Goberment Warning: Smoking Can Cause Brain Damage ( E-Yosi Istori)

Ibinili ako ni labopmaylayp ng electronic cigarette o e-cigarette  o e-yosi nung isang araw.

Matagal ko na din gustong subukan ‘to para maiba naman.

Hindi ko na mantandaan kung kailan ako nagsimulang magyosi. Ang alam ko na lang eh madalas akong masermunan ni Ermat ‘pag amoy yosi ako o nahuhuli nya akong nagyoyosi. Lagi nyang sinasabi nya sa akin noon na ‘wag daw akong magbisyo dahil wala naman daw akong pambili ng bisyo ko, dahil estudyante pa lang ako noon. Hindi naman ako nasesermunan ni Erpat tungkol dun siguro dahil nagyoyosi din sya. Sinasabi nya lang sa akin dati na amoy yosi daw ako. Siguro para mapahiya na lang din ako sa sarili ko.

Pero dahil sa likas na katigasan ng ulo ko, nagtuloy-tuloy ako sa pagyoyosi at nung magkatrabaho ako eh ang sermon ni Ermat eh wala naman daw magagawang maganda ‘yun sa katawan ko (wala ka talagang lusot sa magulang). Ngayon eh pinababayaan na lang ako dahil wala na talaga silang magawa.

Ilang beses ko na din naman sinubukang tumigil magyosi. Ang pinakamatagal ko na eh tatlong buwan na hindi nagyoyosi. Pero bumalik lang ulit ako.

Ilang beses na din akong natanong kung ano daw ba ang nakukuha ko sa pagyoyosi? Lagi ko lang sagot eh ” Eh di sakit!”.

Pero ang totoo, mas nare-relax ako ‘pag nagyoyosi.

Mabilis natutunaw ang kinain ko ‘pag nagyoyosi at mas mabilis makapagdeposito sa trono habang nagyoyosi.

Eto naman eh ang mga epekto sa akin ng yosi o pagyoyosi bukod sa kakambal nitong sakit.

Sabi nga nila, isang stick daw ng yosi eh 5 minuto ang nawawala sa buhay mo.

Naiisip ko naman, paano ‘yung nagyoyosi ng “King Size”? Ilang minuto kaya ang katumbas noon?

Mabalik tayo sa e-cigarette.

At dahil nga binigyan ako ng e-cigarette, inalam ko kung mas mabuti nga ba ‘to kesa sa yosi.

Ang sagot…

Hindi rin.

Hindi rin maganda ang e-cigarette sa kalusugan ng tao tulad ng regular na yosi dahil may mga nakakamatay din ‘tong kemikals.

May nicotine din ‘to at Diethylene glycol na isang anti-freeze component. May tetramethylpyrazine din daw ‘to na maaring magdulot ng brain damage.

Pero syempre, lahat naman ng bagay eh me side-effect o may bad-effect. Kahit pa mismong pagkain na kinakain natin sa araw-araw.

Gusto kong tingnan ang mga bagay sa positibong maaring idulot nito.

Ang kagandahan sa e-cigarette:

Vapor lang talaga na galing sa cartridge ng e-cigarette ang “usok” na lumalabas sa bibig mo tuwing humihithit ka nito.

Walang second-hand smoke, ‘di gaya sa karaniwang yosi, na maaring malanghap ng nasa paligid mo dahil wala naman talaga itong usok.

Mas matipid ‘to dahil hindi mo na kailangan ng lighter o posporo na kelangan mong isama sa bugdet ng yosi mo.

Nababawasan ang kalat sa paligid dahil wala itong titis o upos o cigarette butt na basta mo na lang itatapon kung san-san matapos mong hithitin.

Sa madaling salita, kung ikukumpara mo ang e-yosi sa karaniwang yosi, mas ayos ang e-yosi.

Dati na akong nagyoyosi at alam kong masama sa kalusugan ‘yon.

Kung ang e-yosi eh masama din sa kalusugan tulad ng karaniwang yosi, mas pipiliin ko pa rin ang e-yosi dahil pareho ko lang namang ikamamatay ang paggamit ng alin man sa dalwa, mas hindi nga lang ako makakaperwisyo sa iba kung e-yosi ang gagamitin ko.

Hindi ko sinasabing magyosi ka ng e-yosi o subukan mo ang e-yosi lalo na kung hindi ka nagyoyosi.

Hangga’t kaya kong umiwas ay umiwas ka na.

At kung hindi ka naman nagyoyosi, ‘wag mo ng subukan dahil baka magaya ka lang sa akin.

E-yosi o Yosi:

Ikamamatay mo lang pareho!

KuyaMao

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s