Iwanan is in the air

Matapos ang mahigit isang taon kong pagkawala sa ere dahil sa walang kwentang dahilan, napilitan akong magbalik dahil ilang pagbabanta na susunugin dahil nila ang mga basura sa bakuran namin kapag hindi ako sumagot ulit sa mga sulat.

Matapos ang mahabang paliwanag na nagpaisip sa’yo ng “e ano naman?”, eto na ang isang sulat na matagal ng naghihintay ng kasagutan.

Dear kuya mao,

Iniwan po kami ng aking asawa. Nagtatrabaho po sya sa ibang bansa. Hindi ko po alam ngayon kung paano ko bubuhayin ang aking 2 month old na baby dahil wala po akong trabaho.

Sana po ay mapayuhan nyo ako.

Marami pong salamat.

Soloist

Dear Soloist,

Maraming salamat sa’yong pagsulat. Pagpasensyahan mo na kung medyo natagalan akong sumagot dahil masyado akong abala sa pagpapa-bebe.

Una sa lahat, gusto ko munang linawin kung ano ang ibig mong sabihin dun sa “Iniwan po kami ng aking asawa.” Ito ba ay literal kayong iniwan dahil sabi mo nga ay nasa ibang bansa sya o iniwan kayo as in hiwalay na kayo?

Anyway, hindi ko na hihintayin ang sagot mo dyan sa tanong ko para hindi mabitin ang opinyon at payo sa sitwasyon mo.

Ipagpalagay natin na ang ibig mong sabihin ay nakipaghiwalay sa’yo ang asawa mo.

Sa sitwasyon mo ngayon na mayroon kang baby at wala kang trabaho ay mahirap nga ‘yan.

Hindi ka basta makakapaghanap ng trabaho dahil kelangan mo ding isipin kung sino ang mag-aalaga sa anak mo. Pero kelangan mo ring balansehin. Syempre dahil me anak ka nga e kailangan mo ding kumita para may magastos kayong mag-ina.

Ang pede mong gawin dyan ay maghanap ng sideline.

Sideline sya dahil hindi ka naman kasi full time na magtatrabaho dahil full time kang magiging nanay.

 Simulang mong magtayo ng isang maliit na tindahan. Syempre maliit lang para maliit lang ang puhunan. Siguro naman ay me mga magulang ka o kapatid o kamag-anak o kapit-bahay na pedeng magpahiram muna ng panimula mo.

Installment na lang kamo ang bayad. Pede silang kumuha ng isang lata ng sardinas o isang stick ng yosi o isang piraso ng candy o isang supot ng instant noodles kada araw hanggang sa makabayad ka.

Kung me konteng ipon ka naman e ‘wag na ‘wag mong gagamitin sa pyramiding yan.

Gamitin mo na lang na dagdag puhunan o kaya ibang negosyo bukod sa tindahan gaya halimbawa ng pa-loadan.

Kung me laptop o desktop ka naman e mag-apply ka sa mga trabaho online.

Hindi mo na poproblemahin ang mag-aalaga sa anak mo, hindi mo na iisipin ang trapik na susuungin mo at hindi ka na mag-aalala kung me sira ang MRT dahil asa bahay ka lang.

Walang masyadong gastos maliban na lang sa pagtaas ng kuryente nyo. (Hindi mo na isasama ang gastos dito sa internet connection dahil malamang sa hindi e meron na kayo nyan)

Kung talagang walang-wala pero meron kayong freezer, subukan mong magtinda ng ice candy. Patok yan kahit taglamig at pede ring sabayan mo ng yelo sa tag-araw. Mabenta o hindi, siguradong ubos.

Siguro naman kahit papaano ay makakaraos kayong mag-ina sa araw-araw.

Kung sa punto naman na kung anung gagawin mo sa asawa mo na hiniwalayan ka at iniwan sa anumang kadahilan nya, wala akong masasabi.

Meron pala.

Ayaw ko mang sabihin na wala kang magagawa ay wala ka talagang magagawa. (Bahala ka ng umintindi kung nalito ka dahil nalito din ako)

Bakit?

Anong magagawa mo?

Tatawagan mo s’ya?

Mahal ang long distance. Kesa ipantawag mo sa asawa mo ang pera mo, gamitin mo na lang ‘yan para sa negosyo at sa iba n’yong gastusing mag-ina. Hindi ka rin naman sigurado kung babalik pa s’ya di ba? Dahil kung babalik s’ya, hindi ka n’ya hihiwalayan at iiwanang mag-isang magpalaki sa anak nyo.

Imemessage mo sa kanyang social network account, asa ka pang sasagot ‘yan.

Siguro ang magagawa mo na lang ay mag-move on at maging masaya kasama ang anak n’yo.

Ibuhos mo ang lahat ng pagmamahal at pag-aaruga sa iyong anak.

Pede ka nga sigurong lumapit sa magulang ng asawa mo pero para sa pinansyal na suporta lang. Huwag mong gawing daan ang magulang nya para magkabalikan kayo dahil sa bandang huli, kung balikan ka man ng asawa mo dahil nasermonan s’ya ng kanyang magulang at sinabing walang magiging parte sa kanilang mga ari-arian kapag namatay sila, hindi ka rin magiging masaya dahil napilitan lang s’ya.

Pede kang lumapit sa magulang n’ya kung hindi pa n’ya na-brainwash ang mga ito at sinabing isa kang drug lord.

At bigyan mo ng konteng pagpapahalaga ang ‘yong sarili dahil kung magmamakaawa ka lang para balikan ka n’ya e parang sinabi mo na rin na pede ka n’yang utuin habang buhay.

Magpa-delicious ka naman minsan.

Pumunta naman tayo sa kabilang dako.

Kung ang sinasabi mo naman na iniwan ka, as in literal, dahil nagpunta ng ibang bansa.

‘Wag mo ng pansinin ang mga sinabi ko sa itaas dahil wala din namang kwenta.

Maghintay ka na lang tuwing katapusan na magpadala ang asawa mo,

at subukan mong ‘wag maging OA. Uuwi din ‘yan after two years. (kung ‘yun ang asa kontrata nya)

Hanggang dito na lamang at sana ay may napulot ka sa aking mga ipinagsasabi.

Sana ay maging masaya ka at lumaking maayos at mabait ang iyong anak.

Lubos na gumagalang,

Kuya Mao

*****

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Lagyan din ng subject na dearkuyamao para hindi madaling masagot ng trash. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

At para sa mga one-liner na tanong, pwede kayong magtanong sa http://ask.fm/KuyaMao mabilis na sagot para sa mabilis na tanong. :)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s