Transformers 3: Dark of the Moon (Hindi ‘to movie review at hindi rin ‘to spoiler)

Ang ganda ng Transformers 3: Dark of the Moon. Kaya pala Dark of the Moon eh dahil may mga nagtatagong Decepticons sa madilim na parte ng buwan kung saan bumagsak din ang space ship ni Sentinel Prime.

Hot na hot din ang bagong jowa ni Sam na si Carly na ginampanan naman ni Rosie Huntington – Whiteley. Partida pa dahil walang acting experience si Rosie pero isang super hot model ng Victoria’s Secret — tsaka jowa nya lang si Jason Statham na kilala bilang The Transporter.

Maganda naman ang istorya ng pelikula. Mapapaisip ka kung ang naging misyon ng ba ng Apollo 11 ang paghahanap sa bumagsak na space ship at kung may kinalaman nga ba sa Chernobyl Nuclear Disaster sa Ukraine ang isang pyesa nung bumagsak na space ship.

Ang hindi ko lang maintindihan eh bakit parang may dugo na din ata ang mga Autobots at Decepticons? May mga eksena kasi dun na parang may tumatalsik na kulay pulang likido mula sa mga napapaslang na robot. Ayos lang sana kung itim o medyo brown. Pwede mo nang utuin ang sarili mo na kunwari eh langis ‘yun dahil tutal, robot naman sila.

Lupet nung trailer ni Optimus Prime. Nagiging lagayan ng mga armas nya at nagagamit nya din para lumipad. At hindi ko lang din alam kung bago ba ‘yung mga NASCAR na Autobots o hindi ko lang napansin dati ‘yon?

Sa ganda nung pelikula, mas na-appreciate ko pa sya kesa sa 2012. Dahil kung ang paglilipat ng Cybertron sa mundo natin ang magiging dahilan ng pagkagunaw nito, mas cool — dahil may mga robots. Hindi na lang nating sila makikita sa mga komiks at tv — in real life action pa.

Pero sabi nga, kahit gaano ka ganda ang isang pelikula eh talagang may masisilip ka pa.

Tulad halimbawa nung pagbabantay ng mga Decpticons sa mga columns/pillars nagagamit para sa pagte-teleport nung planeta sa atmosphere natin. Bakit kaya hindi tumitira ‘yung mga dambuhalang space ships na rumoronda sa air space ng Chicago? Bakit kailangan pa nilang maglabas ng mga space na parang eroplano lang sa kanila para tumira sa mga Autobots?

At bakit din kaya pinapatay nung mga Decepticons ang mga tao kung ang plano nila eh gawing mga alipin ang mga tao?

Pero dahil sa ganda ng pelikula eh pede ng palampasin ang mga ganitong butas.

Pede ng palampasin ang mga ganyan dahil ang gaganda ng mga auto ( kaya siguro sila tinawag na Autobots). May Ferrari, may convertible na Corvette, Hummer na H2 at yung mga kasali sa NASCAR na naka set-up — naka-set up ang mga baril.

At kung iniisip mo na karamihan sa eksena sa pelikula eh sa isang studio lang kununan, malamang alam mo ng mali ka dahil kalahati ng pelikula eh sa Chicago talaga kinuhanan. Makikita mo pa nga si Michael Jordan/Kevin Garnett at si Kobe Bryant sa pelikula. Bilisan mo lang ang mata mo dahil parang nahagip lang sila ng camera.

Dahil hindi naman ‘to movie review, maganda ang pelikula at istorya.

Panoorin mo na lang.

Basta ‘wag kang maniniwala na kakampi ng Autobots si Sentinel Prime dahil maglalaban sila ni Optimus Prime sa bandang huli at mamatay sya. Pati rin si Megatron eh mapapatay din ni Optimus Prime.

Nasabi ko bang hindi ‘to movie review at hindi ‘to spoiler ng pelikula?

Salamat nga pala kay Tsi sa pagiimbita at salamat din kay labopmaylayp.

Advertisements

10 thoughts on “Transformers 3: Dark of the Moon (Hindi ‘to movie review at hindi rin ‘to spoiler)

    1. kuya mao May-akda ng Post

      hahahahaha! sori naman… di ko mapigilang magkwento eh… hindi pa naman kumpleto yang kwento ko at mukang hindi accurate… nood ka na lang at siguradong sulit! enjoy! 🙂

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s