Wala.

Wala.

Wala lang.

Wala lang akong magawa.

Wala.

Wala na.

Wala nang pumapasok sa utak ko.

Sa nakalipas na mahigit dalwang linggo, paulit-ulit kong sinubukan na magsulat ulit.

Hindi naman ako nabigo.

‘Yun nga lang, mga artikulo para sa newsletter ng aming departamento ang naisusulat ko.

Hindi ko masabing tinatamad ako dahil ilan na din namang titulo ng mga entry (sana) ang nasa draft ko.

Ilang beses na ding naguunahan ang mga salita at kwento sa utak ko. Kadalasan nga lang lumalabas eh kapag nasa banyo ako.

Ilang beses ko na din sinubukang tumipa ulit ng mga letra pero dahil nga naguunahan ang mga ideya, lahat nakakawala at huni na lang ng kuliglig ang maiiwan sa utak ko.

Gusto ko sanang magkwento tungkol sa pakikipagsapalaran ko sa aking trabaho araw-araw pero dahil sa daming trabaho na pinakakaangan sa akin ng boss ko, wala na akong oras para magkwento.

Gusto ko din sanang ibahagi ang mga nakakakiliting kwentong tumatakbo sa utak ko pero tuwing susubukan kong itipa ang mga letra, parang ending na agad ang mababasa.

Katulad sa mga sandaling ito.

Masarap sanang magkwento dahil matagal na din akong nabakante pero hindi ko pa rin lubusang magawa dahil kailangan ko pang mag-review para sa seminar na ibibigay ko bukas.

Kunsabagay, minsan na akong nangarap maging isang teacher, ang problema ngayon ko lang binabasa ang lesson plan.

At dahil masyadong general ang topic na ibinigay sa akin, bahala silang umintindi ng lecture ko.

Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula at alin ang unang kong sisimulang tapusin.

————-

Madaming kwento akong nabitin.

Ilan na din ang nagpadala ng email sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko nasasagot at nagmumuka na akong drowing sa kanila.

Kayo na po sana ang bahalang magpasensya.

Marami na akong utang.

Babayaran ko ang mga ‘yan kahit hulugan.

At gaya nang palabas dati…

Abangan ang susunod na kabanata…

Advertisements

2 thoughts on “Wala.

  1. madz

    ganyan din ako kuya mao, di ka nag-iisa 🙂 iwasan ko man , dumadating nga yata talaga sa atin yung ganun, na kahit marami kang gustong sabihin at ikuwento e hindi mo na man maisulat. kainaman yaan…

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s