PeXbook

Isa na namang sulat ang ating matutunghayan sa araw na ito. Narito po ang kanyang sulat:

Kuya Mao,

Nais ko po sanang magkaroon ako ng privacy sa ipapadala ko sa inyo. Nais ko po sanang itago nalang ninyo ako sa pangalang Kathrina. Salamat po. Gusto ko po sanang humingi ng advice mula sa inyo. May nagugustuhan po kasi ako. MU nga daw po ang status namin sabi sakin ng mga kaibigan ko, pero kaming dalawa po, di namin alam yung status namin. Lagi ko po syang nakakatext noon, nagtatawagan pa kami sa phone at kapag online kami sa facebook, lagi kaming magkachat. Nasanay akong lagi syang nandyan. Noong una palang, nakwento niya sa akin na nagkaroon sya ng girlfriend noong high school siya. First girlfriend niya yun at sabi niya mahal na mahal niya yun. Natanong ko rin kung may komunikasyon pa sila ng girlfriend niya. Ang sabi niya pinutol na niya lahat ng nag-uugnay sa kanilang dalawa. Kapag napag-uusapan namin yung tungkol sa ex niya, nasasabi niya na wala na talaga silang komunikasyon. Pero one time, nag-try akong buksan yung facebook account niya at yun nga nabuksan ko. Alam kong mali pero binasa ko yung mga messages niya. Kaya hindi ko na inulit pa yun. Nalaman kong may komunikasyon pa pala sila ng ex niya, lagi silang magka-chat kapag online siya, madami kasing conversation at tiningnan ko pa yung mga dates. May cellphone number pa sya ng ex niya. Parang tinutusok ng napakaraming karayom ang puso ko habang binabasa yung pinag-uusapan nila. Sabi pa nga niya dun sa ex niya na miss na miss na daw niya to. Tapos sweet siya dun. Nararamdaman ko kasing hanggang ngayon mahal niya parin yung ex niya. Ang ganda pa ng babae, naiinsecure ako at hindi ko maiwasang mainsecure kahit alam kong mali talaga. Gusto ko lang malinawan Kuya Mao. Bakit siya nagsinungaling sa akin? Hindi lang isang beses. Pinagmukha niya akong tanga. Hindi ko alam kung dapat ba akong umiwas? Ayaw ko naman ding siyang iwasan ulit, nagawa ko na kasi yan nung una, nag-away kami kasi gumanti siya nung iniwasan ko siya, pinaramdam niya rin sa akin ang pakiramdam niya nun. Naaawa ako sa kanya eh, kasi loner na nga sya, tapos binabalak ko pa siyang iwasan. Hindi ko po alam gagawin ko Kuya Mao. Gusto ko lang dumistansiya para hindi na ko muling masaktan. Hindi na ako nagpapadaan ng GM sa kanya. Binawasan ko na rin yung oras ng pakikipag-usap ko sa kanya sa cellphone. Gumawa nga ako ng palusot kesyo madami ako laging gagawin. Kapag siya naman tumatawag, di ko sinasagot. Hindi ko po alam kung tama ba tong ginagawa ko. Kuya Mao, gisingin niyo po sana ako. Gusto ko po talaga ng advice asap. Sana po masagot niyo kagad ang aking sulat. Salamat po Kuya Mao. More power! 🙂

Kathrina

Salamat Kathrina sa mahaba mong sulat.

Una sa lahat ay nais muna kitang tanungin kung maaari akong magtanong?

Ilang taon ka na ba?

Naitanong ko ito dahil kung pagbabasehan ko ang iyong sulat, ang tinging ko ay nasa 1st year hanggang 2nd year college ka pa lang.

Ikaw ba ay nasa matinong pag-iisip?

Naitanong ko ito dahil sa dami ng matitinong tao na pede mong pagsanggunian ng problema mo eh sa akin ka pa nagtanong. At nagpapasalamat ako sa’yo dahil doon. 😉

Umpisahan na natin ang aking opinyon.

