Young Love, True Love… SOLID!

Ang susunod na kwento ay pawang kathang isip lamang na hango sa tunay na buhay ng isang kaibigan…

————————————————————————————————–

Nagliwanag ang buong kapaligiran ng bumukas ang malaking pintuan ng simbahan. Parang narinig kong nagkantahan ang mga anghel sa langit habang dahan-dahan syang naglalakad papasok ng simbahang iyon.

Ah. Hindi pa rin kumukupas ang kanyang ganda. Ang makinis at maputi nyang balat. Ang may kalaliman at bilugan nyang mata. Ang maburok nyang pisngi. Ang kanyang mapupulang labi. Ang mapuputi at pantay-pantay nyang ngipin. Mula noon hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago.

Hindi ko na halos maalala kung kailan ako nagsimulang umibig sa kanya.

Nasa highschool kami nung una ko syang makilala. Hindi ko sya kaklase pero katabi lang ng calssroom nila ang classroom namin — isang hagdan at mahabang corridor lang ang pagitan.

Dahil sa angkin nyang ganda, madami na agad ang humanga at nanligaw sa kanya. Pero ako, tahimik lang sa isang tabi na nangangarap na isang araw ay maging akin sya.

Masaya na akong nakikita sya. Masaya na akong nasisilayan ang kanyang mga ngiti. Masaya na akong may nakikitang mga lalaking lumuluha dahil basted sa kanya dahil kahit paano ay nababawasan ang mga karibal ko sa kanya.

Gusto ko mang mapalapit sa kanya, hindi ko alam kung paano. Isang lumang istilo ang naisip ko — kaibiganin ang mga kaibigan nya.

At hindi nga nagtagal ay naging magkaibigan din kami. Pero hindi ko pa rin kayang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

Idinadaan ko na lang sa palihim na pagpapadala ng bulaklak ang nadarama ko sa kanya. Halos tatlong taon ding ganun ang panliligaw ko sa kanya. Ang sabi nga nila, hanggang ligaw tingin lang daw ako. At noong nasa huling taon na kami ng hayskul, sa isang marahas na paraan nya nalaman ang nararamdaman ko sa kanya.

Hapon, oras ng uwian. Nagkayayaan ang barkada namin na kumain sa bahay ng payaso. At bago pa nga kami makapasok sa bahay ng payaso, isang lalaki ang nagtanong sa akin.

“Nililigawan mo ba ang girlfriend ko?”

Dahil kaming mga lalaki lang ang naiwan sa labas at medyo maangas ang dating na lalaki, inangasan ko na rin ang sagot ko.

“Oo. Bakit?”

At bago pa nga humaba ang usapan, nag-unahan nang nagliparan ang mga suntok at sipa.

Bigla kaming napalibutan ng mga tao habang pinapanood ang pagsasayaw namin sa gitna. Aabutin na sana kami ng gabi sa ganoong eksena kung hindi lamang may sumigaw.

“Hoy! Ano ‘yan?”

Kanya-kanyang pulasan ang mga tao. Habang kami naman ng mga kaibigan kong mga lalaki ay naglakad lamang palayo ng parang walang nangyari.

Nagkaroon din naman ako ng ilang tama dahil hindi naman ako kasing galling ni Lito Lapid sa pag-ilag. Dumeretso kami sa bahay ng isa naming napakabait at napakamatulunging kaibigan na sa unang tingin ay mukhang hindi magpapahuli ng buhay.

Naglabas sya ng yelo at ipinantapal sa ilan kong pasa.

Kinabukasan, nakita ko ulit ang lalaki. Handa ako sa pangalawa naming sagupaan pero hindi ko sya nakilala dahil para syang nanghiram ng mukha sa aso.

Hindi na naming pinagusapan ang nangyari at mga rebelasyon nung araw na ‘yon hanggang sa makatapos kami ng hayskul.

Wala na ang mga pasang nagpapaalala sa akin nang araw na ‘yon, pero nasa puso ko pa rin ang babaeng iyon.

Pagtungtong ng kolehiyo, sinubukan ko syang kalimutan. NAghanap ako ng ibang mapapagbalingan ng atensyon at pagmamahal. Ilan ang naging kasintahan ko — sa loob lamang ng anim na buwan. Hinahanap ko sa kanila ang mga katangiang nakita ko sa babaeng iyon pero bigo ako. Hindi nga naman lahat ng katangian na hinahanap mo sa isang babae ay makikita mo sa isang tao. Dahil sa pagmamahal, puso ang ipinanghahanap at hindi mata. Alam kong sya lang ang babaeng hinahanap at gustong balik-balikan ng puso ko.

Natapos kami ng kolehiyo at natapos na din ang lahat ng relasyon ko sa iba’t-ibang babae pero hindi pa rin natatapos ang puso ko sa paghahanap sa kanya.

At sa unang pagkakataon, matapos ang mahabang panahon, nakita ko ulit sya na parang unang pagkikita lang naming nung hayskul. Mabiro. Maingay. Magulo. Nagpapatibok pa rin sa puso ko.

Nalaman kong paalis na pala sya ng bansa.

Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Aalis lang sya ng bansa pero hindi sa puso ko.

Hindi ko mapigilang balikan ang aming mga nakaraan. Pero lahat ng iyon ay nakalipas na at tapos na.

At ngayon nga ay nandito na nga kami sa loob ng simbahan.

Hindi ko mapigilan ang mga emosyon na naguunahan sa aking puso.

Pagkasabik.

Pagkatuwa.

Pagkamangha.

Pag-ibig.

Nakatitig ako sa kanyang matamis na ngiti habang dahan-dahan syang naglalakad papalapit sa altar. AKo naman ay naghihintay sa kanya sa kabilang dulo.

Nakangiti rin ako ng matamis na hindi ko mawari.

At ngayon nga ay nakatayo sya sa aking harapan.

Ako naman ay tahimik lang na nakikiramdam.

Sabay inabot ang kanyang kamay ng lalaki sa aking tabihan.

Syet!

Bestman nga pala ako ng babaing matagal kong hinangaan at minahal.

Ito na ang simula ng kanyang bagong buhay.

Ito na rin ang simula ng pagtatapos ko sa aking pangangarap na makasama sya habang buhay.

Advertisements

14 thoughts on “Young Love, True Love… SOLID!

  1. duking

    kay haba haba man daw ng prusisyon, dapat maghigpit ng sinturon.

    tingin ko, ganyan yung pag-ibig.hindi lang naman yan sa perslab o sekon o terd. ebritaym, laging may naiiwan, kung wala na kayo, may natitirang mga ‘what if’. mga moment na binabalik balikan. mga moment na pinanghihinayangan.

    pero ganun talaga. all road leads to where we stand. kung ‘di ka pa rin masaya, lakad pa. lakad lang. tuloy ang buhay.

    Sagutin
  2. Pong

    Akala ko sila na magkakatuluyan. Palagay mo ba nagparaya lang siya sa kaibigan niya? Or should I say, nagparaya ka lang ba para sa kaibigan mo hahahaha.

    Pag-ibig, mahiwaga at makapangyarihan!

    Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      ahahahahaha! labistori ng barkada ko ‘yan pramis! barakada ko yung lalaki at yung babae… napagtripan ipost ang kwento nila nung magkikita ulet kami last month… 🙂

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s