng kalunsuran.

Isang lugar na madilim na lugar kung saan nagtatago ang isang baho ng lungsod.

Kung saan nagtatago ang mga baho ng lungsod.

Kung saan nagkukubli ang mga matang mapagkunwari.

Ang mga salitang mapaglinlang.

Kung saan nagsisimula ang mga tawara.

Kung saan ibinebenta ang mga laman kahit walang timbangan.

Dito.

Dito sa lugar na ito s’ya nagsimula.

Ito.

Ito ang kanyang naging unang hakbang upang takasan ang kahirapan.

Dito s’ya nagsimulang makakilala ng kung sinu-sino at sumama sa mga ito.

Ito ang kanyang mga naging unang hakbang upang mabaon sa burak na kanyang kinasasadlakan ngayon.

Narinig n’ya ang iba’t-ibang klase ng pangako na sa kanyang utak ay tumimo.

Natikaman n’yang ang iba’t-ibang laway na akala n’ya ay magbibigay sa kanya ng magandang buhay.

Mga pangakong huwad sa bawat katawang hubad.

Isang pangyayaring pilit n’yang nilunok, upang ang pamilya nya ay maiahon sa pagkakalugmok.

Ngunit sa loob ng mahigit isang dekada mula ng masadlak s’ya ganitong sitwasyon,

Sa bahagyang pagangat ng kanilang pamumuhay ay unti-unti silang iaangat at biglang muling ibabaon.

Sa loob ng mahigit isang dekada, marami nang bata ang rumarampa na s’yang kinagigiliwan ng kanyang mga dating parokyano.

At s’ya ay muling nagbalik sa madilim na bahagi ng lungsod.

Kung saan muli s’yang titingala na tila binibilang ang mga bituin.

Ngunit hindi n’ya iniiinda sa kayang harapan ang isang bukang liwayway na muling sisilay na s’yang muling maghahatid ng pag-asa sa mga matyagang naghintay sa buong magdamag…

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s