Irony of Life: Alaala ni Tito

Kaninang medyo maaga pa, nanghingi ako ng topic para sa entry ko ngayong araw.

Kaninang eksaktong alas-dose ng tanghali, nagkaroon ako ng topic.

Sa darating na linggo, Disyembre 4, mayroong reunion ang mga magkakapatid ni Erpat. Uuwi kami ng Bulacan dahil bukod sa reunion eh blessing din ng bahay nang panganay na kapatid ni Erpat. Eksayted ang lahat dahil matagal na rin nung huli kaming magkasama-sama. Madaming pakulo ang inihanda ng mga pinsan ko para maging masaya at sulit ang muling pagkita-kita. Kahit siguro wala ang mga pakulong iyon eh siguradong masaya dahil makulit talaga ang aming pamilya. Siguradong walang patid na tawanan, inuman, kwentuhan at kantahan na naman ang mangyayari.

Kaninang alas-dose, nag-iba ang ihip ng hangin.

Pumanaw na ang isang kapatid ni Erpat na may cancer.

Ilang buwan na ang nakaraan nung ma-diagnose sya ng stage 4 na cancer. Binigyan sya ng dalwang taong taning ng doktor.

Parang abstract ngayon sa utak ko ang mga alaala ni Tito Chito. May mga naaalala akong kwento tungkol sa kanya pero parang wala.

Sabi nga nila, kapag namatay daw ang isang tao, wala ka daw maaalalang masama tungkol sa kanya. Lahat ay puro saya.

Mula nang magka-isip ako, wala akong maalalang masama tungkol sa kanya. Puro tawanan lang at kasiyahan.

Puro palabiro at palatawa ang magkakapatid nila Erpat. Hindi mapapantayan ang tawanan kapag nagkasama-sama sila — lalo na kung green jokes! 🙂

Isa si Tito Chito sa magaling bumangka sa kwentuhan lalo na kung kalokohan ang pinaguusapan.

Kahit ano yatang dumaan sa buhay nilang magkakapatid, mula nung pagkabata nila hanggang sa kasalukuyan, ay idinadaan nila sa tawa o pinagtatawanan.

Kahit ang hirap na minsang pinagdaanan ni Tito sa Japan ay tinawanan lang nya nang umuwi sya.

Hindi ko masabing naging masamang tatay si Tito sa kanyang mga anak. Lumaki maayos ang mga pinsan ko.

Inaasikaso pa sya ng mga anak nya nung nasa ospital pa sya.

Mahirap isulat ang mga masasayang alaalang iniwan ni Tito Chito dahil sa dami nito, lahat ay nag-uunahang lumabas sa utak ko.

November 1 ngayong taon nung huli ko syang makitang buhay. Lumuwas kami ni Erpat dahil pinatawag ni Tito ang mga kapatid nya. Inihanda na nila ang kanilang mga sarili sa pagdating ng araw na ito.

Pero kahit ano yatang klase ng paghahanda ang gawin ng isang tao, hindi mo pa rin maiwasang manghina kapag dumating na ang oras.

Malapit sa isa’t-isa si Erpat at si Tito Chito, maging sa iba nyang mga kapatid. Kaya nang mabalitaan ni Erpat ang pagpanaw ng kanyang kapatid kaninang tanghali, hindi nya napigilan ang pagluha. Habang ako, hindi ko alam kung paanong pagpapakalma ang gagawin ko sa Erpat ko.

Pigil ang emosyon.

Lugaw ang utak.

Kailangan kong alalayan si Erpat.

Nabawasan na naman ng isa ang mga kapatid ni Erpat. Nabawasan na naman ang boses na maririnig namin sa mga kwentuhan. Nabawasan na naman ang tawa sa mga inuman.

Pumanaw man ang isa sa amin, hinding-hindi namin sya makakalimutan.

Lagi naming aalalahanin ang mga masasayang alaala nyang iniwan.

Paalam Tito Chito.

Magkikita pa tayo sa dulo.

Fiesta sa Bulacan nung isang taon. Si Tito Chito ‘yung nakapula sa dulong kaliwa katabi si Erpat.

Si Tito Chito ilang araw matapos syang iuwi mula sa ospital.

“Umalis ka agad ng hindi nagpapaalam,

pagnawala tsaka lang mamimiss.”

Advertisements

7 thoughts on “Irony of Life: Alaala ni Tito

  1. jennica

    sobrang bait tlga nya npaka plabiro pa.. talagang mammiss ko ung mga araw na lagi nya qung binibro twing ppunta q sa knila 😦 isa xa sa nakilala qung tao na npaka msyahin.. at tlagang minahal ng mga kybigan nea dhil iba xang mkisama

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s