I love this job! (pa!)

Galing akong jobs fair kanina. Malapit lang dito sa amin. Kahit malakas ang ulan pumunta pa din ako.

Madaming tao sa venue.

Mga employers at job seekers.

Sa dami ng mga kumpanya na nangangailangan ng mga tao, nagtataka ako kung bakit may mga nagrereklamo na wala silang trabaho.

Pero madami namang dahilan ‘yun kung bakit.

Maalin man kung sa tamad silang mag-trabaho, tamad silang maghanap ng trabaho o masyado silang maarte sa pag-a-apply sa mga trabaho.

Nagtataka din ako kung may mga nagrereklamo na hindi naman daw sila binibigyan ng trabaho ng gobyerno.

Samantalang isang ahensya ng gobyerno ang may pakana ng nasabing job fair.

Isang mahabang litanya at usaping pang-trabaho sana ‘to kaya lang kailangan kong matulog ng maaga dahil may trabaho pa ako bukas.

Pero ang masasabi ko lang, masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa. Kahit siguro naulan o nagbagyo. Kahit maliit ang sweldo. Solb na ako dahil alam kong madami akong natulungan kanina at alam kong madaming buhay ang mababago ko.

I LOVE THIS JOB…pa!

Advertisements

2 thoughts on “I love this job! (pa!)

    1. kuya mao May-akda ng Post

      hahahaha! magulo ba? sori naman…hehehe… nagbigay tulong sa mga kababayan nating kailangan ng hanap buhay… naks! pulitikong-pulitiko ang dating noh?! 🙂

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s