Highway To Heaven (or Hell?)

Kamakailan lang, may isa na namang naging biktima ang tinaguriang “killer highway”. Pero kung tutuusin, hindi na naman bago ‘to para sa atin eh. Sabi nga ng isa kong pinsan, pangkaraniwan na daw ang aksidente sa kahabaan ng Commonwealth Ave.

Pero kung iisipin mo, sa lapad ng Commonwealth Ave., bakit andami pa ding aksidente sa lugar na ‘yun?

Siguro dahil nga sa lapad ng daan na ‘yun eh madalas pagpraktisan ng mga drayber na frustration ang pagiging Nascar driver. At kung sino ang unang maaksidente ang panalo.

Siguro dahil din sa mga pedestrian na ginagawang Luneta ang gitna ng Commonwealth. Dahil mahilig din makipaglaro ng patintero ang mga tumatawid sa mga sasakyan at kapag nataya ay magsusumbong kay Kamatayan.

Sa tingin ko hindi rin makatarungan minsan ang mga nakukulong na drayber dahil sa nakakasagasa sila. Siguro kung ang nabangga nila ay nasa sidewalk at nahagip nila, kasalanan talaga ng drayber ‘yun. Pero kung ‘yung mga jaywalkers naman ang nabangga nila, sa palagay ko eh hindi naman makatarungan na makasuhan sila.

Kahit san lansangan sa Maynila, mas maraming namamatay na jaywalkers.

Ang dahilan: Katigasan ng ulo at kawalan ng disiplina.

Hindi ko alam kung bakit mahilig ang mga Pinoy sa iligal.

Iligal na pagmimina.

Iligal na negosyo.

Iligal na pagtotroso.

Iligal na gamot.

Iligal na sugal.

Iligal na pagtawid.

Madami namang foot bridge o mga tamang tawiran pero mas gusto pa rin nila ang hanapin ang kanilang kapalaran sa pagtawid sa mga hindi dapat tawiran.

At kapag naaksidente naman eh abot-abot ang sisi sa mga nakakabangga.

Pero sino nga ba ang may kasalanan?

Ang huling naging biktima sa “killer highway” ay isang dating mamamahayag at propesor sa isang unibersidad.

Masasabi nating kasalanan talaga nung nakabanggang bus ang pagkamatay ng nasabing biktima.

Pero hindi ata patas na naging masyadong mainit ang balita dahil isang mamamahayag ang biktima.

Ilan na ba ang naaksdente at namatay din ang biktima at nakatakas din ang may sala pero hindi naman ganun gumawa ng masyadong ingay?

Dahil ba ang mga nabibiktim eh pangkaraniwang mamamayan?

Kung ang pamamahayag eh dapat talagang maging patas, bakit hindi nila gawan ng follow-up report ang iba pang nagiging ย biktima ng ganitong aksidente?

Minsan naiisip ko na naghahanap ng patas na pagtingin ang mga mamahayag mula sa gobyerno pero hindi naman nila ito magawa minsan sa mga karaniwang mamamayan.

At bakit nga kaya jaywalking at tawag sa jaywalking?

KuyaMao

Advertisements

12 thoughts on “Highway To Heaven (or Hell?)

  1. duking

    sa isang banda, hindi nga patas na tinitignan natin bigla yung pagkukulang at ‘butas’ dahil prominente ang naging biktima.

    disiplina, sistema, ugali. ang daming pagkukulang. at hahaba pa ang sasabihin ko pero wala rin naman akong magagawa. in the end, sarili lang natin ang pwede nating panghawakan at kontrolin.

    magandang araw, mao!

    Sagutin
  2. J. Kulisap

    Magaganda ang batas sa ating bansa. ‘Yon nga lang, kulang sa implementasyon.

    Mahilig talaga tayo sa iligal at shortcuts.

    Kapag nagagawi ako sa mataong lugar, kitang kita mo ang pagka-Pinoy na nadamitan lamang. Nagbihis lamang pero gawing bundok talaga ang karamihan. Nakatikim lang ng aircon pero di maipagkakaila na nakatira talaga tayo dati sa gubat.

    Pwede akong mali dahil hindi lahat ng nanggaling sa kabundukan ay ganire pero ito ang aking obserbasyon.

    Masyadong maingay ang pagkakasaga ka propesora. May patong pa daw sa ulo ‘yong tumakas na driver na nakabangga kay Simbulan.

    Kahit may harang na, pipilitin pa ring akyatin, may nakita pa ako sa balita, babaeng nakapalda, dahan-dahang umaakyat sa bakod.

    Tayo mismo ang gumagawa ng kapahamakan natin. Kapag naluray/nadurog at nawalan ng hininga, saka ngangawa ng katarungan.

    ๐Ÿ™‚

    Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      Siguro kung nauso lang ang mga tamang tawiran, malalapad na daan at mga nagkakarerang pampublikong sasakyan sa bundok, hindi na siguro tayo maninibago pagpababa sa kapatagan.
      ๐Ÿ˜€

      Sagutin
  3. ka bute

    i don’t know if you ride PUBs and kung napapadpad ka din sa commonwealth. try mo po minsan sumakay in any of these buses: nova, newman, or safeway. u’ll understand bakit naging killer highway yang commonwealth.

    p.s. enjoy the trip. ๐Ÿ˜‰

    Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      Galing porbinsya paluwas ng Maynila, lagi akong sumasakay ng PUB’s. Pero kapag nasa Maynila na, mas gusto kong sumakay ng taxi, jeep o MRT/LRT. bihira akong nasakay sa PUB’s sa Maynila dahil hindi ko trip ang amoy ng panis nilang air freshener. Ilang beses na akong nakadaan sa Commonwealth dahil taga-Novaliches ang pinsan ko. Malapad ang daan at maraming ligtas na tawiran.

      P.S.
      Salamat sa madalas na pagdalaw!
      ๐Ÿ˜€

      Sagutin
      1. Yanah

        ikaw! mukha ka ng kapitan! kainis to!
        tseeee

        aminado ko na minsan eh may katigasan din ang ulo ko sa pagtawid. at aaminin ko rin na may dalawang beses na rin akong nagbayad ng fine para sa jaywalking.

        nang pumutok ang balita tungkol sa aksidenteng yan, natanong ko din na kung saka-sakali na hindi kilalang tao ang namatay, magkakaron kaya ng ganyan kalaking isyu? masesensationalize kaya ng ganyan kabongga ang pangyayari? sa tingin ko hindi.

        tatanong ko ka kuya kim kung bakit jaywalking ang tawag sa jaywalking..

        mahilig din ako sa isang bagay na iligal..
        iligal na pag-ibig sa tao.. nakanaks.. kurni. awwwww!

        Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s