Repost: A Blogs Life

Ano ang kasarapan ng pagba-blog? Bakit madami ang may blog? Siguro dahil isa ito sa magandang paraan ng pakikipagkwentuhan. Isang paraan para masabi mo ang nasa utak mo at mga opinyon mo sa mga bagay-bagay. O kaya dahil meron ka lang gusto i-share. Halimbawa ako. Madami akong opinion sa buhay-buhay at marami rin akong kwento pero dahil masyadong busy ang mga kakilala ko at kaibigan para makipagkwentuhan sa akin, dito ko muna sinusulat ang mga kwento ko sa buhay.

Sa pagiikot ko sa blog ng ibang tao, dun ko sila nakilala. Hindi lang dahil sa profile nila kundi dahil sa mga nakasulat sa post nila. Maaaring yung iba eh pareho kami ng pananaw kaya kami gumawa ng blog, yung iba naman eh hindiย koย alam ang dahilan nila. Kung meron kang unlimited internet connection at sawa ka na sa kapapanood ng mga scandal, katitingin ng profile ng crush mo sa facebook at friendster, pakikipagchismisan sa twitter at sa iba pang social network, kakalaro ng online games o kung gusto mo lang maglibang habang hinihintay ang mga dinadowload na file sa torrent, ito ang isang magandang paraan para malibang ka. Mag-search ka ng mga blog ng ibang tao tapos mag-post ka ng comment, doon na magsisimula ang kwentuhan nyo ng blogger at iba pang bumisita sa blog na iyon.

Minsan, sa blog ka rin makakakita ng mga parang book review or film review na hindi mo nakikita sa ibang social network site. Kung hindi mo nagustuhan ang review ng blogger, post ka ng comment, kung nagustuhan mo, post ka pa rin ng comment. Masarap at satisfying ang feeling pagnag-ba-blog ka. Kakaibang ang feeling. Sarap. May matututunan ka din sa mga post pero bahala ka na kung saan at paano mo gagamitin ang mga natutunan mo. Nakakatawa din ang ibang post ang iba nakakaantok ang iba eh bahala ka na pagnagbasa ka. Pero isa lang ang masasabi ko sa’yo, magbasa ka ng blog, leave a comment and make your own blog. (tatlo pala yun..)

Keep on Blogging!!!

*Naisipan kong i-repost ‘to para hindi ka mahirapang magbackread at dahil siguro wala akong maikwento nitong mga nakaraang araw. Asahan mo pa ang mga susunod na repost… ๐Ÿ™‚

Advertisements

9 thoughts on “Repost: A Blogs Life

  1. j.kulisap

    Blog nang blog hanggat may mapipiga. Kung hindi kaya, mamahinga. Hindi naman ito contest.

    Ang iba kumikita dito sa blogging. Talaga namang malaki ang kinikita nila.

    Nagbablog ako kasi, ito na pala ang libangan ko na may kapakinabangan ng malaki sa sarili ko. ๐Ÿ™‚

    Sagutin
      1. J. Kulisap

        Pinatawa mo ako ng mga 200 kbps ngayong araw.

        Celebrity. Kainaman.

        Isa akong hampas lupa Miks. ๐Ÿ™‚

        ‘Yon ang totoo.

        Pero masaya talaga akong nagbablog.

        Happy Fiesta. Alam mo na. ๐Ÿ™‚

        Sagutin
            1. kuya mao May-akda ng Post

              ay wala namang nagpunta… ikaw na laang ang inaasahan ko eh hindi pa dumating… hehehehe… pero hinihintay ko pa din imbitasyon mo… ๐Ÿ˜€

              Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s