Huling Habilin

Ilang oras na lang ang hinihintay ko bago ako sumalang sa matalas na kutsilyo ni Dok. Ilang taon ko na ding iniinda ito at sa palagay ko eh ito na ang tamang panahon upang gawin ito.

Maaga pa ay nagpunta na kami sa ospital.

Habang papasok sa operating room ay ramdam ko ang lamig ng lugar.

Habang nakaupo sa wheelchair ay naiisip ko ang mga nangyari sa buhay ko nang nagdaang dekada.

Ganito talaga ata ang nararamdaman kapag nasa hukay anh isa mong paa.

Bago pa man ako tuluyang maipasok sa operating room, hinawakan ko sa kamay ang aking may-bahay.

Buong pagmamahal ko syang tinitigan sa kanyang mga mata at nagbigay ng huling habilin.

“Mahal, kung hindi man ako makalabas ng buhay dito, ikaw na ang bahala sa mga anak natin. Wag mo silang pababayaan pati na rin ang sarili mo. Alam kong hindi natin kagustuhan kung may masamang mangyari sa akin pero sana ay tanggapin natin ito ng maluwag sa ating dibdib. Mahal na mahal ko kayo ng ating mga anak.” Habilin ko sa aking asawa.

Luhaan ang mata.

Basag ang boses habang pilit na pinipigilan na maging emosyonal.

“Artemio,” buong ningning at pagmamahal akong tinitigan ng aking may-bahay.

“Wag ka ngang maginarte dyan! Walang namamatay sa tule noh?! Laking laki mo eh duwag ka!”

Advertisements

One thought on “Huling Habilin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s