Para Sa Araw Ng Mga Puso

Mommy ang tawag ko kay Ermat.

Mommy din ang tawag ko kay labopmaylayp maliban sa nickname nya.

Mi Joy ang tawag ko sa ermat ni labopmaylayp dahil nasanay na ako na ganun ang tawag ko.

Mader ang tawag ko sa isang dating katrabaho dahil para syang Ermat ko kung magpayo, mangaral at magsermon.

Mommy Iya naman ang tawag ko sa isa pang dati ring katrabaho dahil bukod sa pang-ermat na ang edad nya eh me maganda syang anak.

Inay ang tawag ko sa isang tita ni labopmaylayp dahil β€˜yun ang tawag nila.

Mama ang tawag ko sa ermat nung isa ko din dating katrabaho nung minsan kaming maginuman sa kanila.

Nanay ang tawag ko dun sa isang nagtitinda malapit sa pinagtatrabahuhan ko dati.

Mother naman ang tawag ko dun sa isang seksing me ari nung tapsihan na kinakainan namin.

Iba-iba ang tawag.

Sari-sari.

Pero isa lang ang ibig sabihin.

Isang beses man sa loob ng isang taon natin ipagdiwang ang kanilang araw, isang buong taon naman nilang ginagampanan ang kanilang papel sa buhay natin.

Kaya para kay labopmaylayp,

Para kay ermat,

Para sa biyenan ko,

Para sa lahat ng kaibigan ko, kakilala at nakasama na mga nanay na,

Para sa lahat ng mga muntik ng maging nanay ng mga muntik kong dapat maging anak,

At para sa lahat ng mga nanay sa buong mundo na hindi nagsasawa sa pagiging nanay ng kalahati ng buhay nila (hindi naman buong buhay nila eh nanay na sila dahil hindi naman sila pinanganak na nanay na agad),

Maligayang Araw ng mga Puso!

(puso ng isang Inang walang katumbas kung magmahal!)

Ngayon, kung nagtataka ka kung bakit dumadami ang mga bakla kahit hindi naman silang nabubuntis,

malamang may nanay sila!

KuyaMao


Advertisements

5 thoughts on “Para Sa Araw Ng Mga Puso

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s