Sa Ilalim ng Punong Mangga

Pinunit ng sunod-sunod na kahol ng mga aso ang katahimikan ng gabi habang naglalakad ako sa kahabaan ng daan na iyon.

Wala namang masyadong pinagbago ang lugar namin.

Wala na nga lang lumang bahay namin. Pinalitan na ng isang malaking paupahan.

Andun pa rin sa tapat ng dati naming bahay ang talyer nila Ka Tomas.

Andun pa rin ang malaking puno ng mangga na pinagsisigaan ni Helen sa umaga at hapon.

Ah, si Helen. Ilang taon na ba nung huli kaming magkita?

Mga anim na taon lang ata ako nung lumipat sa lugar namin ang pamilya ni Helen. Saktong sa may tapat pa ng bahay namin sila tumira. Ang dalawang kapatid kong batang babae ang unang nakipagkilala kay Helen.

Minsan ko lang makita si Helen dahil kailangan kong magtinda ng pandesal sa madaling araw, maglako ng dyaryo sa umaga, magtawag ng pasahero sa tanghali at magtinda ng yosi at kendi sa gabi. Pero hindi naging hadlang ‘yon para hindi ko sya makilala.

Nakauwi ako ng maaga isang gabi galing sa paglalako ng yosi at kendi. Gaya ng dati, mga kapatid ko lang ang inabutan ko sa loob ng bahay. Pinagsaluhan na lang naming apat ang dala kong pansit at pinagtira ng kaunti sila Inay. Naisipan kong magpahangin muna sa labas matapos kumain at nakita si Helen sa may upuan sa ilalim ng punong mangga na nakatingala sa langit.

“Anong tinitingnan mo dyan?” Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang sya sa akin.

Nilapitan ko syang upang makipagkilala.

“Ako nga pala si Abel.” Sabay abot ng kamay ko.

“Ah. Ikaw pala ‘yung kapatid nila Aira at Nica. Ako si Helen.” Nakipagkamay naman sya sa akin.

“Ano bang tinitingnan mo?” Tanong ko ulit sa kanya.

“Wala. Mga bituin lang. Natutuwa lang kasi akong pagmasdan ang mga bituin. Ang payapa kasi nilang tingnan. Naiisip ko nga minsan, sana naging bituin na lang ako para walang problema. Tsaka ang gaganda nila.” Mahaba nyang paliwanag.

Tama si Helen, sana naging bituin na lang din ako para hindi ko na naririnig ang madalas na away nila Itay. Para tahimik ang buhay ko at walang problema.

“Kasing ganda mo naman ang mga bituin eh…” Habol kong hirit sabay ngiti.

Ilang beses pang naulit ang mga ganun naming usapan.

Unti-unti ko syang nakilala at unti-unti ko ding binuksan ang buhay ko sa kanya.

Sa edad na labing-dalwang taon, pakiramdam ko ay natutunan kong umibig ng totoo. Sabihin man ng iba na paghanga lang ang nararamdam ko para kay Helen, alam kong iba at tunay ang nararamdaman ko para kay Helen.

Nasaan na nga kaya ngayon si Helen? Kilala nya pa kaya ako? Magkikita pa kaya ulit kami?

Sana.

Sana.

Sana…

Advertisements

16 thoughts on “Sa Ilalim ng Punong Mangga

    1. kuya mao May-akda ng Post

      ahahahaha! sayang! hindi ko naisip ang puno ng kaimito? masyado na din kasing gasgas ang puno ng mangga eh… tingnan natin sa susunod na tagpo kung makakasingit ang puno ng kaimito… hehehehe…

      Sagutin
  1. duking

    me mga flash back pa. tila isang mahabang serye ito ni Abel at ang mga taong uminog sa buhay niya.

    Magkikita pa kaya sila? Ikaw ang writer kaya ikaw na ang bahala.

    Sir Mao, mukhang punong puno ka ng inspirasyon para magsulat ng magkakasunod na akdang gaya nito ah? Pansin ko lang naman…

    Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      hahahahaha! napansin mo din Boss Duks? hehehehe… hindi ko pa rin alam sa ngayon kung magkikita pa sila… sabi nga ni Abel, “Sana. Sana. Sana…”
      Hindi ko alam kung inspirado ako Tol Duks… Tinatamad pa lang siguro akong magbigay ng mahaba at walang kwentang opinyon sa mga bagay-bagay ngayon… hehehehehe….

      Sagutin
  2. Pong

    Si Helen pala Pakner! xD
    Nung makita ko ang pangalang Abel heto pala ang simula ng kwento nung previous post mo. Or simula nga ba? Abangan.

    Isa sa mga nagpapakilala ng kadakilaan at kaluwalhatian ng Diyos ay ang mga bitwin sa kalangitan.

    Be blessed, pakner!

    Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      hahahaha! nadale mo pakner! akshuali hindi ko alam kung simula nga ‘yan o ano… pero tama ka… abangan….hehehehe!
      be blessed din pakner! pasensya ka na kung hindi ako nakakapagreply sa’yo sa text..hehehehe…

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s