Speech(less)

 

“If you were given a chance to speak on stage after receiving your PEBA 2011 Award, what would be you message?”

Isang tanong galing sa isang kapwa nominado sa nakaraang PEBA 2011 Awards Night.

Ilang buwan bago ang nasabing awarding, pinag-iisipan ko na kung ano nga kaya ang sasabihin ko kung kailangang mag-speech pagkatapos matanggap ang award pero lahat ‘yon ay binura ko sa utak ko dahil sa tingin ko eh hindi ko naman kailangan ng speech dahil siguradong hindi naman ako mananalo.

Pero nung makatanggap ako sa imbitasyon mula sa PEBA (marami pong salamat sa inyo!), naisip ko na kailangan ko nga siguro ng speech. Pero dumating at natapos na ang nasabing araw, wala akong speech — buti na lang din at hindi ako tinanong sa stage at pinagsalita.

Pero paano nga kaya kung binigyan ako nang pagkakataon?

Simple at maikli lang siguro ang sasabihin ko:

            “Una po sa lahat ay gusto kong magpasalamat kay Papa Lord dahil kung hindi po dahil sa kanya ay wala din po ako dito sa harapan nyo ngayon. Maraming salamat din po sa bumubuo ng Pinoy Expat/OFW Blog Awards, kila Sir Kenji Solis, Sir Nereus Jethro Abad, Sir Pete Rahon at Sir Lionel Gonzaga,s a mga volunteers, mga sponsors at mga judges.

Sa aking pamilya lalo na sa aking asawa at mga anak na walang sawang sumusuporta sa akin at nagbibigay inspirasyon sa akin. Sa aking mga malalapit na kaibigan walang sawang mang-asar. Salamat at lagi nyo akong hinahamon — makakatikim na talaga kayo sa akin sa susunod.

Sa mga kapwa ko blogger at nominado na nagiging inspirasyon ko din dahil sa mga sinusulat nyo. Salamat ng marami sa inyo.

Nais ko din pong magpasalamat ng taos puso sa lahat ng mga OFW sa buong mundo dahil kung wala kayo ay wala akong magiging entry sa patimpalak na ito. Salamat din dahil sa pagsasakripisyo nyo ay hindi lamang ang pamilya nyo o ang bansa natin ang natutulungan nyo kundi maging ang mga bansa kung nasaan man kayo ngayon.

Isang malaking respeto at pagsaludo po ang ibinibigay ko sa inyo dahil marami po na-i-inspire dahil sa inyo.

Muli po, marami pong salamat. Mabuhay ang Pinoy! Mabuhay ang mga OFW!”

 

Ganyan sana ang naging talumpati ko na mukhang nangangampanya.

Pero dahil hindi naman ako nagsalita sa stage at tapos na din naman ang Awarding, ganito na lang ang sasabihin ko:

Salamat kay Papa Lord sa pagkakataong ito na ibinigay nya sa akin. Sa lahat din sa lahat ng bumubuo ng Pinoy Expat/OFW Blog Awards, kila Sir Kenji, Sir Pete, Ma’am Bhing at sa mga iba nilang kasama. Sa mga hurado na humusga sa aking entry at sa aking blog. Marami pong salamat dahil napili nyo po ang aking entry kahit hindi ko kayo kamag-anak o kakilala, sana eh maka-E.B. ko kayo minsan. Salamat din kay labopmaylayp na laging sumusuporta sa akin at sa aming mga anak na nagbibigay ng inspirasyon sa akin. Sa aking pamilya, kamag-anak at kaibigan na minsan lang magbasa nang mga sinusulat ko. Salamat at hindi nyo inaabangan ang mga update ko sa blog dahil siguradong kung anu-anong pang-aasar lang ang aabutin ko sa inyo.

Salamat sa mga kapwa ko bloggers at nominado na nakita nung gabing iyon.

Salamat kay Boss Bino na nakasiksikan ko sa MRT. Pasensya ka na Boss kung sumingit ako sa pila, na star struck lang ako sa’yo.

Kay Ms. Zyra at sa kanyang asawa, congrats po Ma’am and nice meeting you po.

Sa bagong Youtube sensation Jason Hamster, kay Sir Jey, you Rulez boss!

