T-Bak: Behind-the-scene

Hindi ko alam kung bakit ako nagsusulat ngayon ng tungkol sa isang lumang post samantalang naikwento ko na ‘yun.

Bukod siguro dahil gusto ko lang magkaroon ng update ang kuta kong ito eh para na rin masagot ang mga naging tanong sa isipan sa ilang naawang bumasa nung huli kong panggulong kwento sa pakulo ni Sir Bino.

O sadyang maarte lang ako.

May nagtatanong kung tunay daw ang kwento ko tungkol sa pagiging aktibista at kung ‘yun daw ba ay hango sa personal kong karanasan.

Oo at Hindi.

Oo.

Tunay na kwento ‘yun nang isang dating aktibista.

Hindi.

Hindi ko personal na karanasan ‘yun.

Ang kwento na ‘yun ay hango sa tunay na buhay ng isa kong kakilala.

Ako bilang isang empleyado ng gobyerno at dahil na rin sa aking posisyon at departamentong napuntahan, nagkaroon ako ng pagkakataon na magkameron ng koneksyon at kakilala sa iba’t-ibang pambansang ahensya ng gobyerno.

Dun ko nakilala ang kinunan ko ng inspirasyon para sa kwento.

Isang araw na wala kaming magawa, napagtripan naming magpahilo sa pamamagitan ng alak. Habang tumataas ang tagay, lumalalim din ang aming kwentuhan hanggang sa ikwento nya ang kabilang pisngi ng kanyang buhay na naging inspirasyon ko para sa aking entry.

May kulang ba sa kwento ko?

Oo.

Habang isinusulat ko noon ‘yung entry ko, iniisip ko kung kelangan ko bang isama ang isang bahagi nang kanyang buhay o sabihin na lang ang gusto kong sabihin? Nanalo ang huli.

Habang ikinukwento nya sa akin dati ‘yun, natatawa ako. Hindi dahil komedi ang istorya nya kundi dahil sa irony nito.

Sinasabi nya kasi sa akin ang mga himutok nya sa kanyang superior ang sa gobyerno bilang kabuuan. Pero saan ba sya nagtatrabaho ngayon?

Iniistorya nya kung paano sila makibaka noon. Kung paano nila sinasagupa sampu ng kanyang mga kasamahan ang bawat bomba ng tubig ng mga bumbero para mabuwag ang kanilang hanay tuwing may rally. Pero ano ba ang ginagawa nya ngayon.

At lalo pang naging maganda ang kanyang istorya nang sabihin nya sa akin na kung may kilala daw akong mga bumagsak ng board exam pero gustong magkalisensya eh sabihin ko lang sa kanya.

Anak ng bakang bakla!

Kinain nya ata lahat ng prinsipyo nya!

Dati halos magpakamatay sya para lang mabago ang sistema tapos ngayon eto sya at isa rin sa mga kalawang na bumubulok sa sistema.

Hanggang sa mga oras na ito, iniisip ko pa rin ang kwento nya ‘yon at sana eh maging inspirasyon ko para maging tapat sa tungkulin kong sinumpaan.

Hindi ko gustong sirain ang kredibilidad ng mga aktibista.

Lahat ng tao eh may kalayan para sa kanya-kanyang trip.

Kung trip nilang mag-rally hindi ko babasagin ‘yon.

Ang pakiusap ko lang eh ‘wag naman sana silang maging pasimuno pa ng kabulukan sa ating bayan. Marami na masayado ang napagbibintangan para sa ganyang bagay. ‘Wag na sana silang makisali pa.

Wala ding problema kung gusto nilang manghikayat ng ibang tao na ipaglaban ang mga lupa na hindi naman sa kanila, basta sila lang lagi ang unang sasalo ng bala at ‘wag naman sana nilang gawing panangga ang mga nauto nila.

Ayos lang din naman kung trip nilang magsama ng mga inosenteng mamamayan para dumami ang kanilang hanay basta ‘wag nilang kalilimutang i-brief ang mga ito bago ang rally dahil nagmumuka lang silang dummy na hindi alam kung bakit sila andun sa hanay ng mga raliyista.

Hindi ako naghahanap ng away.

Ang gusto ko lang ay mabuksan ang isip at kamalayan ng ilan nating kababayan na ang akala eh magiging sagot sa lahat ng problema eh pagmartsa sa kalsada.

Advertisements

7 thoughts on “T-Bak: Behind-the-scene

  1. an_indecent_mind

    masaklap na makita ang isang aktibista na nabago ng sistema ang sarili nyang mga paniniwala at ipinaglalaban.. maaring kinain sya ng kalawanging sistema o kinain nya ang sarili nyang prinsipyo dahil sa hirap ng buhay…

    Sagutin
  2. J. Kulisap

    Tama din na nag-iingay minsan pero nakakasakit ng mata ang lumalalang trapiko sa lansangan. Ilang taon ka nang sumisigaw, nasaan na ang tinig mong iyan?

    Natatrapik na pati ang pag-asa ng ating bansa. Mahirap simulan ang pagbalanse sa mga bagay-bagay. Naninimbang ang prinsipyo ang pangagailangang mabuhay para hindi magutom. ‘Yon ang totoo.

    Nasaan na?

    Sagutin
  3. JH Alms

    malawak na kasi ang sakop ng mga kalawang eh.. kung walang titibag, mahahawa ang lahat.. kung titibagin naman, masisira, kailangang palitan ng bago.. ang problema, hindi pa yata nagagawa ‘yung “bago” na ‘yun..

    Sagutin
  4. WP

    Naku totoo lahat ang sinasabi mo Mao, mas marami ang sumasali sa Rally na walang kaalam-alam kung bakit siya naroon at kung ano ba ang pinaglalaban nila. Dahil iyan sa pera na ginagamit ng iilan ๐Ÿ˜ . Yung tungkol naman sa kawalan ng paninindigan, naku depende daw iyan sa kulo ng tiyan, yung bang ipagpapalit ang prinsipyo sa pera, mapait tanggapin pero totoo ๐Ÿ˜–

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s