Ex-pat Estudent

Kahit malayo pa ang pasukan pero malapit na ang bakasyon, isang sulat mula sa isang estudyante ang susubukan nating sagutin.

Hi kuya Mao.. may question lang po ako sana po ay masagot nyo.

Graduate po ako ng grade 12 sa Canada and I am planning to go back in the Philippines para pagpatuloy po yung studies ko dun..

hindi po ako naging msyado mgaling sa school. ung saktong pasado lang s mga subjects.. nkakahiya man po sabihin pero tig-60’s mga grades ko..

e sa Pinas po atleast 70 or 80 po ung pasado dba?

tingin nyo po ba may tatanggap saking school dyan sa Philippines kung highschool diploma at gnyan grades ang ipapasa ko? and ano pa po bang requirements ang meron s mga college dyan para makapg enroll?

Sana po ay masagot nyo Kuya Mao! thank you po in advance!! 🙂

Lyndgren

Salamat sa’yong pagsulat Lyndgren.

Ipagpaumahin mo kung natagalan ng higit sa inaasahan ang aking pagsagot dahil kinailangan kong magkaroon ng malalimang pag-aaral at pagsusuri upang sagutin ang katanungan mong ito.

At ayon sa aking mga nakalap na impormasyon, maaaring ang pamantayang grado na iyong nakuha sa ibayong dagat kung saan ka man naroon ay maaaring katumbas ng pamantayang grado sa mga paaralan dito.

Mahirap pagbatayan lamang ang iyong nakuhang grado at ihambing sa mga pasang-awang grado dito dahil kung magkagayun man ay siguradong kailangan mong kuhanin ang sekondaryang edukasyon ng mga limang beses para makuha ang pasang-awa na grado.

Malay mo naman, ang 60 na grade pala dyan e 75 dito? Pasado ka pa din di ba?

Maraming schools ang tatanggap sa’yo dito sigurado.

Alam mo naman na hindi snob ang mga Pinoy di ba?

Hindi ko alam ang eksaktong mga requirements sa isang kolehiyo bago makapag-enroll pero siguradong kailangan mo ng entrance exam.

Hayaan mo at susubukan kong magtayo ng kolehiyo bago magpasukan at ikaw ang unang magiging estudyante doon para pasok ka agad.

Sana ay nasagot ko ang iyong mga agam-agam sa buhay.

Hanggad ko ang makapagtapos ng pag-aaral at maging matagumpay sa buhay at maging mabuting ehemplo sa iyong kapwa at maging huwarang mamamayan ng bansang Pilipinas.

Nagmamahal,

Kuya Mao

*****

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Lagyan din ng subject na dearkuyamao para hindi madaling masagot ng trash bin. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

Advertisements

2 thoughts on “Ex-pat Estudent

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s