Give love and forgiveness on Christmas Season

Dahil tapos na  ang araw ng Pasko at magsisimula na ang bagong taon, bigyang daan natin ang isang liham na sa tingin ko ay nararapat sa panahong ito.

Kuya mao,

I’m currently working here at Cabuyao while my parents are in my hometown in Victoria.

I’m thinking if I should get back home during this holiday season as my father usually get mad at me.

He thinks I’m worthless coz I was not able to send them money. He always think that I use my money to go out with my friends but he doesn’t know that my brothers usually borrow my money to use for their application abroad.

I don’t want to get back home if not only for mother.

I hope you could help me with this.

Thanks!

Regards,

MJ

Thank you MJ for that very good question pero UTANG NA LOOB! ‘Wag mo namang masyadong habaan ang english mo at siguradong mauubusan ako ng pangsagot. Konti lang ang baon ko laging english. Di bale sana kung pwedeng yes or no lang ang isasagot ko.

Anyways, nakakaintindi ka naman siguro ng tagalog kaya tatagalugin ko ang sagot ko sa’yo. Kung hindi ka nakakaintindi e i-google translate mo na lang.

 Isa sa mga bihira kong mabuksan na sulat ay tungkol sa pamilya.

Hindi ko alam kung dahil marami ang ayaw i-share ang mga bagay na ito dahil masyadong personal ito para sa kanila o dahil mas gusto nilang problemahin ang kanilang mga dispalinghadong lovelife.

Isa din ang usaping pamilya ang ayokong sawsawan dahil una, hindi ko alam ang tunay na personalidad ng mga karakter sa isang pamilya at maaaring ang makita ko lamang ay batay sa aking narinig.

Pangalawa, dahil madalas sa hindi, kung ano man ang maging opinyon o payo ko tungkol sa isang isyung pampamilya, hindi rin nasusunod dahil sa inaakala nila na mas tama ang punto nila.

Anyways, dahil binigyan mo ako ng pahintulot upang makisawsaw sa’yong isyung pampamilya, ito ang aking nasa utak.

Lahat ng bagay ay nadadaan sa paliwanagan.

Kung meron mang hindi nakuha sa paliwanag, e malamang sa hindiay malabo ang naging paliwanag.

Ibigay mo sa’yong ama ang nararapat na paliwanag dahil sa aking pananaw ay dapat n’yang malaman ‘yon.

Siguraduhin mo lamang ito ay maliwanag.

Lahat ng punto ay narinig at naipahayag.

Kung kailangan mo ng visual presentation ay gumawa ka ng diagram sa isang manila paper o powerpoint presentation o isang AVP.

Ang mahalaga naman ay masabi mo ang punto mo at maipaintindi ito sa kanya.

Karamihan sa punto ng mga anak ay hindi sila naiintindihan ng kanilang mga magulang ngunit marami sa mga magulang ang hindi naiintindihan ng kanilang anak. Nakuha mo ba ang punto ko?

Sabi nga, ikaw ang nakakaintindi, ikaw ang umunawa.

Kung isaalang-alang mo ang panahon ng Pasko, gawin mo.

Ngunit hindi ba mas maganda kung gagawin mo ang pakikipagbati sa Erpat mo kahit hindi Pasko?

Pero syempre, mas magiging maganda ang pagsalubong ninyo sa Bagong Taon kung buo kayong pamilya at walang samaan ng loob.

Uulitin ko, lahat ng bagay ay nadadaan sa magandang paliwanagan.

Sana ay gumawa ka ng hakbang upang magkaayos kayo ng Erpat mo.

Hanggang dito na lamang dahil wala na akong pang-extend sa PisoNet.

Sana ay maging buo ang pamilya mo sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Hanggad ko ang iyong kaligayahan.

Nagmamahal,

Kuya Mao

*****

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Lagyan din ng subject na dearkuyamao para hindi madaling masagot ng trash. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

At para sa mga one-liner na tanong, pwede kayong magtanong sa http://ask.fm/KuyaMao mabilis na sagot para sa mabilis na tanong. :)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s