Gago Ba Sila?

Napanood ko nung isang araw sa TV ang balita tungkol sa pagkaka-abswelto ng anim suspects sa pagpatay kay Dr. Gerry Ortega sa Palawan noong January 24. Inabswelto ang dating gobernador ng Palawan na si Mario Joel T. Reyes, dating Marinduque Governor Jose Antonio N. Carrion, Coron, Palawan Mayor Mario T. Reyes, Atty Romeo Serratubias, Arturo Regalado, at Percival B. Lecias. Inabswelto sila dahil wala daw matibay na ebidensya na maguugnay sa kanila sa kaso ng pagpatay kay Doc Gerry.

Himayin natin kung wala ngang matibay na ebidensya laban sa anim na suspects.

Si Atty. Romeo Serratubias ang may-ari ng baril na ginamit. Sinabi nya namatagal na nyang naibenta ang nasabing baril pero bakit nakapangalan pa rin kanya? Kung ikaw ay isang matinong tao, kapag nagbenta ka ng baril, aayusin mo agad ang paglipat ng pangalan ng ibinenta mo dahil nga baka magamit sa krimen. At kung magkagayunman eh pede mong sabihin na malinis ang konsensya mo. Si Atty. Serratubias din ang dating Provincial Administrator ni Ex-Gov. Joel Reyes.

Si Arturo Regalado naman alias “Nonoy” ay isa sa konontrata ni Rodolfo “Bumar” Edrad Jr. para patayin si Doc Gerry. Hindi nya rin itinanggi ang kaugnayan nya sa nasabing krimen at minsan na din nyang pinangalanan si Joel Reyes bilang mastermind sa pagpatay.

Si Percival Lecias naman ay nagalit kay Nonoy dahil hindi pala alam nung huli na nakapangalan kay Atty. Serratubias ang baril na ginamit sa krimen. Umamin sya sa pagkakasangkot sa pagpatay pero itinanggi nya ang kanyang pag-amin makalipas ang isang buwan at sinabing pinilit lang umano sya ng NBI maging ng asawa ni Doc Gerry na si Ms. Patty Ortega. Isang lalaki napasunod ng babae? Ano sya asawa na ander de saya?

Si Rodolfo “Bumar” Edrad Jr. naman ay dating close-in security ni Ex-Marinduque Gov. Jose Carrion.

Si Ex-Palawan Gov. Joel Reyes ang laging tinitira ni Doc. Ortega sa kanyang programa sa radyo dahil sa mga anomalya sa pagmimina sa Palawan pati na rin ang pagwawaldas diumano nito sa pondo ng Malampaya.

Umamin na ang gunman. Itinuro na nya ang mga sangkot at mastermind. Kulang pa ba ang ebidensya?

Ang nakaka-gago pa dito eh si Arwin Arandia na umaming bumili ng bala para sa krimen pero hindi nagamit ang bala eh tuloy ang kaso?!

UTANG NA LOOB!

Bakit ba inaalpasan pa nila ang mga malalaking isda kahit nahuli na?

Bakit naman tunay silang nagtyatyaga sa mga maliliit na isda?

Hanggang kelan ba ang kawalang hustisya sa ating bansa?

Ilang mamamahayag pa ang kailangang ipatumba ng mga bwakanananginang mga gahamang mayaman para lang matauhan tayo?

Ang apoy na dati ng pinagliyab ni Doc. Ortega ay hindi mawawalan ng ningas. Ipagpatuloy natin ang ang pagsulong ng gatong para sa patuloy nitong pag-apoy.

Kung hindi man makamit ang lubos na katarungan para kay Doc. Gerry dahil sa pagkaka-abswelto sa ilang sangkot sa krimen, ‘wag naman sana nating hayaan na hindi rin makamit ng ating Inang Kalikasan ang katarungan para sa kanyang likas na yaman.

Magpalista at bomoto sa http://no2mininginpalawan.com/.

Sa huling silip ko ay meron nang 1,339,046 na boto.

Abot ka pa.

Hindi pa huli ang lahat.

Ang laban na ito ay para sa ating lahat.

Isang laban ng mga mamamayan para sa kalikasan.