Ang status nyo ngayon ay MU na ang ibig sabihin ay Magulong Usapan dahil wala naman kayong relasyon eh nagseselos ka. Pede din naman na WU o Walang Usapan dahil wala naman talaga kayong usapan di ba?

Minsan kasi ang isang simpleng gesture ay nabibigyan ng ibang kahulugan o malisya kaya dito nagsisimula ang hindi pagkakaintindihan. Hindi lamang ito sa usaping pag-ibig kundi maging sa araw-araw nating pamumuhay.

Sagutin natin ang tanong mo.

Bakit siya nagsinungaling sa’yo?

Ma at Pa.

Malay mo eh ayaw ka niyang masaktan dahil mahal ka nya.

Palagay ko eh mahal ka nga nya kaya ayaw kang nyang masaktan.

Maaaring ayaw ka niyang masaktan kaya sya nagsinungaling sa’yo. Siguro negatibo ang iniisip nyang maaari mong maging reaksyon kaya mas pinili nyang magsinungaling sya sa’yo kesa magsabi ng totoo.

Sa kabilang banda, maaari namang pinaglalaruan ka lang din ng kaibigan mo. Ayon kasi sa mga nabasa mo sa kanyang mga messages sa kanyang ex eh sweet sya at miss nya na ito.

Magandang aral na din siguro ito para sa’yo na huwag makikialam ng account ng me account para ‘wag kang masaktan.

Nagtataka lang din ako kung paano mo nalaman ang password nya.

Dapat ka bang umiwas?

Bakit?

Dahil nasaktan ka?

Hindi maaaring maging dahilan ang nararamdaman mong sakit para umiwas ka sa kanya. Una na siguro eh dahil ang pagmamahal ay laging may kasamang sakit. Sa palagay ko ay hindi rin naman nya sinabi sa’yo na buksan mo ang pesbuk account nya at basahin ang conversation nila ng ex nya.

Kung talagang hindi mo kaya ang sakit na nararamdaman mo, sige, umiwas ka muna. Pero ‘wag mong hayaan na ang pag-iwas mo ang magiging katapusan ng pagiging magkaibigan nyo.

‘Yung mga palusot mo ngayon eh tama lang dahil nga sa sakit na nararamdaman mo. Pero maghanda ka din ng maraming palusot dahil baka isang araw eh maubusan ka.

Sa huli, ang pinakamagandang gawin ay kausapin mo sya.

Sa kanya mo itanong kung bakit sya nagsinungaling sa’yo. Bakit nya ginawa ang mga bagay na makakasakit sa’yo. Pero nais lang kitang balaan na kung anuman ang magiging reaksyon niya ay maging handa ka. Lalo na kung lalo kang masasaktan sa mga sasabihin niya.

Kung walang nagbabago sa inyong samahan at sa mga pinakikita nya sa’yo, ‘wag kang assuming. Baka naman kasi iniisip mo lang na mahal ka din nya eh hindi pala.

Kapain mo din ang tunay mong nararamdaman para sa kanya dahil baka mamya ay naaawa ka lang sa kanya dahil sabi mo nga eh loner sya.

‘Wag mong madaliin ang mga bagay-bagay lalo na sa usaping pag-ibig. Hindi pa naman magwawakas ang mundo sa December 21, 2012.

Walang mali sa mga ginagawa mo dahil ikaw lang ang makakapagsabi kung tama ito.

Sana ay magkausap kayo sa lalong madaling panahon upang magkaliwanagan kayo at magkaunawaan.

Balitaan mo na lang din ako kung anuman ang inyong napag-usapan. Gusto ko lang maki-tsismis.

Hanggang dito na lamang at sana ay nasagot ko ang iyong mga katanungan.

Hangad ko ang iyong kaligayahan.

Lubos na gumagalang,

Kuya Mao

********

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyangtwitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s