Blognibersaya!

 

 

Isang linggo na ang nakakaraan nang una akong mag-post nung isang taon. Dahil sa daming extra time at walang ibang extra-curricular activties, nangahas akong pumasok sa isang hindi mundo na hindi ko kabisado.

Kung anu-ano lang ang nilagay ko, mula noon hanggang ngayon, kung anu-ano lang talaga ang nilalagay ko.

Dahil napupuno na ang utak ko ng basura, sinubukan kong ikalat sa mundong ito.

Sinubukan kong maglagay ng tatlong post kada araw — araw-araw.

Pero hindi ko pala kaya.

Tumawad ako ng dalawa kada araw. Nagka-ayos.

Nang medyo napupuno na ulit ang basura sa utak, banat ulit ng tatlo.

Hindi kinaya, balik sa dalawa.

Kulang-kulang tatlong buwan ding paulit-ulit ang ganung tugtog. Hanggang sa pagpasyahan kong tama na ang isa kada araw. Tutal wala namang ibang sumasali sa kwentuhan eh.

At dahil nga gustong kong magkaroon ng ibang kakwentuhan, sinubukan kong humanap ng ibang kakwentuhan sa pamamagitan ng dearkuyamao@gmail.com.

Makalipas ang isang linggo, may nagpumilit magsalita. Siguro eh naawa.

Ang isa ay naging dalawa, ang dalawa ang naging tatlo, ang tatlo ay naging pito, paano nangyari ‘to?

Hanggang ngayon ay may mangilan-ngilan pa ring gustong makipagkwentuhan sa pamamagitan ng e-mail add na ‘yan at gusto kong pagsamantalahan samantalahin ang pagkakataong ito kung hindi ko man mailabas ang ilang kwento nais marinig ng mga sumulat sa kadahilanang umunti na ang extra time ko. Pero syempre, pipilitin ko pa ring makipagkwentuhan sa inyo kahit hindi nyo gusto ang kwento.

Sa loob ng isang taon, marami na din akong naikwentong personal, politikal, mga opinyon at kung anu-ano pa.

May mga nagtatanong pa nga kung bakit ko daw ikwenento ang mga bagay na personal na maaring tawanan ng iba. Ang masasabi ko lang, kung anuman ang naikwento ko ditong personal at katawa-tawa o nakakahiyang malaman ng iba dahil maari nila akong pagtawanan, inunahan ko na sila. Naunahan ko na silang pagtawanan ang sarili ko.

Kaya nagagalit ang isang tao sa ibang taong pinagtatawanan sya ay dahil naunahan sya ng mga ito.

Mas masarap pagtawanan ang isang tao lalo na kung sarili mo ito.

May mga ilang pagkakataon din na nagbigay ako ng isang malayang opinyon tungkol sa mga isyu ng lipunan. Sinubukan kong mangaral pero opinyon ko lang ‘yon.

Sinubukan ko ring sumali sa ilang patimpalak kahit alam kong magiging mahigpit ang labanan.

At sa pagkakataong ito eh medyo mahigpitan ang laban. Kaya gusto kong pagsamantalahan samantalhin ulit ang pagkakataong ito para ipangalandakan ang isa kong alay sa mga kababayan nating OFWs: Balikbayan Box. Ang pabasa na ‘yan ang bilang suporta sa www.pinoyblogawards.com. Kung nagustuhan nyo, paki-like na lang din sa site na nabanggit at pakisabi na din sa ibang kakilala.

Tapos na ang commercial.

Ang pinakakapakipakinabang sigurong nagawa ko dito ay ang manawagan para sa Inang Kalikasan. ‘Yun na din siguro ang isa sa pinakamagandang nagawa ko sa buong buhay ko.

Isang taon na ang nakalipas.

Sana’y marami pang taon ang lumipas.

Salamat sa lahat ng nakilala ko sa mundo ito. Hindi ko na siguro kayang isa-isahin sa dami. Kilala nyo na kung sino kayo. Salamat sa mga gustong makipagkwentuhan sa pamamagitan ng dearkuyamao@gmail.com.

Salamat sa mga napilitang mag-like sa fanpage. Wala pa yatang anim ang nagkusang loob sa kanila.

Sa lahat ng mga dumadaan at nag-iiwan ng puna. Pasensya na kung hindi ako sumasagot dahil na-o-overwhelm ako sa mga pagresponde nyo. Hindi ko kasi inaasahan talaga ‘yan.

Salamat at nagtutunog  pulitiko ako na nanalo ng isang beauty contest title sa isang movie awards night, matagal kong pinag-aralang magpasalamat ng ganito.

Sana madagdagan pa ang mga tumatambay.

Salamat ulit!

Hanggang sa isang taon!

Advertisements

11 thoughts on “Blognibersaya!

    1. kuya mao May-akda ng Post

      nyahahahaha! hindi naman pakner… more on personal yung mga unang pakwento dyan sa email tas naging parang umbrellafriend (corny!). hehehe… buhay pa rin hanggang ngayon… hindi ko na lang pinopost yung iba… derecho reply na lang… busy kasi eh… hehehe…

      salamat pakner!
      isa ka sa unang tao na nagbigay ng komento sa mga post ko…
      Salamat! 🙂

      Sagutin
  1. duking

    sir mao, isang taos pusong pagbati ng maligayang unang taon ng anibersaryo. hindi madaling mag blog, yan ang panigurado. pero wala namang bayad kaya sige lang ng sige. masarap ding i-challenge ang creativity thru blogging.

    ingat sir mao! magandang araw!

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s