Let’s Tweet tweet na!

Sa hindi ko malamang kadahilanan, naisip kong gumawa ng twitter account kagabi.

Hindi dahil gusto kong makiuso pero malamang dahil gusto kong makiuso. Basta hindi ko alam kung bakit ako gumawa. Pero wala na kong nagawa dahil nakagawa na ako.

Dahil may twitter na din naman ako, naisipan kong maghanap ng ipa-follow para magmuka akong uto. Pero sa kasamaang palad, hindi ko alam kung may twitter account din ang mga prends ko.

Dahil ayoko namang madamay sa “twit war” ng mga taartits, mga musikero na lang ang sunandan ko. Tulad ng Aprilboys, Renz Verano at si Jimboy dati na si Jimgirll na ngayon.

Nakakalibang naman kahit paano dahil nakakaaliw ang mga “twits” nila. Nalalaman ko pa kung san ang sunod nilang gig. Hindi naman ako manonood, trip ko lang alamin.

Pero may isa pa akong natuklasan na site.

Muka syang twitter pero hindi.

Para syang twitter pero hindi.

Dahil mukang malinis naman at hindi naman mukang nagpapadala ng spam mails, nagregister din ako.

Pero nung nakagawa na ako, hindi ko maintindihan kung para saan β€˜yon.

Parang social networking din na parang ewan.

Siguro sa mga susunod na araw eh maiintindihan ko na kung ano talaga ‘yon.

Nga pala, kung wala ka masyadong ginagawa at me twitter account ka, pa-follow ng twitter ko.

At kung gusto mong makita ‘yung sinasabi ko sa’yo, paki-pindot dito.

KuyaMao


Advertisements

6 thoughts on “Let’s Tweet tweet na!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s