KM2: Daloy Dila

Nasa taas ng puno ng aratilis si Anna. Para syang manananggal sa katanghaliang tapat dahil sa mahaba’t salasalabid nyang buhok at marumi nyang damit.

Produkto si Anna ng kahirapan. May adhikain syang maitaas ang estado na kanilang pamumuhay kung kaya ng makatapos sya ng sekondarya, namasukan siya bilang isang mananahi sa isang pabrika. Maganda at matalino si Anna, kaya’t maraming naninibugho sa kanya. Isa na ang kanyang among babae.

Tuwing Biyernes ng hapon, sinasalubong si Anna ng kanyang dalawang batang kapatid sa kanilang tarangkahan. Ngunit ang Biyernes na iyon ay hindi katulad ng kanilang nakagawian. Dahil walang Anna na dumating sa kanilang bahay.

Hindi pinauwi si Anna nang gabing iyon ng kanyang amo. Dinala sya sa isang lihim na kwarto sa silong ng tahian. Pinapasok ang mga upahang lalaki na animo’y mga halimaw na hayok sa laman. At doon narinig ang alingawngaw ng isang impit na bulong. Mga daing at halinghiling. Ilang ulit nakarating sa kaluwalhatian ang mga lalaki. Ilang beses napapiyagak sa sakit si Anna.

Sa murang edad, nadungisan ang kanyang kainosentehan. Nanakaw ang matamis nyang pulot-pukyutan.

Isang linggo ang nakalipas, nakita na lang si Anna. Lugami sa may tabing daan, nangangalumata at nakatitig sa kawalan.

Idenemanda ng kanyang mga magulang ang maharlikang amo nito. Ngunit pinagdiinan nito na wala syang kasalanan. Isa syang taong simbahan na kung tutuusin ay isang banal.

Malilim at masakit ang peklat na naiwan kay Anna dahil sa pangyayari. Nawala sya sa kanyang sarili.

Naging pakalat-kalat sa langsangan at nakakaabot kung saan-saan. Hanggang sa mabalita na lang na Anna Dikya na ang tawag sa kanya ng mga taga kabilang nayon. Dahil mukhang dikya na daw ang kuyukot nito. Ilang beses na daw kasing napasok ng mga tambay sa kabilang nayon ang yungib ni Anna.

Isa si Anna sa biktima ng karahasan sa lipunan.

Nasa taas ng puno ng aratilis si Anna. Para syang manananggal sa katanghaliang tapat dahil sa mahaba’t salasalabid nyang buhok at marumi nyang damit.

Nang may biglang tumawag na “dikya”.

Nakahulagpos si Anna.

Nabagok ang ulo sa semento.

Tumagas ang sariwang dugo.

Nakatingin sa kalangitan.

Humugot ng isang mahabang hininga.

Tulala.

Advertisements

42 thoughts on “KM2: Daloy Dila

  1. J. Kulisap

    2. Kung bakit nag-iwan ng marka sa akin si Anna? Inilarawan mo si Anna bilang babae sa ating lipunan, marikit, maganda, payak at mahina. Ipinakita mo sa iyong akda ang kaitiman ng budhi sa ating mga puso, ang tuwirang pagkalason ng ating isip kapag namayani ang inggit at panibugho. Kung sa iyong akda, medyo lumihis ito sa hinahanap nating sanaysay, hindi pa rin natin masasabing hindi ito mag-iiwan ng palaisipan sa mga mambabasa. Gusto ko ang malinis mong paglalahad, balanse at hindi ekseheradong mga tagpo. Naiparating mo ang nais mo. Muli ako’y nagpapasalamat sa iyong pakikilahok sa KM2: Daloy Diwa.

    Sagutin
  2. lipadlaya

    aba nga naman.. batanggenyo ka pala… anu ga?

    suminsay ako dine at nagbasa ng iyong gawa.. pagkakainam….

    pang maalala mo kaya e…. siya sige,,, balik balik na laang ako dine…

    Sagutin
  3. jay

    nakakaawa ang sinapit ni anna.naglipana ang ganitong pangyayari,mga demonyong gawain.kailan kaya masusugpo ang mga taong halang ang bituka.harinawa…napakamakatotohan..galing nito sir!

    Sagutin
  4. I am ME!

    (Pumasok ba yung comment ko? Parang hindi yata.. LOL)

    Very graphic.. pero ang galing! Naiimagine ko yung pangyayari in the end. First time ko pong dumalaw dito sa blog nyo, Kuya Mao. Ang galing po! 🙂

    Sagutin
  5. duking

    graphic ang kwento. madarama talaga. at talagang humanga ako kung paano mo ginamit ang mga salitang pili mula sa pakulo. grabeng inggit. panira ng buhay. tsk!

    nice one sir mao!

    Sagutin
  6. Joyo

    …minsan hindi natin alam kung nasaan naglalagi ang hustisya, parang sa tuwing kailangan siya ng mga taong karapat dapat na matagpuan siya eh laging missing in action sya…
    haizzz…. magkano ba ang hustisya?!

    Sagutin
  7. Madz

    naiimagine ko ang huling eksena sa buhay ni Anna.. nakakaiyak sa totoo lang… hindi na nga niya nakamit ang katarungan tapos ganun pa ang kanyang sinapit…

    mahusay ang pagkakakwento, para lang akong naglalakad sa mga eksena. ako yung tsismosong walang ginawa 😦

    Sagutin
  8. joeyvelunta

    May kumikiliti sa aking kamalayan habang binabasa ko ito sir Kuya Mao. Hindi ko alam kung ito ay dulot ng madalas kong pagpasyal sa sinasabi kong pantasyadotcom.

    Kahindikhindik ang sinapit ni Anna. Payak na naghahanapbuhay subalit sinamantala. Hindi lamang ang kanyang murang kaisipan kundi pati ang mura nyang katawan.

    Hindi porke taong simbahan ay banal
    Hindi porke lumuluhod nagdadasal.

    Sagutin
  9. Pong

    Madalas na ina-associate ang kahirapan sa iba pang byproducts nito.
    May paniwala ako na sa tahanan magsisimula ang pagbabago at sentro ang Diyos.
    Posibleng hindi mangyayri iyon kay Anna kung natugunan ang pangangailangang pantahan. Higit sa lahat sa marami pang Anna na umaasang may pag-asa pa.

    Be blessed po!

    Sagutin
  10. bulakbolero

    ser kuya mao. kumbaga eto ang medyo light version ng akda ko. kung rated pg sa’yo ay r18 naman ang sa akin. ganun talaga ang realidad. madalas ay nananakaw sa atin ang mga bagay na dapat ay para sa atin lang at mahalaga sa atin. walang perpekto. minsan, napapabuntung hininga nalang tayo, napapaisip, tulala… pero tuloy pa din ang buhay, ang magpati-anod sa agos ay talo.

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s