Update and Upgrade

Dear Blogsite,

Isang linggo na din pala mahigit nung nagkwento ako tungkol sa isang eksena sa klasrum na napagbintangan pa ako. Kung hindi mo na pansin — ako din — ngayon lang.

Dahil simula na ng weekend, ngayon lang din ako makakapag-update. Naging busy kasi ako ngayon sa bago kong tungkulin sa buhay — ang gumawa ng wala. Isa sa pinakamahirap gawin pero madami ang gumagawa.

Pero ang tunay kong ginagawa ay magsilbi sa mga kababayan ko. Tunog pulitiko ako pero totoo. Ang nakakatuwa nga lang dito eh isa na ako ngayon sa mga tatamaan ng madaming pahaging ng lipunan. Sa susunod ko na siguro i-e-elaborate ‘yan.

Masaya naman ako sa ginagawa ko ngayon.

Gigising ng mas maaga kesa sa nakagawian.

Obligadong maligo at magsepilyo na bihira kong gawin dati.

Pero ayos lang.

Masaya pa naman.

Baka sa mga susunod na araw ay hindi na.

‘Wag naman sana.

‘Yun na lang muna siguro ngayon ang update ko dahil may panonoorin pa ako.

TV series marathon muna ngayon dahil weekend.

Kung itatanong mo  naman kung anong nag-upgrade sa buhay ko ngayon?

Mas naging abala ako.

Paalam.

Nagpapaliwanag,

Ako.

P.S.

‘Wag mo sanang kalimutang basahin ‘yung dalwang huli kong kwento bukod dun sa binanggit ko kanina. Tsaka ‘yung alay ko sa mga kababayan nating OFWs.

Advertisements

5 thoughts on “Update and Upgrade

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s