Echosan

Isang sulat ulit ang pagbibigyan nating sagutin.

dearkuyamao,
Do you believe in the saying
“The true meaning of love is sacrifice. You know you truly love someone when your way to be happy is by making your partner happy”
Echos lang yan di ba? Pinagdidiskusyunan kasi namin yan ng kaibigan ko so we seek someone’s opinion to give us a better explanation and we hope you could help clear things out or maybe end up in a funny discussions like most of your blog. hihi..
My friend is saying he believe in it but I oppose. He said that is love and I say is love unfair? Can someone be happy even he/she is hurting just to make the other happy?
Maraming salamat sa’yong katanungan. Dahil hindi mo naman sinabi kung gusto mong sabihin ko ang tunay mong pangalan, itatago na lang kita sa alyas na AP para safe.
Hmmmmm…. Medyo nahirapan ako sa tanong mo dahil bukod sa english eh hindi ko maintindihan pero ‘wag kang mag-alala at susubukan pa rin nating sagutin ‘yan.
Himayin natin ang tanong mo.
Do you believe in the saying
“The true meaning of love is sacrifice. You know you truly love someone when your way to be happy is by making your partner happy”
Ang tunay na kahulugan ng pagmamahal ay pagsasakripisyo.
Kung ikaw ay nagmamahal pero nagsasakripisyo ka, hindi pagmamahal ‘yun — pinetensya na ‘yun.
Kapag narinig natin ang salitang sakripisyo o sacrifice eh medyo negative ang dating. Parang gumawa tayo ng isang bagay na labag sa kalooban natin. Kaya nga tinawag na sakripisyo kasi hindi mo man gusto eh wala kang magagawa kundi gawin ‘yun at hindi ako naniniwala dun.
Dahil meron tayong pamimilian. Pede tayong magmahal ng hindi nagsasakripisyo. Sa madaling sabi, nagmamahal tayo at hindi gumagawa ng isang bagay na labag sa kalooban natin.
Halimbawa, ano ang isinakripisyo mo para sa isang relasyon?
Oras at panahon?
Kung tunay kang nagmamahal, hindi mo kelangang magsakripisyo ng oras at panahon dahil dapat meron kang nakalaan o dapat ay nagbibigay ka sadya ng oras at panahon para sa minamahal mo.
Pera?
Isa sa pinakawalang kwenta, para sa akin, pagdating sa pagmamahal. Bakit ka magsasakripisyo ng pera? Dahil gagastos ka? Kung tao ang mahal mo at karelasyon mo, natural. Kung gusto mong magmahal o makipagrelasyon ng hindi gumagastos o nagsaskripisyo ng pera, subukan mong magmahal ng bato. Siguradong matibay ang relasyon nyo.
Kung sasabihin mo naman na isinakripisyo mo ang pagmamahal mo sa isang tao para maging masaya sya, kalokohan.
Siguro applicable ito sa mga taong nagmamahal ng palihim. Eto ‘yung mga taong magaling lang sa ligaw tingin at mabuladas lang sa palipad hangin. At malamang sa hindi, eto ‘yung mga tipo ng tao na laging nasasawi.
Bakit?
Kasi hindi sila nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa taong mahal nila ang nararamdaman nila para dito at hindi na rin nila naipaglalaban kaya ang ending? Isasakripisyo ang nararamdaman nila para maging masaya ang taong mahal nya.
Natural.
Hindi naman kasi sya nagsabi eh. Eh malay ba naman nung taong mahal nya kung me gusto pala ‘yung isa.
“You know you truly love someone when your way to be happy is by making your partner happy”
Tama at totoo.
Pero mas maganda yata nito eh sa’yo nagiging masaya ang mahal mo.
Ang isang relasyon ay mas magiging maayos kung masaya kayo sa isa’t-isa.
Hindi din naman ibig sabihin ng pagbibigay saya mo sa iyong karelasyon o sa taong mahal mo eh kelangan mong magsakripisyo. Dahil pede mong pasayihin ang taong mahal mo o karelasyon mo ng hindi nagsasakripisyo.
Gusto kong gawing halimbawa dito ang isinanguni ni Daine nung isang araw. Mag-back read ka na lang ng malaman mo ang tsismis.
Mahal ni Daine ang ex nya kaya lang, me boylet na sya ngayon.
Sa kasong ito, hindi natin masasabi na magsasakripisyo si Daine para mabalikan ang kanyang ex. Kung hindi, gagawin nya lamang ang isang bagay na magpapasaya sa kanya.
Sa punto de bista naman ng current boylet hindi ko pa rin masabi na magsasakripisyo sya para kay Daine dahil bukod sa hindi natin alam kung pinalaya nya si Daine, eh sa tingin ko, hindi pa ganun kalilim at kalaki ang kanyang emotional investment kay Daine. Imagine, two weeks pa lang silang magkarelasyon kumpara sa halos two years na relasyon ni Daine at ng ex nya. Natural lang na masasaktan sya pero kumbaga sa sugatt eh gasgas lang ‘yan. Ilang araw nya lang iindahin ang sakit.
At sa tingin ko, kung ako ang nasa pwesto ni boylet, at malaman kong mahal pa pala ni Daine ang ex nya, mag-papaubaya na ako. Kasi alam kong mas magiging masaya sya sa ex nya kesa naman kami nga pero iba ang iniisip nya.
Medyo malabo noh?
Ayos lang ‘yan. Maiintindihan mo din maya-maya.
Sunod na tanong.
“Can someone be happy even he/she is hurting just to make the other happy?”
Paano ka magiging masaya kung nasasaktan ka? Ano ka? Tanga?
Kung talagang gusto mong maging masaya ka, gawin mo ang mga bagay na magpapasaya sa’yo.
Mahal mo sya? Patunayan mo.
Nasa sa’yo na ‘yan kung paano.
Kung tunay kang masaya, dapat hindi ka nasasaktan.
Kung nasasaktan ka dahil hinayaan mong maging masaya sa iba ang taong mahal mo, gago ka.
Bakit hindi mo sya pinasaya nung nasa sa’yo pa sya para pareho sana kayong masaya.
Ngayon kung sasabihin mong iniwan ka nya, humanap ka ng iba.
Hindi na uso ang martir ngayon dahil bukod sa wala ng gwardya sibil na babaril sa’yo sa likod, marami pa ang nakapili para maging Pambansang Bayani.
Bottom line, gawin mo ang lahat para maging masaya ang taong mahal mo sa piling mo para hindi kayo magsisi sa bandang huli.
Alam kong medyo naguluhan ka sa sagot ko.
‘Wag kang mag-alala, pareho tayo.
Muli, maraming salamat AP sa sulat mo at inaashan ko ang muli mong pagsulat.
Lubos na gumagalang,
Kuya Mao

*****************

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Lagyan din ng subject na dearkuyamao para hindi madaling masagot ng trash. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

At para sa mga one-liner na tanong, pwede kayong magtanong sa http://ask.fm/KuyaMao mabilis na sagot para sa mabilis na tanong. :)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s