Bongga Pinas!

Dati nang binatikos ang slogan ng Department of Tourism ng Pinas dahil sa panggagaya nito sa slogan ng Poland.

At muli na namang nakatikim ng batikos ang departamentong ito dahil sa panggagaya naman sa dating slogan ng Switzerland.

Sabi ng Undersecretary ng DOT, hindi naman daw ginaya ‘yung dating slogan ng Switzerland. Nagkataon lang daw na nagkapareho at kung titingnan eh angkop din naman ang salitang “it’s more fun” para sa Pilipinas.

Sabi naman ng hepe ng DOT, wala naman daw maaaring may mag-ari ng isang o mga kataga na maaaring maglarawan sa isang bagay. At kung may intellectual property rights naman ang Switzerland sa mga katagang iyon, siguradong expire na din ‘yun dahil 50 years lang ang itinatagal ng intellectual property rights at kailangan mo ulit i-renew.

May punto ang mag-amo.

Sa sobrang saya sa Pilipinas eh swak na swak ang slogan na ito. Madaming nga naman din ang maaring gumamit sa nasabing kataga dahil wala namang indibidwal o bansa ang nagmamay-ari talaga nito.

Pero hindi kaya mas maganda kung orig na nanggaling talaga sa atin ang slogan?

‘Yung tipong kahit isang daang taon ang lumipas eh siguradong wala kang makikitang pinagkopyahan o ginayahan.

Problema kasi sa kanila, ayaw na nila na na-e-exercise ang utak nila. Kahit simpleng idea kung paano sila makakagawa ng maganda at kapuna-punang slogan eh ayaw pa nilang gawin.

Suggestion ko lang sa susunod na maggawa ulit sila ng slogan, bakit hindi nila gawing contest?

Lahat ng Pinoy pedeng sumali!

Syempre kung sino ang may pinaka-orig na gawa ‘yun ang panalo.

Sobrang simple lang nyan. Hindi na sila mahihirapang mangopya ng slogan ng ibang bansa, hindi pa sila magmumukang mga inutil na pinopondohan ng taong bayan.

Siguradong lalabas din ang pagiging malikhain ng mga Pinoy at ang pagmamahal nila sa Pinas.

At higit sa lahat, makakatulong pa sila sa kapwa nila Pinoy.

Kahit pa marami ang sumusuporta sa bagong slogan na ito ng Department of Tourism, hindi mo pa rin maikakaila na hindi sila ang unang gumamit nito.

Mas maganda nga siguro sa mga sumusuporta sa slogan na ito eh mag-suggest din ng sarili nilang slogan.

Kung mababasa man ito nang mga taga-Department of Tourism (wow! parang papansinin nila ako ah!), mga boss cheap, suggestion ko lang na slogan eh:

Bongga Pinas!

Panis!

Swak na swak para sa bansa natin dahil bongga ang mga kasiyahan dito sa bansa.

Pasok na pasok dahil marami na ang mga pa-bongga ng pa-bongga sa lipunan. Mapaartista man o politiko o maging mga ordinaryong tao.

Mukang hindi na nila pedeng sabihin na kinopya lang natin ‘yan ibang bansa, baka sa ibang planeta o galaxy pede pa. Pero mukang hindi na natin malalaman ‘yun. Kahit siguro ilang daang taon ang lumipas eh hindi nila makikita ‘yan na ginamit ng ibang bansa.

Sana ganyan na lang ang gawin nilang batayan sa paggawa ng slogan.

Simple.

Catchy.

At mukang hindi pinag-isipan.

Kesa naman manggaya tayo sa ibang bansa.

At dahil mukang kasado na ng DOT ang slogan, makikiuso na lang ako sa paggawa ng meme ng slogan na ito.

Advertisements

3 thoughts on “Bongga Pinas!

  1. J. Kulisap

    Maganda ang suhestiyon mo.

    Sana maraming maglakbay sa Pilipinas para mag-generate ng trabaho sa ating kapuwa Pinoy.

    Happy New Year Boss Mao pati na rin kay Misis mo.

    πŸ™‚

    Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      Salamat Boss Kuli!
      Na-miss ko ang komento mo… hehehehe…
      Nagbalik blogoperyo ka ga?
      Kasado na ga ang kauna-unahang J.Kuisap Memorial Awards? πŸ™‚

      Happy New Year din sa’yo Boss at sa magiging misis mo… πŸ™‚

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s