Hapyesta!

Inabot na naman ng isang linggo ‘yung huli kong post at pakiramdam ko eh kailangan kong magbayad ng pagkakautang.

Tulad nung isang linggo, may okasyon din ngayong araw na ito, at hindi ‘yun Father’s Day (sa parteng June pa ata ‘yun.)

Ngayong araw na ito kasi eh araw ng mga Pista.

Araw ng pista ngayon dahil madami ang bayan o lugar na may pista ng kanilang mga patron.

Akshuli, tuwing Mayo ang sinasabing Pista Month dahil nga sunod-sunod ang mga pistahan.

Alam mo bang lahat ng araw sa buwan ng Mayo ay may Pista? Akshuli ulet, lahat ng araw sa loob ng isang taon. Hindi mo nga lang nararamdaman dahil kadalasan eh mga sikat lang na santo ang mga patron dito sa atin. At karaniwan na dito sa atin na ang isang patron ay pinagsasaluhan ng may kulang-kulang sampung bayan sa buong Pilipinas na para lang textbooks sa mga public schools.

Henihaw, tutal nasimulan ko na ang pagbibida tungkol sa mga pista, lulubusin ko na.

Kunwari na lang eh hindi mo alam ang mga sasabihin ko para naman bumilib kayo kunwari nyang katabi mong nakikibasa.

Mayo 1

– Bukod sa pagiging pista opisyal ‘to ng mga rally at kilos-protesta, alam mo bang ito din ang umpisa ng Bawang Festival sa Ilocos? Mula May 1-3 ay nagkakaroon ng kompetisyon para sa pinakamalaking bawang, pinakamahabang bawang, pinakamagandang tali ng bawang at pinaka-amoy bawang sa Sinait, Ilocos Sur. Kaya “Off-Limits” din ang nasabing lugar sa mga aswang sa loob ng tatlong araw.

Mayo 3

– Carabao-Carozza Festival naman ang araw na ito sa bayan ng Pavia, sa Ilo-ilo. Karera ng karosa ang highlight  ng kapistahan na ito. Ang carozza o karosa ay mga pinatali-taling kawayan na parang balsa, na hinihila ng kalabaw. Ang tawag sa amin ang karosa ay paragos. Kung hindi ka pa nakakakita ng karosa at hindi mo alam ang balsa, hindi ka pa ganap na tao.

Mayo 4

– Pasalamat Festival naman ito sa La Carlota City, Negros Occidental. Ginagawa nila ang festival na ito bilang pasasalamat (malamang!) sa dyos ng agrikultura na nakatira sa loob ng Mt. Kanlaon. Kaya siguro may tinatawag na “anak ng bulkan” dahil meron palang nakatira sa loob ng bulkan. Kaya pag may tumawag sa’yo na “anak ng bulkan”, alam mo na siguro kung san hahanapin ang ninuno mo.

Mayo 11

-Annual Bear Brand Kite Fest. Kung nagtataka kung bakit nakasama ‘to, aba’y syempre naman! Wholesome kasi ang festival gaya ng ibang festivals at pampamilya talaga ‘to. Iba’t-iba na, sari-sari pang desenyo at laki ang makikita mong mga saranggola dito. May parang lobo, may parang paru-paro, may parang bear at may parang condom.

Mayo 11-15

– Dahil madami sila at halos pare-pareho lang ng konsepto ng pista eh pag-iisahin ko na lang. Ito ang Agawan sa Sariaya, Mayohan sa Tayabas at ang sikat sa buong mundo na Pahiyas sa Lucban. Lahat ‘yan ay sa lalawigan ng Quezon. Ang mga kapistahang ‘yan ay bilang papasalamat sa kanilang Mahal na Patron na si San Isidro Labrador na para sa isang masaganang ani. Kaya kung gusto mong makalibre ng kain at lutuin para sa mga susunod na araw, punta ka lang sa mga nasabing kapistahan dahil siguradong may makukuha kang ani mula sa kanila.

Mayo 14-15

– Pulilan Carabo Festival sa Pulilan, Bulacan. Hindi lang karera ng karosa ang meron sa pistang ito. Binibihisan at inaayusan din ang mga kalabaw sa nasabing festival ang pinaluluhod sa harap ng imahe ni San Isidro Labrado bilang pagpupugay at pagpapasalamat.

