Paalam 2011

Gusto kong simulan ang huling araw ng 2011 ng isang pagbabalik-tanaw sa mga nangyari sa buhay ko sa nakaraang taon.

  • January

– Isinilang ang isa pang anghel sa buhay ko. Mixed emotion ang naramdaman ng mga magulang ko sa pagsilang nang aking ikalawang anak. Masaya dahil nadagdagan na naman ang aming pamilya at malungkot dahil magbabayad na naman sila sa ospital. 🙂

  • February

– Isang taon na naman ang nagdaan sa buhay ko. Hindi man halata ang pagdadag ng edad sa aking isip,salita at sa gawa, nadagdagan naman ang mga natutunan ko sa buhay.

  • March – June

– Wala ako masyadong maalala sa loob ng apat na buwan na ito. Siguro dahil masyado akong abala sa pagiging tambay at sa pagagawa ng wala, pati na rin sa pag-a-update ng post na walang kwenta.

  • July

– Unang anibersaryo ng kalat na ito sa blogosperyo. Hindi man importante sa nakararami, importante ito para sa akin dahil nalaman kong isang taon na pala akong nagpapapansin.

– Ito rin pala ang buwan kung kelan naging responsibilidad ko ang magsepilyo ng ngipin at maligo araw-araw.

  • August-November

– Wala masyadong kakaibang nangyari maliban na lang sa pag-a-update ulit ng  post na mas nawalan ng kwenta.

– Naging masyado akong abala sa paglilingkod sa aking mga kababayan nang mga buwan na ito kaya siguro wala ako masyadong maalala.

  • December

– Pumanaw ang isang kapatid ni Erpat.

– Naparangalan sa prestihiyosong PEBA. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na naparangalan ako. Salamat ulit sa kanila at sa mga nakilala ko nung gabing iyon.

**********************************************

Maraming pagsubok ang ibinigay sa akin ang nagdaang taon. At marami din syang iniwan na pag-asa at masasayang alaala.

Naging malumanay para sa akin ang taong 2011. Malumanay dahil wala man lang akong nagawang maganda para sa kapwa ko. Hindi man lang ako nakatulong o nakapagbigay ng inspirasyon.

Pero dahil tapos na ang 2011, wala na akong magagawa pa.

Sa pagpasok ng 2012, babawi ako.

Mas kakapalan ko na ang muka ko para may magawa naman ako pagbabago.

Salamat sa isang taon mong pagdaan dito. Sana ay hindi ka magsawa kahit walang kang mapala.

Sana ay maging maligaya at masagana tayong lahat sa darating na taon.

Maligayang Bagong Taon!

Nais kong tapusin ang post na ito sa pamamagitan ng isang taos pusong panalangin.

*********************************************

Maraming salamat po Panginoon sa isang taong nagdaan. Marami rin pong salamat sa isa na naman taon na ibinigay ninyo sa amin na magbibigay sa amin ng bagong pag-asa.

Patawarin Nyo po kami Panginoon sa isang taon naming paggawa ng kasalanan. Sana po sa darating na taon ay hindi na po ulit namin ito mabalikan.

Salamat po sa isang taon na pagbibigay Nyo sa amin ng pagmamahal, pag-asa, pagpapala at lakas ng loob upang ang mga pagsubok, trahedya at kalamidad na sumubok sa aming pananalig ay aming malampasan.

Nawa po sa darating na taon ay unti-unti nang magkaroon ng pakakaisa at pagmamahalan sa aming mga pusong nang sa gayon, ang mga hindi pagkakaintindihan at hindi pagkakaunawana ay maiwasan.

Nawa po Panginoon, mas maging matatag pa po kami sa mga pagsubok na hatid sa amin ng darating na taon. Alam po namin na malalampasan namin lahat ng ito kasama Kayo dahil hindi Nyo kami pinabayaan at kinalimutan kailan man.

Maraming salamat po muli Panginoon at lahat po ito ay hinihiling ko sa Inyo sa ngalan ng Inyong anak na si Jesus.

Amen.

Advertisements

4 thoughts on “Paalam 2011

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s