Anting Ni Lolo: Ang Erpat Ni Ermat Part II

Kahit halu-halo ang ininom namin nung “hiluhan session” namin, hindi ako masyadong nahilo. Nasa kundisyon lang siguro ako noon at interesado ako sa kwento nung pinsan ko.

At matapos ngang sabihin ng pinsan ko na wala na daw ngayon ‘yung nasabing anting ni Lolo, hindi lang pala dun nagtatapos ang “galing” ng anting nyang ‘yon.

Ilan na pala ang natulungan ni Lolo gamit ang anting nya.

Naikwento pa ng pinsan ko na nung minsan daw syang mapadayo ng inuman, nalaman ng kanyang mga kainuman na apo sya ni Alyas Talahib.

Sabi nga ng pinsan ko, kung karamihan daw sa alam namin tungkol kay Lolo eh tungkol sa pagiging mapagmahal nya, mas maganda daw marinig ang mga kwento ng ibang tao tungkol sa kabutihang ginawa ni Lolo sa kanila.

Maging si Erpat, manugang ni Lolo, eh may sariling kwento din tungkol sa pagiging mabait ni Lolo sa ibang tao.

Ilan na ang lumapit kay Lolo na nagpapatulong tungkol sa kung sa anu-anong bagay at hindi sila napahiya.

Hindi pulitiko si Lolo at hindi rin sya milyonaryo. Isang simple at pangkaraniwang tao lang sya na may anting.

Ang anting nya pala ay anting ng karisma.

Karisma sa tao.

Kaya din siguro hindi nagiging lapitin ng pera ang sinumang may taglay ng nasabing anting.

Hindi ko malaman kung may sapi din ng hipnotismo ang nasabing anting.

Hindi man akong masyadong bilib kay Lolo dahil na rin siguro nagawa nya ang mga nagawa nya sa tulong ng kanyang anting, lalo namang lumaki ang respeto ko sa kanya dahil ginamit nya ang kanyang bertud para makatulong sa iba.

Gusto mo ba ng anting?

KuyaMao


Advertisements

10 thoughts on “Anting Ni Lolo: Ang Erpat Ni Ermat Part II

  1. duking

    sa gaya kong laki sa cavite, ang kwento ng anting-anting ay isang bagay na hindi ko maaaring pasinungalingan. totoo sila at lahat halos ay nag-ugat sa paganong ritwal at paniniwala. tanda ko nung high school, naging topic ito sa ginawa kong research.

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      ang alam ko nga eh madaming me anting dyan sa me parteng cavite… lalo na sa bayan ni Pepeng Agimat… sabi din nung isa kong kaibigan, napunta pa daw sa cavite ang tiyuhin nya para mag-orasyon…

      Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      ayos lang boss…
      ayos lang ako…
      ikaw sir? kamusta ka na?
      binisita ko ang lungga mo nung nakaraan pero sarado…
      nu na nangyari sa’yo?

      Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      ‘Yun lang ata ang hindi kayang ipamana sa amin ng lolo ko… 😀

      buti nga pala bumalik na ang kuta mo ate…
      nung huli kasi akong dumaan dun eh sarado…
      😀

      Sagutin
  2. YanaH

    ang gusto ko love potion.. ung gumaganang love potion ha! lol

    baka naman praktisado ung bahay alak mo kaya hindi ka nahilo sa hiluhan session nyo.

    Talahib? diba ung matataas na damo un sa mga nakatenggang lote ng lupa somewhere over the rainbow?

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      nasa kundisyon lang siguro…hehehehe…

      Yup! ‘yun nga ang talahib… at kung itatanong mo sa akin kung bakit ‘yun ang tawag sa lolo ko eh hindi ko na at masasagot ‘yan…
      😀

      Sagutin
      1. YanaH

        weh sino namna may sabi sayong itatanong ko un? ikawwwwwwww! pinangungunahan mo ko! hahahahaha

        ang gara lang! talahib ang tawag sa kanya lol may naiisip ako..pero wag na hahaha

        Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s