Hapi Puso ‘Day!

Dahil malapit na ang araw ng mga puso, bigyang daan natin ang padalang sulat ni Gelly.

Dear Kuya Mao,

Gusto ko lang po sanang humingi ng opinion nyo tungkol sa current relationship status ko. Madalas po kasi kaming mag-away ng bf ko dahil masyado syang seloso. Gusto ko na syang hiwalyan minsan pero ayaw naman nya. Ano po kaya ang mabibigay nyo po kaya ang magandang gawin ko?

Umaasa sa matino nyong sagot,

Gelly

Magandang araw sa’yo Gelly at Hapi Puso na din.

Gusto ko sanang sabihin sa’yo na ‘wag ka nang umasa sa matinong sagot ko dahil wala naman talaga akong sinabing matino pero dahil Buwan ng Pag-ibig ang Pebrero, pagbibigyan kita sa hiling mo.

Madaming dahilan ang pagseselos ng isang tao, maging karelasyon mo man, kapatid, kaibigan o ano man. Kung minsan, ang “selos” ng isang kapatid o kaibigan ay nangangahulugan din ng inggit.

Sa kalagayan mo, maaaring may dahilan ang jowa mo kung bakit sya nagseselos. Siguro dahil mas nakikipagkulitan ka sa taong pinagseselosan nya kesa sa kanya. Minsan sa pagkukwento mo din tungkol sa taong pinagseselosan nya, nabibigyan nya ng ibang kahulugan.

Hindi ko alam kung sasang-ayon ang nakararami pero sa palagay ko ang selos ay isa sa magandang sangkap sa isang matibay na relasyon. Maaari nating sabihin na kaya sya nagseselos eh dahil mahal ka talaga nya at ayaw ka niyang mawala ka sa kanya. Kaya’t ang selos kung minsan ay napapalitan ng takot.

May paraan din  naman upang hindi man tuluyang mawala eh ma-minimize ang selos na nararamdaman ng ‘yong jowa.

Ipakita mo sa kanya na importante sya sa’yo.

Iparamdam mo ang pagmamahal mo sa kahit anong paraan.

Kung minsan kasi ang selos ay bunga din insecurity ng isang tao kahit hindi naman ito isang puno.

Kung nabaduyan ka o hindi mo na-gets ang korni kong banat na ‘yan, ‘wag kang masyadong seryoso.

Katulad ng selos, ang pag-aaway ay isa din sa magandang sangkap ng isang malusog at matibay na relasyon.

Sa mga simpleng away, tampuhan o hindi pagkakaintindihan nyo makikilala ang  isa’t-isa. Dito nyo rin makikita ang kahinaan ng bawat isa at kung talagang wagas at tapat (Huwaw! Ang lalim! Hindi ko maarok!) ang inyong pag-ibig, matatanggap nyo ang mga kahinaan na ito nang buong puso.

Hindi ako naniniwala na masarap ang relasyon na tahimik at walang away dahil boring nga iyon — lalo na kapag gabi.

Sabi nga, ang relasyong walang away, naghihiwalay.

Wala kasing thrill o anghang ang isang relasyon kung wala ang dalwang sangkap na ito.

Hindi nyo kasi matutunang magpakumbaba.

Hindi nyo matutunang magparaya.

At hindi nyo matutunang tumanggap ng mga pagkakamali.

Sa mga ganitong pagkakataon, hindi rin talaga magandang daanin ang lahat sa isang biglang desisyon.

Sabi nga, kung mainit ang ulo mo o galit ka, ‘wag ka munang magsalita dahil maaaring kung ano pa ang masabi mo na lalong magpapalala.

Hindi naging sagot kahit kailan ang paghihiwalay dahil lang sa simpleng away o tampuhan.

Kung nagkasakit nang pisikal, pede pang hiwalay agad.

Pero kung simple lang naman, mas maganda eh pagusapan.

Madalas kesa hindi, nagsisisi tayo kung nakipaghiwalay tayo dahil lamang sa simpleng away o hindi pagkakaunawaan. At kung hindi mo na naisalba eh maaaring humantong sa habambuhay na pagsisisi.

Alam kong alam mo na alam nating lahat na hindi lang ikaw ang nakaranas, dumaranas at daranas ng ganyang sitwasyon.

Pag-usapan nyo ang inyong mabuti ang inyong mga hindi pagkakaintindihan at sana ay maayos nyo ito.

Sana ay naging matino ang opinyon kong ito para sa’yo.

Hanggad ko ang inyong kaligayahan.

Lubos na gumagalang,

Kuya Mao

(Dear readers, maaaring kayong magbigay ng inyong opinyon sa sulat na ito. Maraming Salamat!)

Hapi Balentayms Day sa inyong lahat!

________________________

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! :)

Advertisements

6 thoughts on “Hapi Puso ‘Day!

  1. joeyvelunta

    gelly, ang lalaki mahilig bumakod. Territorial (di ko alam ang sfeling) ang mga lalaki. Gusto namin kami lang. kaya may posibilidad na magselos kahit simpleng pag uusap lang. Dahil napakanipis ng hibla na naghihiwalay sa pagiibigan at pagkakaibigan. Baka sayo walang malisya ang pakikipag usap sa isang lalaki pero sa lalaking yun ay may malisya.

    Sagutin
  2. Rence

    Sumasang-ayon ako kay Kuya Mao na salbahin ang relasyon kung tunay mong mahal ang iyong boyfriend. Pero kung nakapag-desisyon ka na hiwalayan siya dahil nawala na ang iyong pagmamahal sa kanya dulot ng kanyang labis na pagseselos na sa tingin ko ay wala sa lugar (dahil kung nasa lugar ay may katuwiran ito at ikaw ang dapat na magpakumbaba), at ikaw nahihirapan sa halip na naliligayahan sa inyong relasyon, kahit hindi siya pumayag, kung makikipaghiwalay ka ay wala siyang magagawa, ke pumayag siya o hindi. Panindigan mo lamang ito kung ito ang iyong desisyon. It takes two to tango, ika nga. Kung ayaw na ng isa ay wala nang matatawag na relasyon.

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s