Talentadong Pilipinas Got Talent… It’sssss Showtime!

Pagkatapos na pagkatapos ng Pilipinas Got Talent kanina, marami na agad nagpost sa kanilang mga twitter at pesbuk account ng kanilang saloobin tungkol sa nangyari.

Kanya-kanyang opinyon at reaksyon at ayoko ng makisali.

Kaya dito na lang ako maglalabas ng opinyon ko.

Magagaling talaga ang mga sumasali sa pakulong ito dahil aminin man natin o hindi, maraming Pinoy ang talentado talaga, lalo na pagdating sa kalokohan.

Sa katunayan, maraming mga Pinoy ang kilala sa iba’t-ibang bansa dahil sa kanilang mga talento.

Maraming banda, singers, dancers, bouncers, wrestler, boxer, billiard player na Pinoy ang kilalang kila sa buong mundo.

Isama na natin ang mga professionals gaya ng doktor, designer, make-up artists, enhinyero, marino, cartoonists at mangilanngilang “snatcher” sa gobyerno.

Hindi natin maipagkakaila na tunay namang talentado ang mga Pinoy at isa ito sa maari nating ipagmalaki, maliban sa pagiging “snatcher” sa kaban ng bayan.

Pero ang hindi ko lang maintindihan eh bakit pagiging kantatero lang ata laging lumalabas na talento ng mga Pinoy?

Ilan ba ang talent show sa telebisyon sa Pinas ngayon?

Sa mga talent shows sa Pinas, kung hindi dancer ang mga nananalo, singer. Para tuloy tayong may monopolyo ng mga magsasayaw at kantatero’t kantatera.

Pero alam naman nating hindi lang puro mga magsasayaw at kumakanta ang sumasali sa mga talent shows na mga ito.

May tumutugtog, nagmamadyik, impersonator, nag-eeksibisyon, may nagpapatawa at may pinagmumukang tanga ang sarili nya para magpatawa.

Dahil wala namang sumasali sa talent show na nagbiblyar, lumalangoy, nagboboksing o nagbabasketbol sa entablado, hindi na kasali ‘yun dito.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit wala pa atang tinanghal na “Grand Ultimate Talented” na tumutugtog, nagmamadyik, nag-eeksibisyon o nagpapatawa, samantalang kadalasan sa mga talent shows na ito eh may mga ganitong kontestant?

Magagaling naman ang mga kantatero’t kantatera o magsasayaw na nananalo sa mga talents shows na ‘to kaya lang, hindi rin naman natin maaring ipagkaila na may mas magagaling sa kanila na tumutugtog, nagmamadyik, nag-eeksibisyon o nagpapatawa.

Nung nakaraang season ng isang talent show na itago natin sa pangalang “Pilipinas Got Talent”, nanalo ang isang kalahok na itago natin sa pangalang “Jovit”. Magaling naman talagang kumanta si alyas Jovit. Pagminsan nga eh ginagaya ko ang istilo nya ng pagkanta dahil sa bukod sa kababayan ko sya eh magaling talaga syang kumanta. Pero hindi rin natin maitatanggi na magaling din ang isa pang kalahok na itago natin sa pangalang “Alakim”.

Madami ang bumilib sa pagmamadyik ni alyas Alakim at marami ang nag-akala na s’ya ang mananalo (bakit kaya andami pa ring tao sa Pilipinas?). At lahat ng nag-akalang ‘yon ay nabigo dahil hindi umubra ang madyik nya sa kantatero.

Sabi nga nung isa kong kaibigan, kaya daw hindi nanalo si alyas Alakim eh dahil mahirap nga naman daw magmadyik na lang ng magmadyik sa isang variety show na kung tawagin eh “ASAP”.

Hindi ko gustong pababain ang moral ng mga may talent sa pagkanta at pagsasayaw. Maswerte kayo dahil talent nyo nyan, ako nga wala.

Ang gusto ko lang bigyang pansin eh ‘yung tema ng mga talent shows na ito at ang mga pumipili kung sino ang dapat manalo.

Kung ang mananalo sa isang talent show eh mga kumakanta, dapat sana naging singing contest na lang ‘yun o dance contest para sa mga mananayaw.

Dapat siguro paltan na din ang title ng mga talent show na ito.

Mas maganda siguro kung: Dancing time, Singers Got Talent at Singing/dancer Pinoy. Sakto sa title ng programa nila ang mga kontestant na hinahanap nila. Para hindi na nahihirapan ang ibang kontestant na may ibang talent bukod sa pagsasayaw at pagkanta na maghanda para sa kanilang production number. Hindi biro ang pagpapraktis tumugtog lalo na kung wala ka sa tono. Hindi biro ang mag-isip ng bagong magic trick bukod sa paghugot ng kuneho mula sa isang sumbrero. Hindi birong umisip ng bagong nakakatawang punchline na hindi mo gagamitan ng “Knock-knock”.

Madaming humahanga kila David Blain o David Copperfield (kilala nyo pa ba sya?) dahil sa husay nilang magmadyik. Pero dito sa atin, mas talentado ang mga kumakanta na karamihan sa atin eh kayang gawin, pwera sa akin.

Ang pagkanta at pagsasayaw ay isang napakagandang talento at saludo ako sa may mga ganitong talento. Pero kung halos kalahati naman ng barangay nyo eh may talento ding sumayaw at kumanta kahit hindi lasing, eh baka naman mas kahanghanga at mas talentado ang mga taong kayang tumugtog ng walang instumento, kayang basahin ang nasa utak mo kahit wala ka nito, nag-eeksibisyon sa papamigatan ng pagkain ng bubog o nagpapatawa kahit sobrang korni at malakas lang talaga ng loob.

Sa tingin ko may iba pang magaling na talento ang Pinoy bukod sa pagkanta at pagsayaw. Wala lang sigurong talent ang mga hurado sa mga talent shows na ito sa pagpili ng magaling at bagong talent na pede rin nating ipagmalaki.

Sa tingin mo, may iba pa nga bang talent ang mga Pinoy bukod sa pagkanta at pagsayaw?

Ano ang hidden talent mo na sana eh ‘wag mo na lang ilabas?

KuyaMao


Advertisements

2 thoughts on “Talentadong Pilipinas Got Talent… It’sssss Showtime!

  1. J. Kulisap

    Tanginadis. Ito ang seryosong shit ko diyan Mao.

    Kapag pagsasayaw o pagkanta, marami na ang nakakarelate. Parang ginagawang mani na lamang ‘yan dito sa atin.

    Hindi talaga maikakaila ang galing ng Pinoy. Kahit saang larangan, matino o kawalangyaan. Pasok. 🙂

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s