2015 Year-end Espeyshal

Ilang oras na lang at magtatapos na ang taong 2015.

Maraming kaganapan sa ating bansa at sa buong mundo ang naglagay sa taong ito sa kasaysayan.

At siguradong maraming mga TV Network ang magbibigay nito sa inyo kaya naman hindi ko na ito pakikialaman.

Ang taong 2015 para sa akin ay naging isa sa taon na naging tamad ako sa mundo ng blogging.

Kaya naman babalikan ko ang aking nagawa, at hindi nagawa, para sa iyong kapakanan upang hindi ka na mahirapang mag-backread dahil alam kong may hangover ka pa sa katatapos lamang na New Year Partey.

Ang taong 2015 ang ika-Limang Taong karaawan ng Libreta ni Kuya.

Oo.

Kahit ako n ay hindi makapaniwalang aabot pala ako ng limang taon dito.

Dahil sa loob ng limang taon ay makailang ulit ko na ring sinubukan na huminto hindi dahil sa nawalan ako ng oras para dito.

Ilang beses kong naisipang huminto dahil sa tingin ko ay masyado ng masikip ang mundo ng blogsperyo para makisisik pa ako.

Pero dahil sa mga natatanggap na mga sulat mula sa ating mga mambabasa, oo, kahit ako ay hindi makapaniwalang may papansin pala sa akin, ay naglalaan ako ng oras upang ang mga sulat nila ay matugunan.

At syempre dahil gusto ko din magkwento at wala kang pakialam dun dahil hindi naman ako nakikigamit ng internet nyo at hindi ako nikikigamit ng computer mo.

Nung isang araw habang hinahagilap ko ang mailap at maliksing antok ay naisipan kong buklatin muli ang aking libreta.

At ang aking mga nabasa ay naging matibay na ebidensya na sa taong 2015 ay masyado akong naging tamad.

Ilang sulat lang ang aking nasagot kaya marami ang nagbanta na susugurin nila ako para masagot ang kanilang mga tanong.

Sorry naman.

Busy lang.

Ilang krokis din ang naiwan ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa matapos tapos.

Naging mailap sa aking ang taong 2015 sa larangan ng pagsusulat.

Ayaw ko mang sisihin pero ang isa sa nakikita kong suspek dito ay dahil sa taong din ito nagkaroon ako ng isang bagay na kailangan ng soul seaching; mayroon nga bang forever?

At nasagot ko iyon dahil nag-career shift ako.

Kung dati ay isa akong tambay, medyo nag-level up ako dahil lumipat ako sa isang de aircon na tambayan.

Sowsyal!

Ang papasok na taon ay siguradong malaking paghamon na naman para sa akin dahil kailangan kong tugunan ang mga katanungan ng aking mga mambabasa na kanilang magiging panuntunan sa kanilang future.

Ayokong magtunog pulitiko na mangangako ng kung anu-ano at sa bandang huli ay kakainin ko din naman aking isinuka.

Sa pagpasok ng Bagong Taon ay magiging panata ko na tapusin ang mga krokis na naantalang isulat at bigyang hustisya ang pakikigamit mo ng wifi sa’yong kapitbahay.

Isang malaking aral ang ibinigay sa aking ng magtatapos na taon at isa-isa kong pupulitin ang mga aral na itinapon nito.

Sa pagpasok ng Bagong Taon, isang malinis at mapayapang mundo ang aking hinihiling.

Sana ay marami pa ang magkaroon ng malasakit sa kanilang kapwa.

Sana ay marami pa ang magkaroon ng malasakit sa kalikasan.

At sana ay marami pa ang mag-like sa ating Facebook Page at mag-follow sa Twitter.

Maniwala ka, wala ka namang mapapala pero siguradong masasayang ang oras mo.

Garantisado!

Maraming salamat sa lahat ng nagbibigay inspirasyon sa aking at hindi nagsasayang sumuporta lalo na pagdating sa pinansyal na aspeto.

Maraming salamat ng mambabasa at sa mga nagpapadala ng sulat na walang sawang mag-follow up ng mga sagot ko.

Sana ay magkasama-sama pa tayo sa susunod na taon.

Isang Mapayapa, Masagana, Maligaya, Malusog at Mapagmahal na Bagong Taon sa ating lahat!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s