Bulag Sa Aral

Masama ang loob ko nung araw na ‘yun kaya basta na lang ako umalis ng bahay. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Alam kong may kasalanan ako pero naging maayos sana agad ang lahat kung nakipag-usap ka ng mahinahon.

Tuloy-tuloy lang ang lakad ko sa kadiliman ng gabi. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.

Masyado atang malalim ang iniisip ko kaya hindi ko namalayan ang isang parating na sasakyan.

Sa kalaliman ng gabi, isang malakas na busina ang bumasag sa katahimikan ng kapaligiran.

Isang nakakasilaw na ilaw ang aking nakita at ang sumunod ay isang kadilimang nakakabulag.

.

.

.

Hindi ko alam kung nakapikit lang ako o wala lang akong makita dahil sa sobrang dilim.

Nang bigla akong may narinig na isang tinig.

Parang pamilyar ang tinig pero hindi ko kilala kung kanino.

Biglang isang maliwanag na imahe ang nakita ko sa aking harapan.

Sya pala ang nagsasalita.

Nagkukwento tungkol sa isang bahagi ng buhay ko na matagal ng naganap.

Hindi ko makita ang mukha ng nasabing tinig.

Inisa-isa nya ang mga nangyari sa buhay ko.

Maganda man o masama.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

“Bakit nyo po ba ulit sinasabi sa akin ang mga ‘yan? Alam ko na po ang mga ‘yan at ang iba ay ayoko ng maalala pa.”

“Alam ko. Pero kahit isa sa mga nangyari sa buhay mo ay wala kang natutunan. Maganda man o masama.”

“Tuloy-tuloy lang ang pagharap sa mga bukas na dumating sa buhay mo pero hindi mo man lang nakita ang mga aral ng nakalipas.”

“Kaya ayaw mo ng maalala ang karamihan sa masama mong nakaraan ay dahil ilang beses mo ng naranasan ‘yon pero wala ka pa ring natutunan.” isang mahabang litanya ng boses.

Hindi ako nakapagsalita.

Alam kong tama ang kanyang mga sinabi.

Maraming nangyari sa buhay ko na parang wala man lang akong natutunan dahil paulit-ulit lang nangyayari.

Ilang beses na akong nagkamali pero paulit-ulit ko lang din nagagawa ang mga pagkakamaling ‘yon.

Ilang beses na akong nadapa pero hindi ko pa rin magawang iwasan ang daan kung saan ako madalas madapa.

Paulit-ulit lang pero wala akong ginawang tama.

“Simple lang ang aral ng mga pinagdaanan mong ‘yon. Matuto ka.”

“Matuto kang magpakumbaba. Matuto kang tumanggap ng pagkakamali. Matuto kang magpatawad. Matuto kang magpahalaga sa mga taong nagmamahal sa’yo ng totoo. Matuto ka sa mga pagkakamali mo.”

Isang maliwanag na mensahe matagal ng nagsusumigaw sa harapan ko pero hindi ko pinapansin.

Isang aral na matagal ko ng alam pero iba pa ang kailangang magturo sa akin.

Nasa ganito akong pagmumuni ng biglang isang boses na naman ang narinig ko.

“Boss…”

“Boss…”

“Bangon ho… Bawal hong matulog dito.”

Isang barangay tanod ang gumising sa akin.

Isang sakay lang pala ng jeep na minimum ang pamasahe ang layo ko sa bahay namin.

Dali-dali akong umuwi sa bahay.

Niyakap kita ng mahigpit at malumanay na kinantahan.

Humingi ng kapatawaran sa aking nagawa.

Nangakong kailang man ay hindi na uulitin.

At ibinulong sa’yo na…

“Mahal na mahal kita…”

KuyaMao


Advertisements

10 thoughts on “Bulag Sa Aral

  1. salbehe

    Hey mikki you’re so fine, you’re so fine you blow my mind, hey mikki!

    Minsan napapaisip din ako kung bakit ko paulit ulit na ginagawa ang mga alam kong nagawa ko na at alam ko na din kung anong maihahatid sa akin ng mga nagawa ko na. Parang wala akong natutunan sa mga pagkakamali ko dahil patuloy ko pa din ginagawa.

    Uy, bago ang header!

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s