Nasa Diyos ang Awa, Nasa Tao ang Gawa (at ngawa!)

 

 

Napanood ko kanina sa balita ang tungkol sa pagsasangla ng ilang nating mga kababayan ng mga Pantawid Pamilya Pilipino atm cards.

Buwan-buwan, hinuhulugan ng gobyerno ang nasabing atm card ng P 500 bilang medical allowance ng mga beneficiaries nito. Bukod pa ang allowance nilang matatanggap kung meron ng mga eskwela sa kanilang pamilya.

Ayon sa balita, may isang beneficiary ng nasabing program ng gobyerno ang nagsangla ng nasabing atm card sa halagang P 400. Ibig sabihin, isang daan ang tubo.

Ang dahilan ng pagsasangla: kailangan ng pamilya ng pera para ipambili ng gamot.

Maganda ang intensyon, hindi nga lang pinag-isipan.

Ang silbi ng mga health centers ay para magbigay ng libreng konsulta at gamot sa mga kababayan nating nangangailangan na hindi kayang magpakonsulta sa mga mamahaling ospital.

Maaring hindi lahat ng barangay sa bansa ay mayroong health center. At maaring hindi lahat ng pamilyang nangangailangan ay mayroong Pantawid Pamilya atm card.

Ang punto dito ay ang pag-abuso ng ilan nating mga kababayan sa mga benepisyo nilang nakukuha.

Tulad ng isang kwento ng isang ale na lumapit sa isang kawani ng gobyerno. Humingi ng tulong pinansyal ang nasabing ale upang dalhin ang anak na may sugat sa ospital ng probinsya. Limang bayan ang dadaanan bago madala sa ospital ng probinsya ang nasabing pasyente. Sinabi ng kawani ng gobyerno na dalhin muna sa lokal na gobyernong pagamutan ang pasyente para mabigyan ng paunang lunas at sinabi na kung makakakuha ng ambulansya ay ipapahatid. Ngunit tumanggi ang nasabing ale at saka umamin na sa iba gagamitin ang perang hinihingi.

Hindi ko alam kung dapat bang kaawaan ang mga ganitong klase ng tao.

Kung kailangan nila ng gamot o kailangan nilang magpakonsulta, pumunta sa health center.

Ang problema sa mga kababayan nating nabibiyayaan ay umaabuso at kadalasan, sila pa ang unang nagrereklamo.

Maraming proyekto ang gobyerno para kapakanan ng mga mamamayan. Masyado lang tayong nabubulagan dahil mas napapansin natin ang mga kamalian.

Hindi dapat tayo puro reklamo.

Advertisements

2 thoughts on “Nasa Diyos ang Awa, Nasa Tao ang Gawa (at ngawa!)

  1. iya_khin

    tomoooh!!! reklamo ng reklamo pero dahil din sa kamangmangan at pag-aabuso nila kaya nagiging talamak ang mga katulad ng ganyan eksena. wala lang may masabi lang…di naman ako galit nyan…. ;p

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s