Ulitin natin ang ilang People’s Power na ilang ulit ng may napatunay.

Samahan nyo akong ipagsigawan ito!

Magpalista at bomoto lang sa http://no2mininginpalawan.com/.

Laban natin ‘to!

Para sa Pilipino!

Advertisements

13 thoughts on “Gago Ba Sila?

  1. aninipot

    awww! nakakalungkot ang ganitong balita, minsan nakakawala ng pag-asa na may matinong hustisya pa ba dito sa pilipinas.

    pag mining na ang pinag-uusapan minsan hindi ko alam ang sasabihin ko, isa akong mangggubat na nagpopromote ng protection and conservation ng natural resources pero naiintindihan ko yong need bakit may mining.. mahirap i-explain sa isang simpleng komento lang. 🙂

    hati ang opinyon ko minsan, andun yong pag-intindi na kelangan ang mining industry sa pilipinas pero andun yong pag- ayaw ko sa proseso ng pagkasira ng kalikasan.

    kung kapwa pilipino lang din ang nakikinabang may isang kudlit na pwedeng tatango ako, pero pag banyaga lang din ang magpapakayaman. ibang usapan na yan.. sila ang hahakot ng yaman tapos iiwang sira ang lahat, pakamatay nalang sila!

    haays! mahabang usapin ito.

    Sagutin
  2. duking

    Kasama mo ako Mao sa inis na nararamdaman mo dahil sa nangyari. Sa simpleng silip ng nagmamasid na sambayanan, isa na naman itong tuwirang pagyurak sa ngalan ng hustisyang umiiral sa atin. Nawa’y may napakagandang dahilan ang korte na higit pa sa nakikita ng karaniwang tao. Sa gayon, mapanatili ang pagkakapantay pantay sa batas na nagiging mailap na lalo sa maliliit at mahihirap na mamamayan.

    Ingat Sir Mao. Baka pag initan ka ng mga yan.

    XD

    Sagutin
  3. maharuth

    totoo ka jan mao bakit kaya ung pnagtyatyagaan nilang hulihin ung mga maliliit na tao na tanging hangad lang ay maghanap-buhay samantalang ang iba dyan na makapangyarihan pero bulgar ang krimen di nila pnapansin?…

    hays,..bakit kaya nagtutulug tulugan ang ating batas….kung kaya ang iba ay sa kamay nalang nila nilalagay ang batas dahil sa kabagalan ng ating hustiya dto sa Pilipinas.

    Maraming salamat sa mga ganitong uri ng lathala…

    Sagutin
  4. Pong

    Di ko alam pakner bakit di patas ang hustisya sa atin. Parang yung Ampatuan Massacre, very obvious. Yung kay Palparan yung mga pagdukot sa mga kapanalig na aktibista (buti na lang naglabas na ng order ang SC na kailangang ilabas ang mga dinukot ng mga militar).
    Aminado tayo na may proseso na dapat sundin pero kailangan din nating aminin na kapag may impluwensya at mapera ay may kapit ka sa batas.
    Isa pang ineenjoy ng mga pulitiko sa atin ay kapag sila ay nasangkot sa scandal ay kapit pa rin sa pwesto at instant celebrity, unlike sa ibang bansa antimano ay titiwalag na sila sa pwesto.

    Saan na kaya ang delicadeza nila?

    Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      ‘Yun na pakner! nadale mo na. Pero ang iniisip ko lang dun sa kaso ng mga dinukot na aktibista eh pano pa sila ilalabas? Di ba 5 years na ata sila nawawala?
      Siguro isa ang blogging para mahanap natin ang katarungan at para na din siguro magising ang ibang nagtutulog tulugan…

      Sagutin
      1. Pong

        isa din sigurong magandang resolution dito para matigil na ang campaign period sa mga susunod na panahon ay sa barangay level pa lang di na nakakakuha ng permit ang mga yan. kasi ang hirap minsan pera pera ang labanan eh ang kinakalaban ang kalikasan, kaya kapag siya ang gumanti mabalasik, wasak lahat.

        in the mean time, isulong natin ang kampanya sa no to mining palawan,

        Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s