Dalawang Kalabit ng Gatilyo

“Bang!”

“Bang!”

Dalawang magkasunod na putok.

Dalawang katawan na bumulagta.

“Wala kang kwentang lalaki ka! Lumayas ka dito!” maaga pa lang ay umaalingawngaw na ang boses ni Aling Nelia sa looban ng eskinitang iyon. Maingay ang looban pero maririnig pa rin ang hiyaw ni Aling Nelia.

“Talagang lalayas ako! Wala namang kwentang ang pamamahay na ito! Puro na lang bunganga mo ang naririnig ko!” ganting hiyaw ni Mang Bong.

Halos araw-araw, ganito ang eksena sa bahay ng mag-asawa.

Away ng mag-asawa ang gumigising sa mga anak sa umaga at hiyawan naman nila ang naghehele sa mga anak sa gabi.

At ang gabing ito ay walang ipinagkaiba sa mga nagdaang gabi na nag-aaway ang mag-asawa.

Katulad ng mga nagdaang gabi, lango na naman sa alak si Mang Bong.

At katulad din ng mga nagdaang gabi, talo na naman si Aling Nelia sa sugal.

Ang apat nilang anak na paslit ay nagsisiksikan sa sulok habang umiiyak at tumutulo ang sipon. Umiiwas sila sa mata ng mga magulang upang hindi madamay sa gulo.

Karaniwan man ito sa kanilang bahay, hindi pa rin maalis ang takot nila tuwing nag-aaway ang kanilang mga magulang.

Niyakap ni Abel ang kanyang mga kapatid upang patahanin.

“Walanghiya kang lalaki ka! Wala ka ng inatupag kundi maglasing!” bulyaw ni Aling Nelia sa asawa nya.

“Wala ka ding kwenta! Wala ka ng ginawa kundi magsugal!” ganti ni Mang Bong.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng lalaki.

Lalong nag-iyakan ang kanilang mga anak. Habang si Abel ay bumitiw ang pagkakayakap sa kanyang mga kapitid.

Nangingilid na ang kanyang luha. Nagtiim ang kanyang bagang.

Nagpalipat-lipat ang tingin sa kanyang mga magulang.

Hindi nya alam kung aawatin nya ang mga ito. Hindi nya alam kung kanino kakampi.

Nagdilim ang mukha ni Mang Bong dahil sa sampal na iyon ng kanyang asawa.

“Hayup kang babae ka! Papatayin kita!” Sigaw ni Mang Bong.

Nagsipag silip ang mga usisero at mga tsimosa sa bahay ng mag-asawa.

Ang iba ay idinikit pa ang tainga sa dingding at sa pintong nakapinid ng bahay na iyon.

Nagulat ang lahat sa magkasunod na putok na kanilang narinig.

Lalong lumakas ang iyak ng mga anak ng mag-asawa.

“Bang!”

“Bang!”

Dalawang magkasunod na putok.

Dalawang katawan na bumulagta.

Hindi kalayuan sa bangkay ng mag-asawa isang lalaki ang nakatayo.

Umuusok pa ang baril na hawak dahil sa nasunog na pulbura.

‘Pareho kayong walang kwentang. Wala na kayong ginawa kundi magbangayan.” Bulong ni Abel sa sarili.

Advertisements

22 thoughts on “Dalawang Kalabit ng Gatilyo

  1. Pong

    Pareho kami ng obserbasyon ni Jerick hahaha, malamang sa kanya ang baril, xD
    Dito si Abel ang mamamatay tao, tunay nga namang nakakrindi pakner ang awayan sa pamilya, isnag solusyon diyan ay pag-ibig.

    Sagutin
  2. duking

    marami pa sanang maaaring magawa si abel sa sitwasyon pero dahil ito’y isang kwento lang mula sa malikhaing panulat mo, sir mao. ang masasabi ko lang, maganda ang pagkakalahad kung paanong umabot si abel sa gayong punto ng kanyang kasukdulan sa inis sa mga magulang.

    Sagutin
  3. Traveliztera

    Wala akong masabi. Ang galing ng pagkalathala … at hindi ko inasahang si Abel pala yun. Magaling ka kuya!

    Nakakalungkot nga lang na karaniwan nang nagaganap ang ganitong mga eksena sa Pilipinas… Sana mamulat na sila.

    Sagutin
  4. jay

    maaksyon…

    isang masmang halimbawa,tumatatak sa murang isipan ng mga bata
    ang ganyang mga eksena..

    kaya yan ang nangyari

    kaya wala din ibang dapat sisihin kundi ang mga magulang nya.

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s