E-Vat Ganun?!

Napanaginipan ko nung isang gabi na adviser daw ako ng Pangulo pero hindi si Pareng Noy ‘yun.

Sabi nung Pangulo na bago daw ako ma-regular sa kanyang administrasyon, kailangan ko daw umisip ng paraan para mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin partikular ang mga petrolyo.

Gusto ko sanang sabihin na ipadukot na lang namin ang umaabuso sa mga presyo ng pangunahing bilihin. Ipa-salvage o kaya ipakulam. Pero parang napakawalang kwenta naman ng sagot ko kung ‘yun ang sinabi ko.

Naisip ko rin daw na isagot na milagro lang ang makakapagpababa sa presyo ng mga bilihin.

Pero ang kinatapusan sinabi ko na lang daw na tanggalin na lang kasi ang buwis.

Sa pagkakataong iyon, nagising na ako.

Siguro dahil natakot ako kung anuman ang magiging sagot ng Pangulo — o dahil sa bangungot lang maaring tanggalin ang buwis.

Matagal na din akong hindi mapakali sa isyu ng E-Vat na ‘yan. Siguro dahil isa ako sa mga direktang naaapektuhan sa tuwing magtataas ang presyo ng mga bilihin partikular na ang petrolyo, kailangan ko nang magreklamo.

May isang arikulo akong nabasa na nagpapaliwanag tugkol sa presyo ng petrolyo, pero hindi ko pa rin naintindihan ‘yung paliwanag. Nasabi ko na bang sa isang malaking kumpanya ng petrolyo nanggaling ang artikulong ‘yan? Ang naintindihan ko lang sa artikulong iyan eh kaya lang daw mataas ang presyo ng produkto nila eh bilang suporta daw sa programa ng gobyerno na naglalayong magtipid ng enerhiya. Sabagay, kung mababa nga naman masyado ang presyo ng kanilang produkto eh madami ang bibili ng sasakyan at marami ang bibili ng mga produktong petrolyo na ibig sabihin eh madami ang magbubuga ng masamang usok na makakasira sa ating ozone layer at madami din ang magmimina ng langis na maaring ikasira ng ating kalikasan.

Pero pwede naman siguro nilang bawasan ng konti ang presyo ngayon.

Kung titingnan natin ng mas malalim, madaming saklaw at malaki ang epekto ng E-VAT sa buhay ng mga Pinoy. Sabi nga, ito ay may domino effect.

Balikan natin ng kaunti ang nakaraan.

Noong 2005, pinirmahan ni Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo ang panukala para magkaroon ng E-VAT — hindi ko lang alam kung kasabay ito nang pagpirma nya sa fertilizer funds at mga ghost projects sa Mindanao, at naging isang ganap na batas at ipinatupad din nung nasabing taon.

Hindi ko alam kung tunay ang narinig kong tsismi pero ang tunay na dahilan daw kung bakit nagkaroon ng E-VAT eh para mabayaran din ang buwis na dapat ibinabayad ng mga kapos-palad nating mga kababayan.

Hindi ko alam kung hanggang ngayon eh ‘yan pa rin ang dahilan.

Pero kung titingnan natin, hindi na kailangan ng E-VAT para lang makalikom ng mas malaking pondo ang gobyerno para sa mga proyekto nito. Kung hihimayin natin isa-isa, marami naman talagang kinukuhanan ng pondo ang gobyerno para sa mga proyekto nito.

Kapag bumili ka ng pagkain — may tax.

Kapag bumili ka ng damit — may tax.

Kapag nanood ka ng sine — may tax.

May tax ang tubig, kuryente at mga sebisyo. Pati ang sweldo mo may tax din. Pati ang lupa mong binili o bahay mong tinitirhan, nagbabayad ka pa rin ng tax. Kulang na lang eh lagyan din ng tax ang paghinga.

Sa dami na ng kinukuhanan ng buwis, pwede na sigurong ‘wag ng isali sa paniningil ng E-VAT ang mga produktong petrolyo at tollway, dahil kahit ‘yan lang dalawa ang singilan ng buwis, siguradong lahat na eh magtataas ng presyo.

Kung ang itinuturo ng mga kumpanya ng langis eh dahil sa E-VAT, ‘wag na silang singilan ng buwis. Kung dahil lang sa paniningil ng gobyerno ng E-VAT sa mga tollways kaya sila magtataas ng singil sa Oktubre, eh ‘wag na silang singilan ng E-VAT.

Sabi nga ni PNoy nung bawasan ang pondo ng edukasyon, mas mababawasan daw ang kurapsyon kapag maliit ang pondo. Eh ganun naman pala ang dahilan nya eh. Eh di tanggalin na lang din ang E-VAT sa mga produktong petrolyo at tollway para medyo bumaba ng konti ang pondo ng gobyerno, para konti lang ang makukurakot.

Sinabi nya din na wala daw sa pondo ang kalidad ng serbisyo ng isang departamento. Ganun naman pala eh, eh di gandahan nyo na lang ang kalidad ng inyong serbisyo tapos tanggalin ang E-VAT sa produktong petrolyo at tollway.

Kung sabagay, hindi nila nararamdaman ang bigat na dulot ng E-VAT dahil ang perang ipinanggagasulina sa mga sasakyan nila eh galing sa kaban ng bayan. Pati na rin ang pang-tollgate nila (kung nagbabayad sila ng toll). Pati na rin pagkain nila eh galing din sa kabang bayan.

Bilang kawani ng lokal na gobyerno, hindi ako nagrereklamo sa maliit kong sweldo, pero alam ko sa sarili ko na nagagawa ko ng tama ang trabaho ko. Kung ganun lang din siguro kasinsero ang Pangulo sa kanyang sinumpaang tungkulin sa bayan, hindi nya hahayaang maghirap ang marami nyang mga kababayan dahil lang sa E-VAT na ‘yan.

Advertisements

7 thoughts on “E-Vat Ganun?!

  1. duking

    kung may option lang talaga na hindi magbayad ng tax! isa raw kasi ito sa mga bagay na inevitable sa buhay. tama ba yung ginamit kong term?hahaha!

    doble kasi ang sakit kapag nakita mo sa ITR mo yung binayaran mong tax buong taon tapos, everyfuckin’ time, lagi kang nalalagay sa sitwasyon na parang kulangot ka kung ituring ng mga taong pinapasweldo nito mula sa bwakanang-inang politiko hanggang sa kotong cops na gagatasan ka sa kalsada dahil sa kagaguhan nilang tumanggap ng katwiran sa batas na pilit nilang pinapatupad kahit sila mismo ang numero unong law breaker!

    no to e-vat! kaso meron na talaga niyan. salamat sa mga kupal na nagsulong nito kagaya ni ralph recto at mar roxas. hindi na sana ‘to kailangang pasanin ng sambayanan kung marunong lang gumastos ang pamahalaan. badtrip!

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s