“Sulat ng Saloobin”

Author’s Note:

Ang mga susunod mong mababasa ay may kahabaan. Mangyari lamang na umihi ka muna at maghanda ng meryenda. Mag-iwan na din ng iyong opinyon kung maaari. Salama sa iyong pangunawa.

P.S.

Pakinggan ang “One Last Cry” ni Brian McKnight habang binabasa ito para mas maganda ang ambiance. 🙂

READ ON!

 
Asawa ko,
 
    Sa dami kong gustong sabihin, hindi ko alam kung panu ako magsisimula. Hindi ko na talaga alam kung ano pa ang dapat kong gawin. Nasasaktan ako. Mahal na mahal kita. Sana alam mo yon at nararamdaman mo iyon. Hindi ko maintindihan kung paano mo ako nagagawang saktan at lokohin. Alam kong may karelasyon kang iba. Nakipag kita sa akin ang babae mo. Pinabasa niya sa akin ang mga txt messages mo sa kanya. Naisip ko bigla, buti pa siya, ang lambing mo sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maingit sa kanya kahit ako ang asawa mo? Ang kapal din naman ng mukha niya para komprontahin ako. Parang intension niya talagang sirain ang pamilya natin. Napaisip ulit ako, panu na ang anak natin? Masakit sa loob ko na bigyan sila ng isang wasak na pamilya. Ayoko sanang dumating ang araw na tanungin nila ako nang “mama, anung nangyari sa pamilya natin?” Sa mga nagdaang araw, lubos kong pinagiisipan kong anu ba ang dapat kong gawin. Ipagpapatuloy ko pa ba ang relasyon natin o ako na lang kaya ang lumayo para sa kasiyahan mo? Napakahirap magdisisyon. Ang dami kong dapat isaalang-alang. Ang bata, ikaw, ako, tayo. Kung titiisin ko lahat ng panloloko mo, masasabi ko pa bang isang pamilya tayo? Hanggang kailan ko kayang tiisin ang sakit? Magiging Masaya pa ba ako kasama ka? Hindi ko alam kung ako ba ang hinahatian o ako ang nakikihati sa atensyon at pagmamahal mo.  Pero teka, mahal mo ba ako? Baka naman ako lang ang nagsasabi at nagiisip na mahal mo ako. Kaya ko bang magkunwari na okay lang ang lahat sa harap ng mga bata? Kung lalayo naman ako, paano ang mga anak natin? Paano ko ipapaunawa sa kanila ang lahat ng ngyayari? Napakasakit sa loob ko lahat ng ito. Sana nauunawaan mo ang nararamdaman ko. Sabi nila, walang problema na ibibigay si Lord, kung hindi natin kakayanin. Pero sa totoo lang, hindi ko na talaga kaya. Durog na durog na ang puso ko. Ilang beses ko ng sinubukang lumaban at tumayo, ilang beses ka na ding nangako na hindi na ako sasaktan at lolokohin ngunit patuloy pa ding napapako ang mga pangakong iyon. Hanggang kelan ako aasa? Gusto ko ng sumuko, pero paano? Kung ilalaban ko naman, paano? Paano ko gagawin alin man sa mga ito kung sarado na isipan mo? Ipinapanalangin ko na lang na Masaya ka. Kung Masaya ka na nasasaktan ako, siguro nga wala ng patutunguhan ang pagsasama natin. Sobra na ang isinakripisyo ko para sayo. Sana man lang, pinahalagahan mo lahat ng iyon.
 
Asawa mo
 
Itatago natin sa initials na KD ang nagpadala nang sulat na ito. Una na nyang sinabi sa akin na isapribado ang tunay niyang katauhan ngunit wala siyang binigay na alyas kaya nagmagandang loob na akong magbigay.
 
Marami salamat sa’yo KD.
 
Nang mabasa ko ang unang mga linya mo eh naisip ko na agad na isa na naman itong sulat ng pagkasawi — at hindi naman ako binigo ng isip ko.
 
Hayaan mo akong sagutin ang ilang puntos sa sulat mo bago ako magbigay ng opinyon ko tungkol sa ‘yong kalagayan.
 
Una, nung nakipagkita sa’yo ang ka-hook up ng asawa mo at pinabasa sa’yo ang text ng asawa mo sa kanya. Ang tanong mo eh kung dapat kang mainggit dun sa KHU. Sa palagay ko eh hindi, dahil kung malambing man ang asawa kay KHU eh sa text lang ‘yun. Eh ikaw, kung naglalambing sa’yo ang asawa mo eh siguradong nararamdaman mo ‘yon at kung may katagalan na kayo bilang mag-asawa o mag-jowa eh siguradong naramdaman mo ang paglalambing sa’yo ng asawa mo.
 