Mayo 15-22

– Manggahan Sa Guimaras Festival sa Lalawigan ng Guimaras. Kasabay nito ang pagdiriwang nila ng anibersaryo ng kanilang lalawigan. Kaya nagkaroon ngayon ng bagong Mango Flavor na Ice Cream ang isang kumpanya bilang pakikiisa sa mga taga-Guimaras.

Mayo 17-19

– Obando Fertility Rite sa Obando, Bulacan. Pinaniniwalaang kapag sumayaw ka daw sa kapistahang ito sa Obando ay magkakaroon ka ng anak (kahit ata baog). Sinasabing dito din daw madalas magsayaw si Mahal at si Jimboy bago pa syang maging si Jimgirl. Pati na rin si Madame Auring nung jowa nya pa si Alyas Archie. Ngayong taon atang ito eh makikisayaw din dito ang mga kontra sa RH Bill.

Mayo 22

– Lubi-Lubi Festival sa Gingoog City, Misamis Oriental. Isang kapistahang punong-puno ng sayawan sa daan gamit ang mga proudktong galing sa niyog bilang props. Ang kapistahan ding ito ang nagpapatunay na mali si Brod Pete ng Dating Doon (kung kilala mo pa sya) sa sinabi nyang labing tatlo daw ang buwan sa loob ng isang taon dahil sa “lubi-lubi”. Dahil ang lubi-lubi ay nasa loob ng buwan ng Mayo (naka-relate ka ba?).

Mayo 25

– Pahoy-Pahoy Festival sa Western Samar. Isang kapistahan na punong-puno din ng sayawan sa daan kung saan nakasuot naman ng pang scare crow ang mga kalahok. May guest appearance din sila Dorothy Gale, Tin Man at Cowardly Lion sa nabanggit na kapistahan bilang suporta sa kanilang kaibigan (‘wag mong sabihin na hindi mo kilala ang kaibigan nila?!).

Mayo 31

– Pista sa barangay na sinilangan ni Apolinario Mabini. At nagkataong kabarangay ko Lolo Apol, kaya iniimbitahan kita pumunta dito. Oo. Seryoso ako. Para naman magkadaupang palad tayo. Mag-iwan ka lang ng mensahe sa aking pesbuk, twitter o pornspring para naman mabigay ko sa’yo ang detalyadong pagpunta dito. Click mo lang ‘yang mga icon dyan sa tabi.

Sana eh makapunta ka sa alin man sa mga nabanggit kong kapistahan sa ating bansa ngayong buwan ng Mayo.

At magkita-kita na lang ulit tayo sa dulo.

KuyaMao


Advertisements

15 thoughts on “Hapyesta!

  1. Nortehanon

    “Kunwari na lang eh hindi mo alam ang mga sasabihin ko para naman bumilib kayo kunwari nyang katabi mong nakikibasa.”>>>> natawa ako dito at biglang napatingin ako baka nga may katabi akong hindi ko nakikita haha! sa totoo lang, marami pa akong hindi alam tungkol sa piyesta na naisulat mo dito. kaya salamat sa dagdag na impormasyon.

    Matagal na rin akong hindi nakakapa-miyesta. Na-miss ko nung nabasa ko itong post mo na ito.

    Sagutin
    1. kuya mao May-akda ng Post

      Buti wala kang nakitang mumo sa tabi mo. 😀

      Siguro ilan na lang sa ating bansa ang may tradisyonal na pagdiriwang ng pista. Hindi na siguro tulad ng dati na may mga sayawan pa at iba’t ibang pakulo tuwing bisperas.

      Sumusuporta nga pala ako sa panukal ni Jkul na magtayo ng Pens of Hope-Manila.
      😀

      Sagutin
  2. EssaPayoyo

    antagal ko nang hindi namiesta 😦

    may apat na taon na, kaka-miss 🙂

    masasarap ang sugpo sa mavabebe, pampanga. doon ang huling fiesta na pinuntahan ko. putangina, kaseng laki ng kamay ko yung sugpo, lahat ng pupuntahan mong bahay may ganun!

    sarapapapap! :))

    Sagutin
        1. kuya mao May-akda ng Post

          Pagka mga isang trak eh kalahating lang ang makakapasok. Maliit lang ang bahay namin para sa isang trak eh. Mag-jack en poy na lang kayo kung sino ang makakapasok sa bahay at makakakain. 😀

          Seryoso Boss Jkul ang imbitasyon ko. Sasabihan ko din sa Bb. Yanah at bahala na kayong magusap.
          😀

          Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s