Salami’t Tali

Alam ko sa kabila ng salamin na ito kung saan ko nakikita ang aking repleksyon, maraming mata ang nakamasid. Salamin na naghihiwalay sa akin sa tunay na mundo.

Dito sa kabila ng salamin kung saan ako naroon ngayon, malaya ang aking isipan. Hindi ko iniisip kung anuman ang kaguluhan sa kabilang panig. Hinahayaan ko lang silang tumingin. Payapa ang aking puso at isipan sa loob ng salamin na ito.

Maraming tao sa kabila ng salamin, ngunit hindi ko sila kilala. May mga pamilyar na mukha ngunit hindi ko na maalala ang kanilang mga pangalan o kung kilala ko nga ba sila.

Nakikita ko sa kabila ng salamin ang paghati ng mga nasa labas. Ang mga kaguluhan, paghihirap at sakripsyo. Ang mga hindi pagkakaunawaan at kawalan ng pagkakaisa. Ang pagiging makasarili.

Lahat ng ito ay minsan ko ng naranasan…

At hindi ko na alam kung gusto ko pang balikan…

Maaaring sa kabila ng salamin na ito ay isang pansamantalang katahimikan lamang. Maaaring hindi pang habang buhay ay nagtatago ako dito sa kabila ng salamin. Maaaring ito ay mga nakaw na sandali lamang.

Ang buhay sa kabila ng salamin na ito ay isang mahabang tali na hindi mo alam kung kailan mapapatid. Hindi mo alam kung saang banda ka ng tali masusugatan. Hindi mo alam kung may nakahawak sa kabilang dulo ng tali. Pero ramdamdam mong may humihila sa’yo ngunit hindi mo alam kung saan ka dadalhin.

Sa bawat paghila ng tali ay maaring sabihin na syang paglapit mo sa dulo. Ngunit maari ding putulin mo na ang tali kung pagod ka ng humawak dito.

Minsan na akong nakipaghilahan ng tali sa labas ng salamin. Hindi ko alam kung ilang beses akong nasugatan at kung ilang beses ko na ding tinangkang putulin.

Nagsawa na ako sa pagkapit…

At kusa na ding napatid…

 

 

Advertisements

9 thoughts on “Salami’t Tali

  1. duking

    kung tutuusin, repleksiyon lang ang nasa loob ng salamin ‘di ba? pero minsan, ang sarap isipin na ikaw rin yun sa kabilang mundo kahit pa nga repleksiyon lang yun. minsan kase, may mga ayaw tayo na narito sa labas ng salamin.

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      salamat Sir daniel… πŸ˜€
      hindi ko alam kung paano ikukwento ang kwento sa likod ng posteng ito… πŸ˜€
      siguro pagka isang araw na mejo nakasinghot ako ng muriatic acid, baka sakaling maikwento ko s’yo…
      πŸ˜€

      Sagutin
  2. myfilthyroom

    panalo ‘to! next time tungkol naman sa payong, then lata, flower vase, palakol, gunting, etc.. πŸ™‚
    seryoso.. magaling, magaling! πŸ˜€

    Sagutin
  3. J. Kulisap

    Nasaan ba ‘yang salamin na ‘yan? Alis na diyan, baka mabasag uli.

    Kapag ang salamin ay isang paksa sa sulatin, nagbibigay ito ng pakahulugang repleksiyon at pagbabalik tanaw maging pagkilala sa sarili o sa kapuwa.
    Halimbawa, ang isang ugali ni Mao ay isa ring kaugalian ni Kulisap, kung kaya’t repliksiyon sila ng iba pa. Hindi lumalayo sa buhay ng mga tao ang ibig ipahiwatig ng iyong akda.

    Ang tali naman ay panukat kung hanggang saan ang haba at lawak ng ating pagtingin o kung paano natin hahawakan ang mga pagsubok sa buhay.

    Eh di ikaw na, pinahihirapan mo ako.

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      Sori naman Boss… πŸ˜€
      Hindi ko nga din alam kung bat ko na-i-post ‘to eh…
      Mukang basag na naman ako sa katol kagabi…
      πŸ˜€

      Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      Akshuali, hindi ko rin alam ang sasabihin ko at wala akong maisip na magandang kanta para sa’yo πŸ˜€
      Heniweys, Salamat nga pala Ate Salbe sa palagian mong pagdaan…
      Tunay na nakakataba ng puso(n). πŸ˜€
      At dahil ayaw mong magpakoment sa datkom mo, dito na lang ang magkokoment sa post mong “Privacy is the Best Policy”.
      -wala pa akong ibang comment kundi natawa lang ako kasi parang sinabi mo na din kung anu ang nasa “secret blog” mo pero hindi nga lang detalyado… parang hindi na din secret…
      wala lang…
      wala lang akong masabi… πŸ˜€

      Magandang araw! πŸ˜€

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s