Yearend Espeysyal

Tulad ng mga T.V. stations at mga palabas sa telebisyon, gusto ko ding makiuso sa mga year end special tungkol sa mga nangyari sa buhay ko sa nakalipas na taon kahit alam kong wala ka naman pakialam dun. At kahit nung unang pasok pa lang ng 2014 ko ito sinimulan, gusto ko pa ding humabol dahil katatapos pa lang ng Chinese New Year. Simulan na natin ang recap.

Simulan natin nung Enero:

– Unang buwan ng taon kaya medyo sariwa pa ang utak ko. Nakapagambag ako ng tatlong basura sa internet. Sa buwan ding ito ay sumali ako sa isang patimpalak ni Bino.

Pebrero

– Dahil medyo busy na ako ng panahong ito, nakapagpahabol ako ng isang sulatin na halatang hilaw ang luto.

Nung buwan ng Marso eh medyo naging abala ako sa pakikipagkamayan sa ating mga kababayan upang isulong ang sa palagay ko eh isa sanang magandang pagbabago. Nasabayan pa ng bago kong propesyon: ang magyabang para magmukhang may alam. At nasundan pa ng pagbabaksyon sa ospital dahil Mahal na Araw. Nagcheck in lang ako ng matagal para hindi halatang gupit binata.

Matapos ang huli kong naisulat noong Marso habang nagbabakasyon sa ospital, tatlong buwan pa ulit ang binilang bago makapagpakitang gilas ulit ako. Una, dahil naging abala ako sa aking bagong propesyon. Pangalawa, dahil hindi ako naka-move on sa pagkatalo ng mga sinuportahan ko nung eleksyon. Hindi talaga ako para sa politika.

Tatlong magkakasunod na buwan ako nakabawi: Hulyo, Agosto at Setyembre. Pero alam kong kulang pa din. Dahil marami akong utang na katanungan na naghihintay ng kasagutan.

At bilang panimula ngayong bagong pasok na taon, abangan mo sa isang araw ang isang sulat na sasagutin natin.

Masyado akong nagpadala sa pagiging abala noong nakaraang taon. Ginasgas ko na ang palusot na ito para kumbinsihin ang sarili ko na hindi dapat ako ma-guilty sa mga utang kong sagot sa mga sulat katanungan sa akin at para hindi ko mailbas ang mga kwento na nabuo sa aking utak.

Sa pagpasok ng Bagong Taon, sisikapin kong bigyan ng katarungan ang palaging mong pagbabantay sa aking mga sulat. Pipilitin kong magisip ng mas kapanipaniwalang palusot bukod sa pagiging abala. At lagi kong isasaisip na kailangang mapunuan ang bawat pahina ng Libreta ni Kuya.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s