Isang Daan Apatnapu’t Tatlong Araw ng Pebrero (Unang Labas)

Day 72

Birthday ko ngayon. Hindi man lubos ang kasiyahan ko ngayon iba pa rin ang birthday ko ito. Dahil siguro matapos ang mahabang panahon, heto at makasama ulit kami ni Helen.

Matapos ang matagal kong paghihintay at paghahanap sa kanya, kapiling ko siya muli ngayon.

Pakiramdam ko tuloy ngayon eh bagong taon.

Day 1

Sa kabila ng pagiging abala ko sa trabaho, hindi ko pa rin maiwasang sumagi sa isip ko ang mga nakaraan. Kung paano kami nagkahiwahiwalay na magkakapatid at kung paano ako nawalay sa babaeng una kong minahal.

Hindi ko maiwasang tumingin minsan sa mukha ng mga kasalubong ko dahil iniisip ko kung ano na kaya ang hitsura ni Helen ngayon. Hindi ko alam kung madalas ko ba syang nakakasalubong sa kalsadang dinadaanan ko o nakakasiksikan ko na sya sa pampasaherong bus.

Maputi pa rin kaya ang makinis niyang kutis?

Mapula pa rin kaya ang makipot niyang labi?

Malamlam pa rin kaya ang bilugan niyang mata?

Hindi ko na alam.

Day 5

Araw ngayon ng Sabado.

Marami na namang tao sa pinapasukan kong pamilihan.

Eto lang ang masarap sa trabaho ko. Kahit medyo pagod kakatayo eh nakakalibang dahil iba’t-ibang tao ang makakasalamuha mo araw-araw.

“Boss, excuse me.” tining ng isang babae.

“Yes ma’am?” magalang kong sagot sa kanya habang nakangiti.

“Me iba pa ba kayong stock nito?” sabay kuha nya nung produkto.

Nakatitig lang ako sa kanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang pamilyar sa akin ang kanyang mukha.

Sa loob ng limang taon kong pagtatrabaho dito, halos kilala ko na ang mukha ng mga regular naming mamimili. At alam kong bago ang pamilyar ang mukha na ito sa akin.

“Excuse me.” Ulit ng babae

“Ay sorry po ma’am. Para po kasing pamilyar po kayo sa akin eh. Matagal na po ba kayo namimili dito?” Tanong ko sa kanya.

“Actually bago lang kasi kalilipat ko lang dyan sa may subdivision last week.” Mabait na sagot ng babae.

“Kaya pala po parang ngayon ko lang kayo nakita dito pero parang matagal na po tayong magkakilala.” Kahit medyo alangan ay nilaksan ko na ang loob ko.

“You know what, you look like familiar too.” Sabay ngiti nya.

“A-Abel?!” Namilog ang kanyang mga mata.

“H-Helen?!” Malakas ang tibok ng puso ko na balik tanong sa kaya.

Ilang taon na ba nakalipas nung huli kaming nagkita?

Lima?

Pitong taon?

Hindi ko na maaala pero kilala pa rin sya ng puso ko.

Day 24

Napatingin sya sa akin sabay ngiti matapos kong sadyang aksidenteng mahawakan ang kanyang kamay habang naglalakad kami sa may break water.

Day-off ko nung araw na iyon ay sya na naman din daw ay walang ginawa.

“Naniniwala ka ba sa true love?” Tanong ni Helen habang nakaupo kami at pinapanood ang paglubog ng araw.

“Bakit? Hindi ka ba naniniwala?” balik tanong ko sa kanya.

“Di ba sabi nga nila, “there’s nothing constant in this world but change”. Ibig sabihin, pede maging ang isang tao isang araw na hindi na nya mahal ang taong mahal nya dahil nagbago na sya ng nararamdaman.” Mahaba nyang paliwanag

“Pero love ang usapan. Syempre iba pa rin ‘yon. Kung talagang mahal mo ang isang tao, lahat maaring magbago pero hindi ang nararamdaman mo para sa kanya.” Mahaba ko ring paliwanag sa kanya.

Nagkibit balikat lamang siya.

Day 48

Napapawi ng init ng aming mga katawan ang lamig sa kabuuan ng kwarto na iyon.

Hindi ko inaasahan na hahantong kami sa lugar na ‘yon.

Hindi naman kasi “kami”.

Hindi ko sinasabi ang nararamdaman ko para sa kanya.

At hindi rin naman sya nagtatanong.

Basta ako masaya ako tuwing kasama ko sya — hindi ko lang alam kung ganun din sya.

Natatakot akong umamin sa kanya dahil natatakot akong masakatan sa unang pagkakataon sa larangan ng pag-ibig.

Sa palagay ko naman eh hindi na ako masyadong lugi kahit halos araw-araw nyang ginagamit ang katawang lupa ko dahil sya naman madalas ang gumagastos at masarap naman syang kausap.

Parang alangan nga lang ang sitwasyon namin ngayon dahil hindi ko masabing nagmamahalan kami dahil hindi ko alam kung mahal nya din ako.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s