Sa kagalang-galang na si Boss Tarbs, nice meeting you boss!

Kay Binibining Ani, nakita rin kita sa wakas doktora!

Kay Shy na nun ko lang din nakita, hanggang sa muling pagkikita.

Kay Essa, na kung gaano kagulo sa blogosperyo eh ganun naman katahimik sa personal, pero mukhang busy lang.

Kay Madz na hindi na nawala ang ngiti sa labi — dahil may naalala siguro nung huli nyang punta sa Baguio.

Kay Pareng Joselito Velunta Rosales, nagkita din tayo sa wakas at congrats nga din pala!

Kay Boss Duks na kung gaano kaseryoso ang kanyang mga post ay syang-sya din sa personal.

At sa di papahuli (ng buhay) Boss J. (gout) Kulisap, na kung gaano ka-anonymous sa blogosphere ay ganun pa rin sa personal.

Salamat sa isang gabi ng saya at alaala.

Isang taos puso ding pasasalamat sa lahat ng mga OFW!

Saludo po ako sa inyong lahat!

 

Isang parte lamang ito ng experience ko sa loob ng mahigit isang taong pagpapapansin sa mundo ng blogosphere. Maraming salamat sa lahat ng pumansin.

Alam kong marami pa akong matutunan hindi lamang sa sariling kong karanasan dito kundi maging sa mga kapwa ko blogista.

Sabi nga ni J.Kul bago ako sumali sa patimpalaka na ito:

“Isulat mo lang kung anong nasa puso mo. Magsulat ka nang galing sa puso mo.”

Nagbunga naman ang pagsunod ko dito.

At may bago na naman akong natutunan nung gabing iyon, mula kay Pareng Duks:

“Isulat mo lang ng isulat ang lahat ng nasa puso at utak mo. Mag-blog ka lang ng mag-blog, sumulat ka lang ng sumulat. Basta ‘wag mo lang pe-personalin.”

 

Ayos!

 

Congratulation nga pala sa lahat ng mga nominado at sa lahat ng nanalo!

Mabuhay ang Pinoy, kahit saan man sa mundo!

Advertisements

26 thoughts on “Speech(less)

  1. madz

    nice meeting you kuya Mao 🙂

    kaya ako nakangiti nun kasi unti-unti nang nagkakamukha yung mga tao sa chatroll ni kuya kuli. now i know hindi pc ang kalaban nila sa QB.. LOL

    tsaka anu, may nagpakasal kasi na mga kabayo dun sa Baguio. lels lang.. kainaman kayo :)) sa susunod ulit kuya 🙂

    Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      unti-unting mong nakita ang mga mukang goons? 🙂
      baka naman sa susunod eh sumabay ka na ng pagpapakasal sa kabayo ha… 🙂
      sa Dec. 27 set ulet tayo… dayo kayo dine sa amin… 🙂

      Sagutin
  2. duking

    salamat tol, ‘di mo ko nilaglag hahaha!

    ang sarap ng kwentuhan, ang sarap ng biruan. nagagalak akong nakilala ka at ang iyong napakagandang may-bahay, sir mao. hanggang sa muling pagtitiyap ng pagkakataon, sir mao.

    Sagutin
  3. taribong

    Wow! It was really nice meeting you, boss. Am really sorry i haven’t had so much time to spend with you during that time as i need to rush to another engagement. With all sincerity, i really hope there’d be a better opportunity for us to know each other more. Best regards to you and your family. Have a merry, merry Christmas! 😀

    Sagutin
  4. EssaPayoyo

    AHAHAHAHAHAHA! Di ko alam ba’t ako natawa dito 🙂 Salamat Kuya Mao! Alam mo bang noong niyayaya ko si Joselito Rosales na lumapit sayo eh ayaw pa nya kase nakakatakot ka daw? Hahahaha, kapalmuks lang talaga ako 🙂 Ansaya! See you next time Kuya Mao 🙂 Pasabi sayong lovely wife, pasensya na kung mga siraulo ang mga nakasalamuha nya noong gabing yon 🙂

    Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      hahahahahaha! muka lang akong halimaw pero hindi ako nangangain ng tao… 🙂
      sanay naman makisalamuha sa siraulo misis ko eh… lagi kasi akong kasama… 😀

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s