Sa Una

 

 

“Unti-unting nagkaroon ng mukha ang mga dating letra na aking binabasa. Nagkaroon ng boses ang kanilang mga salita.”

Martes ng umaga, tinatamad pa akong maligo dahil may bagong akong nilalaro ng biglang may nag-text. Malapit na daw sya. Hindi ko pinansin dahil masyado akong abala sa paglalaro. At nagtext na naman. Andun na daw sya. Masama ang loob kong pumasok ng banyo para maligo hindi dahil dumating na sya kundi dahil naputol ang aking paglalaro.

Dahil ayaw kong maghintay sya ng medyo matagal, binilisan ko ang paliligo. Ang dating isang oras kong paliligo, 45 minutes na lang.

Dali-daling nagbihis matapos maligo. Labas ng bahay para ng jeep. Nagtext ulit sya. Magkasama na daw sila nung isa pa naming kasama. Hindi ko na sinagot dahil malapit na naman ako pero hindi ko inaasahan ang isang mahabang prosisyon ng mga sasakyan.

Nakakahiya.

Masyado silang naghihintay.

Bumaba ng jeep, sumakay ng tricycle. Bumaba sa bahay ng bubuyog.

Hindi ko alam kung i-te-text ko sya o tatawagan.

Hinanap na lang sila ng mga mata ko.

At nakita ko sila sa isang sulok ng bahay ng bubuyog. Parang nagde-date lang.

Wala ng intro. Lumapit ako sabay niyaya ko na silang umalis pero may hinihintay pa pala kami.

Sa unang pagkikita, parang matagal ng magkakakilala.

Dumating ang isa pang hinihintay at dumiretso na sa bahay.

Kain.

Inom.

Kanta.

Inom.

Tawa.

Kwento.

Asaran.

Badtrip.

Walkout.

Ngiti.

Tawa.

Ayos!

Hindi ko masabing kilala ko na sila ng lubos dahil ‘yun ang una naming pagkikita. Pero kung anuman sila sa mundo kung saan kaming unang nagkakila-kilala, ganun pa rin sila sa tunay na mundo.

Maloko. Makulit. Tao.

Mula nung magkita-kita kami hanggang sa magkahiwa-hiwalay, hindi naalis ang ngiti sa aking mga labi. Kahit nung may na-badtrip eh napapangiti pa rin ako.

Siguro dahil isa ako sa mga panatiko nila na natutuwa dahil nakita ko sila.

Sa mga nakasama ko ng may kulang-kulang pitong oras, maraming salamat sa inyo. Alam nyo na kung sino kayo.

 

 

*J.Kul, joke lang ‘yung sinabi ko na walang pumunta. Sa labinlimang nagkumpirma, dalwa lang ang nakapunta.

KuyaMao

 

 

 

 

Advertisements

24 thoughts on “Sa Una

        1. kuya mao May-akda ng Post

          Hahahahahahaha! Mukang lagi kang hinaharass ni Tsi ah?! O ganun lang katindi ang pagnanasa nya sa’yo?! Hahahahaha!
          Balita ko magpapakape si Tsi sa Friday eh… Pede ka ba? Sama ka! 😀

          Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      hahahahahahaha!
      si kimberly talaga?!?
      hahahahahahaha!
      salamat sir regil sa pagpunta… sa uulitin… 😀
      nakimberloo ka ni kimberly… hehehehehe….

      Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      wala kaming morcon eh… embutido lang… ‘yung menudo, hindi ko na tanda kung me naabutan pa ‘yung mga bisita ko… 😀

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s