Isang Pangarap…

“Hindi na ako nakapag-college kasi pinatigil na muna ako ng mga Inay at sinabing ‘yung sumunod muna sa akin ang magtutuloy. Mas matyaga kasi syang mag-aral kesa sa akin. Pero hindi na rin ako pinapasok.”

– Jun Jerald Ilarde

“Sabi ng tatay ko vocational na lang daw kuhanin ko at wag na daw akong mag-college. Mas mabilis daw akong makakahanap ng trabaho kung vocational na lang ang kukunin ko.”

– Mhelba Reaño

“Hindi na po ako pinag-aral ng college ng mga magulang ko kasi pede na naman daw po akong magkatrabaho kahit highschool lang natapos ko.”

– Rachell Mariples

“Hindi na ako nakapag-college kasi kailangan ko ng magtrabaho para makatulong sa mga magulang ko.”

-John Leoh Indenible

Hindi ko kilala ng personal ang mga taong nabanggit sa itaas pero nakita ko na sila at nakausap. Makakaibang tao pero pare-pareho ng istorya. At kalimitan ay kahirapan ang dahilan.

Sa isang buong araw, mahigit sampu ang nakakausap kong ganyan ang istorya. At bawat pagkukwento nila sa akin, lalo akong namo-motivate na pag-igihan ang trabaho ko dahil hindi bilang isang empleyado kundi para makatulong sa mga kababayan ko.

Hindi isang madaling trabaho ng iniatang sa akin. Pero kung iisipin mo ay isang madaling trabaho lang. At kung papakinggan eh parang simple nga lang: Bigyan ng trabaho ang mga walang trabaho.

Parang simple lang.

Pero hindi pala.

Nung pumasok ako sa departamento ng lokal na gobyernong iyon, inisip ko na simple lang ang trabaho ko.

May mga kumpanyang nakapila, lagyan ko ng tao.

Simple.

Pero habang lumalalim ang pagkakakilala ko sa trabahong ‘yon, nun ko lang din nakita ang mukha nya.

Hindi lahat ng kumpanya ay pare-pareho ng gusto.

At dun na nga lumabas ang totoo.

Masyadong madami ang supply kulang na kulang sa demand.

Sa ngayon, kulang ang kamay ko at paa para ipandangkal sa mga resumes na nasa lamesa ko at patuloy pa ang pagdami nito araw-araw.

Sa pagkakataong ito, gusto kong humingi ng tulong sa inyong lahat na walang sawang tumatambay dito para matupad ang isang pangarap.

Pangarap kong makatulong sa mga kababayan ko kahit sa isang pinakamaliit na paraan lang.

Pangarap kong magkaroon ng trabaho ang mga kababayan ko para malayo sila sa mga ilegal na gawain.

Pangarap kong matupad ang pangarap ng mga kababayan kong makaahon sa hirap sa pagkakaroon ng trabaho.

Sana matulungan nyo ako.

Gusto ko sanang mag-organisa ng Job Fair para sa mga kababayan ko na sponsor ng mga bloggers at syempre makikipagugnayan din tayo sa LGU dito sa amin.

Salamat sa inyong suporta at sana ay matupad ito.

Advertisements

3 thoughts on “Isang Pangarap…

  1. J. Kulisap

    Mao, tila dito yata ako papalya ng tulong. Una dahil hindi ganun kalawak ang impluwensiya ko subalit nais ko ding magdudura dito na baka lang naman.
    Mga options:
    Una, sa TESDA- makipag-ugnayan ka dito dahil sila kapag nagtraining ata sila din ang naghahanap ng work.
    Pangalawa- alamin mo ang mga ahensiya na nagsusupply ng mga tao sa kumpanya, karamihan kasi ngayon under agency na.
    Pangatlo- ang jobstreet.com, maaaring may magmatch sa mga kwalipikadong aplikante.
    Magtatanong-tanong pa rin ako.

    Sa PESO ka ba na-assign?

    Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      Salamat Boss! Una, May mga pa-training din kami at kasama namin ang TESDA dun. Ang problema ‘yung mga nakatapos ng training, ako pa din maghahanap ng trabaho. Hehehehe… Pangalawa, may mga agency akong contact. Ang problema mga babae ang kinukuha nila ngayon at kailangan nila ay at least 2 years in college. Pangatlo, magpepresent sa akin next week ang JobsDB.com dahil baka sa kanila kami makipag-partner. Ang problema sa ngayon ay kinakalampag na kami nung mga aplikante dahil akala nila ay karaniwang empleyado kami ng gobyerno na walang ginagawa. Ang nasa isip ko ay makapag-organize sana ang mga bloggers ng isang Job Fair at ang unang mabibiyayaan ay ang mga kababayan ko… hehehehe… Hindi po ako sa PESO. Sa Livelihood ako pero employment ang hawak ko. 🙂

      Sagutin
  2. Monik

    Sabi ni (insert family member) maganda daw ang ganitong kurso dahil malaki ang kita. May mga pagkakataon naman naghahanap tungo sa malaking pera. Tipong kahit di mo feel ang kros. . . ayan iniba ko yung topic. . . pero ang dami talagang siste ng ganyan dito sa pinas yang mga nabanggit nyo sir. . .

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s