Good Morning Isn’t

Dahil maaga akong nagising, naisip kong buksan ulit ang mga dating sulat na pinadala sa e-mail ko. Alam kong marami na akong utang na dapat bayaran kaya siguro dapat simulan ko na ngayon.

Dear kuyamao,

Itago nyo na lang po ako sa pangalang Kathleen. Gusto ko lang po sanang humingi ng tulong tungkol sa boyfriend ko. Kasi po nung nanliligaw pa lang sya, lagi syang may oras sa akin. Hatid-sundo nya pa ako sa school. Pero nung sinagot ko na po sya, unti-utni po syang nawalan ng oras sa akin. Mas madalas pa po syang magbabad sa mga computer shops at maglaro ng DOTA kasama mga kaibigan nya kesa bahay namin.

Ano po sa tingin nyo ang dapat kong gawin? Sana po ay matulungan nyo ako. Marami pong salamat.

Kathleen

Maraming salamat sa’yo Kathleen at pasensya ka na kung ngayon ko lang masasagot ang tanong mo.

Una sa lahat, hindi talaga ako naniniwala sa ligaw kasi parang plastikan lang ang nangyayari. Nagpapakitang gilas si lalaki para magustuhan sya ni babae pero pag nagkasagutan na, lumalabas na ang mga tunay na ugali. Sana eh nakuha mo ang aking punto.

Tungkol naman sa tanong mo  kung ano ang dapat mong gawin, hindi ko din alam. Hindi ko alam dahil kung anuman ang sabihin ko eh maaring magkaroon ng malaking epekto. Ganito na lang, ipapaliwanag ko na lang sa’yo kung bakit ganun ang boyfriend mo ng sa ganun eh maintindihan mo sya at makapagpasya ka ng ayon sa pagkakaintindi mo.

Isa sa mga nagiging problema ng isang relasyon eh ang pagkawala ng oras ng mag-jowa sa isa’t-isa. Halimbawa sa kaso mo, mas nagbababad ang jowa mo sa computer shop para maglaro ng DOTA. Sa tingin ko eh mas maganda ‘yon kesa ang laruin nya eh si DORA. Joke lang.

Kung pagbabasehan natin ang human evolution theory ni pinsang Charles Darwin, makikita natin na ang mga lalaki noong unang panahon eh laging sangkot sa basag ulo dahil bilang lalaki, responsibilidad nilang mangaso para sa kanilang pamilya at ipagtanggol ang kanilang komunidad laban sa mga nais manakop.

Ayon sa isang pag-aaral, ang utak daw ng lalaki ay naka-program para sa mga ganitong klase ng responsibilidad at kahit ngayon sa modernong panahon eh naka-program pa rin ito. Pero dahil hindi na ngayon uso ang pangangaso bilang necessity, naka-isip ang ibang walang magawa ng laro gaya ng DOTA para mahasa ang kanilang mga utak sa mga strategies.

Kaya naimbento ang mga larong gaya ng boxing, karate, taekwondo, arnis at kung anu-ano pa ay dahil ang mga lalaki ay natural warriors.

Sana ay naintindihan mo ang aking paliwanag at sana eh makapagdesisyon ka ng ayos. Subukan mo syang unawain gaya ng pagunawa ng lalaki sa mga babaeng masyadong emosyonal na ipapaliwanag ko sa susunod kung bakit sila naging emosyonal.

Hanggad ko ang inyong kaligayahan.

Maraming salamat at hanggang sa muli.

Paalam!

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo!

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

P.S.

Pede na rin magpadala ng sulat sa pamamagitan ng Twitter. Paki-follow si kuyamao sa kanyang twitter account http://twitter.com/#!/kuyamao. ‘Wag lang kalimutan lagyan ng #dearkuyamao para hindi magkalituhan. Ano pang hinihintay mo? Tweet na! 🙂

Advertisements

2 thoughts on “Good Morning Isn’t

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s