Pangalawa, tinatanong mo kung paano na ang anak nyo. Ano ba ang gusto mong mangyari o gawin nya sa anak nyo? Anak nyo ‘yan at siguradong pinagtulungan nyo syang buuin dahil hindi ka makakabuo ng anak mag-isa. Wala siyang ibang maaaring gawin kundi sustentuhan at bigyan ng oras ang anak nyo. Kung paano nya gagawin ‘yon eh sya na ang bahala dun. Alin ba sa tingin mo ang tinatawag na “wasak” na pamilya? ‘Yung magkakasama nga kayong mag-asawa at anak nyo sa isang bubong pero hindi nagkikibuan o nagpaplastikan at laging nag-aaway o ‘yung magkakahiwalay pero nag-uusap, nagkikita at meron pa ring magandang pakikitungo sa isa’t-isa?
 
At pangatlo, hanggang kailan mo kayang tiisin ang sakit, kirot at hapdi na nararamdaman mo? Walang ibang taong makakasagot nyan kundi ikaw.
 
Isa ang istorya mo sa maraming kwento na nabasa at narinig ko tungkol sa isyu sa pagitan ng mag-asawa. At madalas sa hindi ay laging nagiging biktima ang babae at laging suspek ang lalaki habang anak, kung meron man, ay maaaring tawaging collateral damage.
 
Sa mga kwento na gaya nito ay lagi akong napapaisip. Bakit merong mga ganitong pangyayari? Bakit madalas sa hindi ay lalaki ang may kasalanan.
 
Sa aking pananaw, hindi dahil sa aking kasarian, eh hindi dapat laging isisi ang mga bagay kung bakit naghiwalay o naghanap ng iba ang lalaki sa kanya. Kundi dapat ay tinatanong ng babae ang kanyang sarili kung ano ang kanyang kasalanan o nagawa para maghanap ang kanyang asawa ng iba? Nagagawa mo pa ba ang mga responsebilidad mo bilang isang mabuting may bahay? Kahit ‘yong mga simpleng bagay lang.
 
Kung nagawa nya na sa’yo dati ito, ibig sabihin eh may kulang sa’yo at sa iba nya nakita pero hindi naman ibig sabihin nun eh andun na sa nakita nyang bago ang lahat dahil siguradong may kulang pa rin kung sino man ang kanyang KHU (halimbawa: matris). At kung nagawa na nya sa’yo dati ito, bakit andyan ka pa din? Bakit hindi mo na lang sya pabayaan?
 
Subukan mo syang kausapin. Kung ayaw nyang makipagusap ng ayos, magkusa ka na. Mag-impake ka na ng gamit at paalisin na mo sya. Malay mo ‘yun lang ang hinihintay nya. At kung hindi man lamang sya umangal sa pagpapaalis mo sa kanya eh ‘wag mong kakalimutang ipaalala ang kanyang mga responsibildad sa inyong anak.
 
Sabi nga, don’t cry over spilled milk. Dahil kung tunay nga na isa syang gatas, malamang sya ay panis na. ‘Wag mo nang inumin at baka pagsaktan ka pa ng tyan.
 
Maraming bagay na dapat ay pinag-aaksayahan mo ng oras kesa isipin mo ang tungkol sa kalokohan ng asawa mo. Alam kong mahirap pero sa tingin mo saan ka mas magiging productive?
 
Ang nakikita ko kasi sa’yo, base na din sa sulat mo, eh ang asawa ang araw na center ng solar system at ikaw ay isang planeta na umiikot dito.
 
Sabi nga ng sikat na Internet Action Star na si Sir Ramon Bautista, “There is more to life than love”. ‘Wag mo nang pasakitin ang bangs mo sa kakaisip nyan. Sa tingin mo ba eh iniisip ng asawa mo ‘yan?
 
Kung sa usapin naman sa iyong anak,hangga’t nagagawa mo ang mga tungkulin mo bilang ina sa kanya, wala kang ibang dapat sabihin. Kung bata pa ang anak mo, hindi nya pa mauunawan ‘yan pero kapag sa tingin mo eh nasa tamang edad na sya, ipaliwanag mo lahat.
 
Sabi nila, ang mga anak daw ang karma nang mga magulang lalo na nang mga mister na kumakanan ng iba.
 
