My Panuntunan in Life

Dahil napasarap marahil sya sa huli kong sagot, muli na namang sumulat si AP.

salamat dearkuyamao!!!
matanong ko lang,,, a friend of us shared this link http://www.oddcrunch.com/divorced-man-words/0 may ganyang words of wisdom ka din ba? or panuntunan…
hangang sa muli…..
Salamat sa muli mong pagsulat AP.
Sa totoo lang hindi ko natapos lahat ng nakasulat dyan sa link na binigay mo pero binasa ko naman ng mabilisan.
Words of wisdom?
Wala ako masyado dahil una, wala akong wisdom.
Pangalawa, words? Hmmmm… Ako ang tipong kulang ang words kapag kaharap mo. In short, tahimik.
Hindi ako palakwento sa tunay na buhay. 😀
Panuntunan?
Meron din sigurong konte pero ‘yung tipong madaling gawin at madaling maabot.
Pero dahil ayokong mapapahiya ka sa akin, bigyan kita ng dalawang halimbawa.
Dalawang words of wisdom o mga panuntunan pero madami kang pwedeng paggamitan.
Huwag mo laging iisipin ang iisipin ng iba dahil hindi ka magiging tunay na maligaya at masaya.
Hindi mo kailangang tiisin ang sarili mo lalo na kung para sa kaligayahan mo.
Malinaw ang mensahe.
Madaling gawin.
At garantisado ang resulta.
May mga punto sa buhay natin na kelangan nating magdesisyon na tipong Laban o Bawi ang peg.
Sa mga ganitong pagkakataon, maari mong gamitin ang naturang panuntunan.
Halimbawa, nakasakay ka sa elevator at masakit ang tiyan mo. Alam mo kailangan mong palayain ang demonyong hangin na nasa loob mo. Anong gagawin mo?
Kung pipigilan mo ang pagpapalaya sa demonyong hangin na nasa loob mo, magiging relax ka kaya? Syempre hindi. Alumpihit ka lagi at hindi ka mapakali. Pero kapag nailabas mo na ito, siguro sa unang kalahating araw eh masama ang tingin sa’yo ng mga kasabay mo sa elevator pero siguradong lilipas din ‘yun.
Dumako naman tayo sa usaping pag-ibig. Gusto kong magbigay ng konting patikim sa maaari nating sunod na liham.
Kung ikaw ay may mahal, hindi ko kailangang isipin ang iisipin sa’yo ng ibang tao dahil una, hindi naman sila ang makikisama sa mahal mo. Pangalawa, hindi nila alam ang istorya nyo. Hindi kaya masa mgandang gawing halimbawa ito sa iba na kahit may kapintasan ang iyong kapareha eh pwede kayong maging masaya?
Siguro may mga magtataas ng kilay pero sino sila? Lahat ng tao may kapintasan pero dapat maging proud ka dahil kaya mong tanggapin ang kapintsang ito ng iyong kapareha.
At hindi darating ang panahon na magkakaroon ka ng frustration dahil mtapang mong hinarap kung anuman ang balakid sa iyong buhay.
Maaaring masaktan in the process pero siguradong fullfilling ang pakiramdam pagkatapos.
Tulad halimbawa sa pag-aaral.
Marami ang tinatamad mag-aral pero pagdating ng panahon eh manghihinayang sila dahil hindi nila pinilit makatapos sa pag-aaral sa kabila ng malaking “pressure” nito sa buhay nila.
Off topic na ata tayo. Hehe.
So, ‘yan ang mga panuntunan ko sa buhay.
Malinaw. Madali. Garantisado ang resulta.
Sana ay nasagot ko ang tanong mo. Umaasa ako na muli kang susulat. Salamat ulit AP.
Lubos na gumagalang,
Kuya Mao

*****************

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Lagyan din ng subject na dearkuyamao para hindi madaling masagot ng trash. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

At para sa mga one-liner na tanong, pwede kayong magtanong sa http://ask.fm/KuyaMao mabilis na sagot para sa mabilis na tanong. :)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s