Hoy! Bakit Ka Andito?! Nanaman?!?

 

Kung napansin mo na nitong mga nakaraang post ko eh parang wala kang napala, dahil ‘yun sa wala ka naman talagang mapapala dito. At gaya ngayon na tulad nung una kong post tungkol sa mga search engine terms na dito napadpad, tinatamad na naman ako ngayon magkwento.

Alam kong hindi mo na tatanungin kung bakit dahil malamang sa hindi eh alam mo na din ang magiging sagot ko.

Tinamad ako ngayong magkwento pero hindi ako tinamad na sagutin kung anuman ang gustong malaman ng mga taong napadpad dito na parang nagtatanong.

Eto…

Basahin mo…

 

– ang tawag sa pang ahit ng buhok ay Gillette. Poreksampol, “pabili nga pong gillette, yung shick.” Parang toothpaste lang ‘yan eh. “pambili nga pong colgate, ‘yung close-up.”



–Β  Malaki A-ng ‘Y-ong A-no B-akit A-kin N-aman G-anito. Alam mo na kung sino man ang gumagamit nito.

 

Ang plastic na kaibigan ay orocan. Makapal na ang muka, walastik pa sa tibay ng sikmura.

 

– Maganda ‘tong isang ‘to. Mukang hindi pinagisipan eh. Pero gusto ko pa ring patusin eh. Ang pasunod sa magulang eh depende. Kung ikaw ay mga nasa 60-anyos pataas, sa tingin ko eh dapat kagn sumunod sa mga magulang mo, kung san man sila nagpunta. ‘Wag ding kalililmutang magpaalam sa mga parents kapag gumimik kayo ng mga friends mo sa ganitong edad nyo. Kung 59-anyos pababa, aba’y puting ama naman. Kelangan pa bang itanong ‘yan?!

 

– Madali lang ang kasagutan sa tanong na ‘to. Magpakulo lang ng isang kalderong matika at haluan ng hiniwa-hiwang 87 pirasong siling labuyo. Pagkatapos kumulo, ibuhos sa puwit mo. Solb! “If symptoms persist, call a dentist.”

 

– Oha! Pati gamot sa aswang eh hinahanap na din ngayon! Sa totoo lang, mahirap gamutin ang aswang, lalo na kung hindi mo alam ang sakit. At depende pa kung anung klaseng aswang ba ‘yan. Kung manananggal, nasisira kasi ang oras ng kain nila dahil depende sa lipad nila ‘yun kaya kung ang gamot na dapat nyang inumin eh every 8 hours, mukang kelangan mong gawing saranggola ang alaga mong aswang para hihilahin mo na lang ang tali pag oras ng ng pag-inom ng gamot.

 

Sana ay maligaw ulit dito minsan ang mga taong naghanap ng mga terms o keywords o sentences na nabasa mo para makabawi naman ako sa kanila.

Me makikita na sila ngayong mga sagot sa kung anuman ang hinanap nila dati.

 

P.S.

Ang mga sagot sa itaas ng may akda ay ayon sa sarili nyang pananaw.

Kung may alam kang mas maayos o mas tamang sagot,

Eh di ikaw na nga ang magaling! πŸ˜€

 

 

Advertisements

14 thoughts on “Hoy! Bakit Ka Andito?! Nanaman?!?

  1. duking

    me nabasa akong kasabihan…

    ‘sa panahon na ang lahat ng tao ay nagpapatawa, stand out lagi ang corny’

    actually, sinabi sa akin yan ng friend ko nung tinanong ko siya kung ano sa nipponggo ang ‘is this your noodles?’

    ‘mikki-m0ba-to?’

    yun na.

    Sagutin
  2. YanaH

    minsan plastic din ako. pero dahil madalas ako pa-shushal.. .. “tupperware” ang brand ko. ang mangelam tutubuan ng sangkaterbang malalaking butlig sa butas ng pwet. blehhh!

    necessity ba na 87 piraso ng sili? hindi ba pwedeng 86 or 88? 87 talaga pramis???

    may aswang saranggola ka ba? based from ekspiryens ba yan?

    **ngayon lang ulit nakadalaw dito, ngayon lang nakaahon sa lalim ng kabusyhan hihihihi**

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      e di ikaw na ang shushal na plastic. πŸ˜€
      kelangan talaga eh saktong 87… kasi kung 88, masyadong maanghang at kung 86 naman eh kulang sa anghang. πŸ˜€
      dati nung kausuhan pa talaga ng aswang, madalas makapanghuli at itinatalang… πŸ˜€

      ikaw na ngayon si Bising Binibining YanaH!
      πŸ˜€

      Sagutin
  3. marius

    saka tol, pitumpu’t walong piraso lang dapat ang bilang ng siling labuyo ang ilalahok mo dun sa igagamot mo pag makati ang puwit…pag sumobra kasi e magkaka side effect un, hahapdi ang puwit mo at magkaka rashes…

    Sagutin
  4. marius

    tol, wala k nga yata sa mood nung gawin mo to…ni hindi mo na inedit ei…
    saka mejo pang mais nga pala ung story mo ’bout “si efren at ako”…

    Sagutin
  5. salbehe

    Hey mikki you’re so fine, you’re so fine you blow my mind, hey mikki!

    Natuwa ako sa mga sagot mo, lalo na sa pagsunod sa magulang. Marami din akong search engine na muntanga, minsan gagawan ko din ng post. Nice post hey mikki you’re so fine, you’re so fine you blow my mind, hey mikki!

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      salamat ate salbe at natuwa ka kahit hindi ko intensyon ‘yon. πŸ™‚
      natawa rin ako sa housemates blues mong post. πŸ™‚
      minsan talaga pagwala akong magawa eh ganyan na lang ang pinopost ko para hindi naman nakakahiya sa mga naghahanap. at least me makikita sila kahit walang kwenta. πŸ˜€

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s