Hindi ako naniniwala dito lalo na pagdating sa usapin tungkol sa pagkanan ng mister ng iba. Sa palagay ko eh kung ang mga sitwasyon at mga bagay-bagay tungkol sa pag-aasawa ay naibabahagi at naipapaintindi ng maayos sa anak eh sa tingin ko eh hindi sila magiging karma ng magulang.
 
Nagiging kakulangan din kasi ng mga magulang, ama o ina, na aminin sa kanilang mga sarili ang kanilang pagkakamali sa kanilang relasyon bilang mag-asawa. At ‘yung mga pagkakamali na mga ‘yon ay naipapasa o nakukuha ng kanilang mga anak na siya ding nagiging resulta ng pagkakatulad ng kanilang kapalaran sa kanilang magulang na siya namang isisisi sa karama.
 
Ang pagtanggap mo sa mga pagkakamali mo ang una mong dapat gawin.
 
Sa kalagayan mo ngayon at sa mga nangyari sa inyong relasyon ng asawa mo nung mga nakalipas ay kailangan mo nang kalimutan kasama na din ang asawa mo.
 
Kung ang lagi mong iisipin eh haba ng taon na pinagsamahan nyo eh ang kapalit naman nyan eh habang buhay mong kaligayahan. Meron ka pang ibang makikilala at ‘wag mong pigilin ang sarili mo na mangyari ‘yon. Kung nakikita mo na masaya ngayon ang asawa mo piling ng iba eh hindi naman siguro ibig sabihin nun masaya sya dahil nasaktan sya. Nagkataon lang siguro na ‘yung nakita nyang babae ang magpapasaya sa kanya. At ‘wag mong hayaan ang sarili mo na hindi makakita ng iba na magpapasaya din sa’yo.
 
Hindi mo din dapat tinatanong ang asawa mo tungkol sa pagiging masaya nya sa iba dahil kita naman ang ebidensya. At ‘wag na ‘wag mong itatanong kung mahal ka pa nya dahil sa ginagawa nya pa lang eh alam mo na siguro ang sagot. Mas magiging masakit lang para sa’yo kung sa kanya mo mismo maririnig ang sagot.
 
Hindi mo kailangang magkunwari sa harap ng anak mo na ayos lang ang lahat dahil alam mong hindi. Mas magiging madali ang lahat kung magiging totoo ka.
 
Mahalin at bigyan mo ng respeto ang sarili mo. Palayain mo na ang asawa mo at alagaan mo ang anak mo. Kailangan mong maging masaya ka para sa mga anak mo at sa’yong sarili at para mapakita mo din sa asawa mo na hindi sya kawalan sa’yo. Kailangan mong maipakita kung paano gumanda ang buhay mo mula nung lokohin ka nya para naman win-win ang bawi mo. Gumanda na ang buhay mo, nanghinayang at naglaway pa sya sa’yo.
 
Sa ilang ulit kong pagbasa sa sulat mo, nakita ko na ilang ulit mong binanggit ang anak mo. ‘Wag mong gawing dahilan ang anak mo para mag-stay pa sa relasyon nyong mag-asawa dahil kung nasa tamang edad na ang anak mo at nakikita ka nyang nasasaktan eh sa palagay ko eh mas gugustuhin nya pang maghiwalay kayong mag-asawa kesa lagi kang nasasaktan.
 
Pagpasensyahan mo na at nagmumukhang paulit-ulit na ang sinasabi ko dahil nagtatrabaho din ako habang nagbabahagi ako ng aking pananaw tungkol sa kalagayan mo pero ganun pa man sana ay naunawan mo ang gusto kong sabihin.
 
IWANAN MO NA ANG ASAWA MO AT MAGHANAP KA NANG IBA NA MAGPAPASAYA SA’YO AT MAGMAMAHAL SA’YO NG TOTOO.
 
Hanggang dito na lamang at sana a sumulat ka ulit kung may iba ka pang nais itanong o ibahagi at balitaan mo na lang ako kung ano man ang mangyari sa desisyon mo sa buhay.
 
Marami salamat ulit at hanggad ko ang kaligayahan mo.
 
Lubos na gumagalang,
 
Kuya Mao
 
 
**************************************************
 

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

At para sa mga one-liner na tanong, pwede kayong magtanong sa http://ask.fm/KuyaMao mabilis na sagot para sa mabilis na tanong. :)

Advertisements

One thought on ““Sulat ng Saloobin”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s