Dagling Sagi ng Isip

Nakaupo s’ya sa lamaseng pandalawahan.

Nakatitig sa kawalan lampas sa bakanteng upuan sa kanyang harapan.

Hindi ginagalaw ang pagkaing nasa plato.

Lumamig na ang kaninang mainit na kape sa puswelo.

Walang kislap sa kanyang mga mata.

Walang makikitang emosyon kundi mapanglaw na luha.

Magkasalikop ang mga kamay sa kanyang baba.

Tila ang pag-iisip ay sadyang malalim at mahaba.

May kung anong pakiramdam ang namumuo sa dibdib,

Habang ang mga gunita ay naguunahan sa kanyang isip.

Hindi nya alam kung hanggang kailan sa’ya ganito.

Agad syang tumayo at nagtungo sa pinto,

Sabay bulong na; ” Kailangan kong hanapin ang sarili ko.”

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s