Anting Ni Lolo: Ang Erpat Ni Ermat Part I

Ilang linggo na ang nakaraan, nagkayayaan kaming magpipinsan magpahilo ng konte. Kasama si Erpat at dalwa kong utol, nagkaroon kami ng konting “hiluhan session”.

Ayos ang pambara, kilawing baboy na sisig at adobong itlugan ng manok.

Panalo din ang panulak, Tanduay Ice, Fundador at Red Horse.

Kwentuhan at kamustahan nung simula hanggang sa mapapunta ang usapan sa isang “alamat” sa angkan.

Madami ang tawag sa kanya.

Si Talahib.

Si Dokards.

Si Ka Kardo.

Pero ang tanda ko lang na tawag namin sa kanya ay “Lolo Itim”.

Hindi ko alam kung paano nagpunta sa kanya ang kwentuhan. Basta ang alam ko na lang eh nagkukwento ang panganay kong pinsan at si erpat tungkol sa mga ginawa ni Lolo na hindi namin alam.

Isa sa naikwento ng pinsan ko eh ‘yung tungkol sa isang “hook-up” ni Lolo. Hindi na bago ‘to sa pandinig ko dahil alam kong likas na mapagmahal ‘tong si Lolo. Hindi ko lang sigurado kung pangilan ang ermat ni ermat sa mga minahal nya.

Kaya kapag me bagong kinukwento sa akin na jowa ang isa kong pinsan, “apo ni dokards” ang tawag ko sa kanya.

Pero kakaiba ang naging style ni lolo sa isa nyang “hook-up”. Dahil nagawa nya pang magpaalam sa asawa ng babae.

Tama ang nabasa mo, may sabit ang “hook-up” ni Lolo.

At nagawa nya ‘to dahil sa isang anting-anting.

Isang anting-anting na inaalagaan ng dasal lalo na kapag mahal na araw.

Sabi nga ng matatanda sa una dito sa amin, tuwing mahal na araw daw ay sinusubukan ang mga anting sa may ilog Hindi ko lang tanda kung anong araw. Alin man ‘yun sa Biyernes Santo, Sabado de Gloria o Easter Sunday.

Itong anting daw na ito ay ginamit din ni Lolo kay Lola.

Sabi nga ni Lola, hindi nya raw malaman kung ano ang nagustuhan nya kay Lolo. ang tanda nya lang daw eh pumitik ng yosi si Lolo sa harapan ni Lola and as they say, the rest is history.

Nung mamatay si Lolo, napabigay daw ang nasabing ating sa isa nyang pamangkin. Hindi nya ito ibinigay isa man sa kanyang mga anak o isa man sa aming mga apo nya.

Sya ang pumili kung sino ang gusto nyang magmana nito at ibinigay nya nga sa isa nyang pamangkin.

Pero sabi nga, ang mga ganitong anting ay may kapalit.

Magiging mailap sa’yo ang pera at ganito nga ang nangyari sa pamangkin ni Lolo na pinamanahan nya nito.

Ilang taon lang daw ang lumipas at namatay din ang nasabing anting dahil hindi naalagaan ng dasal at orasyon.

Hindi ko alam kung saan galing ang anting na ‘yon ni Lolo.

Siguro eh pamana lang din sa kanya.

Hindi ko alam kung may naghangad ng ganitong anting sa aking mga tiyuhin o sa mga pinsan ko.

Hindi ko hinangad ang magkaroon ng ganitong anting dahil alam kong hindi ko ito kailangan.

Alam  din ni ermat at ni Lola ang tungkol dito dahil sila ang unang nagkwento nito sa akin pero ang kwento nila ay nakabase lang sa kanilang pananaw kung anong klaseng anting ito.

Sa susunod kong kwento ay tungkol sa kabilang mukha ng anting na ito at kung may nagawa din ba itong kapakipakinabang.

KuyaMao


Advertisements

4 thoughts on “Anting Ni Lolo: Ang Erpat Ni Ermat Part I

  1. salbehe

    Hey mikki you’re so fine, you’re so fine you blow my mind, hey mikki!

    Bagong theme! Mas maganda itong theme mo ngayon, mas madaling magbasa.

    Malamang ginagawa ang orasyon tuwing Biyernes Santo kung saan sinasabing patay ang diyos na nagkakaroon ng bisa ang mga black magic ek ek.

    Sagutin
  2. YanaH

    yung lolo mo pala parang tatay ko lang din, uber mapagmahal.. minus the anting.. wala nun tatay ko eh..

    shushalin. “hiluhan” nga talgaang tawag sa ginawa nyo, mabuti at may naalala ka pa sa mga naging usapan nyo. hehehe

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      “hiluhan” nga ‘yun sa kasamaang palad eh hindi nila ako nahilo kaya tanda ko pa ang mga nangyari nung gabing ‘yun at ng mga sumunod pa… 😀
      lumabas pa nga kami nung isa kong pinsan nun kasi parang mejo bitin pa… 😀

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s